Chapter 21: Truth

124 89 31
                                    

'Truth'

NICOLE

Alam kong wala ako sa position para pag sabihan si Alexa sa kung ano ang totoo at dapat niyang gawin, dahil hindi naman ako yung boyfriend niya, pero hindi naman siguro pwede na pabayaan ko nalang na ganun yung mangyayari, nakaka awa si Chester alam kong wala siyang kasalanan.

Alexa really need to know kung ano talaga yung totoo.

"Alexa ano bang nangyayari sayo!?" Galit na sabi ko dito

"Hindi ka naman ganyan dati?" Sabi ko ulit

"Please Nicole wag ka nang makisabay? Ano pag aawayan din ba natin 'to?" Umiiyak na sabi niya

"Hindi sa ganun Alexa! Gumising ka nga! Mali na yung mga ginagawa mo!" Sabi ko dito sabay akong umupo sa tabi niya

"Dapat pinakinggan mo muna si Chester bago ka nag react, at yung ginawa mo!? Bakit mo va tinapon yung sing-sing!?" Inis na sabi ko ulit dito

Hindi ko talaga kasi in-expect na pati yung ganung bagay ay magagawa niya.

Wala lang itong imik sa akin, patuloy lang siya pag-iyak.

"Alam ko Alexa na wala akong karapatan na sabihin 'to sayo kasi ang dapat naman talaga si Chester ang mag sabi nito, pero hindi nga ma sabi-sabi ni Chester kasi hindi mo yun pinakikinggan, hindi mo siya pinapansin" Naiiritang sabi ko ulit dito

Wala parin itong pakialam ni hindi man lang nga niya ako hinarap, patuloy lang talaga siya sa pag-iyak, kaya't siguro kaylangan ko na talagang sabihin yung totoo.

"Mali lahat ng nakita mo Alexa!" Medyo may kalakasang pagkakasabi ko

Matapos ko nga yung sabihin ay nilingon niya na agad ako.

"Mali lahat ng nakita mo, hindi hinahalikan ni Chester yung Babae!" Hindi ko muna agad sinabi sakanya

Kitang kita ko sa mukha nito ang pagtataka.

"Muntikan na kasing malunod yung babae, kaya't tinulongan niya lang yung babaeng yun!" Mahinahon kong sabi sakanya, habang hawak ang kamay niya

"Bakit ba parang mas kumakampi ka pa kay Chester" Sabi nito na naging dahilan nanaman ng pag ka irita ko

Ang hirap palang mag explain sa taong 'to, naku Alexa kung hindi lang kita best friend binatukan na kita.

"Tama na Alexa, gindi ka naman tanga, Gumising ka nga! Pilit mong pinapaniwala ang sarili mo sa isang kasinungalingan" Galit na sabi ko dito

"Hindi ka naniniwala sa'kin!? Kahit tanungin mo pa sila Tita't Tito. Please naman Alexa ngayon yung alis ni Chester, ayusin niyo naman yung relasyon niyo" Sabi kong muli dito

Nakakaawa naman kasi kong aalis si Chester na hindi man lang sila nagkaka-ayos ni Alexa.

"Sana nag sasabi ka talaga ng totoo Nicole! Alam mo kung gaano kasakit yung ginawa ni Chester sa'kin" Sabi nito na mukang nakapag isip-isip na

"Kung totoo yung sinasabi mo dapat pala akong humingi ng tawad kay Chester" Umiiyak na sabi nito

Ngayon nakikita ko na yung pagsisisi ni Alexa.

"Pero baka galit sa'kin sila Tita o kaya si Chester galit din yun sigurado!" Kinakabahang sabi ulit nito

Nakapag isip-isip na nga ang gaga, kung kaylan aalis na si Chester saka naman siya malilinawan ng isip, ang sarap talagang batukan.

"Wag mo nang isipin yun, ang mahalaga maabutan mo pa si Chester bago siya maka alis!" Natatawang sabi ko dito

"Mahal ko pa naman talaga siya, sadyang nasaktan lang ako ng sobra, kaya't nagawa ko yung mga bagay nayun" Mahina at malungkot na sabi nito

Totoo nga talaga yung sabi ng iba na laging na sa huli ang pagsisisi.

"Alam ko naman yun! Pwede mamaya kana lang mag emote pag nagkita na kayo! Kaylangan na nating umalis para maabutan natin si Chester!" Mmay awtoridad na sabi ko dito

"Ayusin mo na yung sarili mo, bilis na!" Sabi kong muli

Dali-dali nga siyang nag ayos nang kanyang sarili, halos segundo lang naman ang pinukol nya kaya't naka-alis rin naman kami agad dito sa condominium.

* * * * * * * * *

ALEXA

Gusto kong saktan ulit ang sarili ko dahil sa mga katangahang ginawa ko, bakit kaya hindi ko man lang pinakinggan yung gustong sabihin ni Chester, bakit mas pinairal ko yung katangahan ko.

Ngayon lang ako natauhan sa mga sinabi ni Nicole.

Hindi ko talaga sigurado kung totoo yung sinasabi ni Nicole, pero dahil kaibigan ko siya pagkatiwalaan ko siya.

Hindi naman talaga ako ganito, bakit parang ang sama ko na? Bakit diko nagawang pagkatiwalaan si Chester?

I'm really thankful kasi sa mga ganitong pag kakataon ay lagi talagang nandito si Nicole. I'm very thankful kay Lord kasi binigyan niya ako ng isang mabuti at mapag kakatiwalaang kaibigan.

Tama nga si Chester, dahil lang dun sa pagkakamaling yun sisirain ko yung relasyon naming pinaghirapan? Tatlong taon yung relasyon namin tapos masisira lang dahil dun?

Hindi ko ngayon alam kung ano o pa-ano ako hihingi ng tawad kila tita, lalong lalo na kay Chester, baka inisip talaga ni Chester na hindi ko na talaga siya mahal, pa'no ba talaga 'to? Paano ko kaya 'to aayusin?

Hindi ko mapigil ang bilis ng tibok ng puso ko, lalo na at papunta na kami ngayon kila Chester.

Alam ko naman na may kasalanan din talaga ako at yung ginawa ko kanina, paano ko kaya mahahanap yung sing-sing? Nakokonsensya na tuloy ako, alam ko kasing pinag ipunan yun ni Chester para lang may maibigay sa'kin, kaya't sana mahanap ko pa yung sing-sing.

Sa mga sinabi sa'kin ni Nicole kanina, napag isip-isip ko na ayokong pag sisihan ko yung mga ginawa ko, ayokong masira ng ganun-ganun nalang yunv relasyon namin ni Chester.

Ngayon na alam kong maaayos pa namin yung relasyon namin ni Chester, hindi na ako mag dadalawang isip na humingi ng tawad sakanya, where in the first place ako naman talaga siguro ang may kasalanan.

Hindi pwedeng masira lang ng ganun-ganun yung relasyon naming dalawa.

I love you Chester, Baby! "Charrr"

Walang sinuman ang maaari at pwedeng sumura sa relasyon naming dalawa ni Chester

Maaaring nagkamali ako, pero pinagsisisihan ko naman ito, ngayon aayusin ko ang dapat ay ayos pa.

Muli kaming magkakabalikan ni Chester, I Promised that!

So please Mr. Chester Diaz, hintayin mo ako.

Magiging maayos pa ang relasyon natin, I really love you so much!

*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang