Chapter 15: Who's that Girl?

136 99 17
                                    

'Who's that Girl?'

ALEXA

Nandito na ako ngayon sa bahay nila Chester. As expected magtatanong sa'kin si Nicole tungkol sa pagkikita namin ni Mama, ayoko sanang sabihin kaso hindi naman pwedeng hindi, Nicole is my Best Friend, so ayun nga sinabi ko lahat sakanya, pinipilit kong hindi umiyak, gusto kasing makita Nicole na matapang ako at kaya kong ihandle ang mga problema pero di ko yun nagawa, bumuhos lang nang bumuhos ang mga luha ko habang kinikwento ko sa kanya yung mga nangyari.

"Oo!?" Kitang-kita sa mukha nu Nicole ang pagka gulat

"Masakit na malaman yung mga yun, pero sana Alexa pakatatandaan mo, na siya parin ang Mama mo, dapat hindi mk sinabi yung mga bagay na yun" Sumbat sakin ni Nicole

"Pero masakit rin para sakin na malaman yung mga bagay na yun, siguro nasasabi mo yan Nicole kasi hindi ikaw yung nasa position ko" Sabi ko naman kay Nicole habang patuloy parin akong umiiyak

"Sabihin na nating wala ako sa position mo, pero isipin mo parin Mama mo siya!" Sabi niya ulit sabay yakap sakin

"Alam ko naman na mali yung ginawa ko, pero hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon para kausapin ko si Mama at humingi ng tawad sakanya, wag mo rin muna pala itong sasabihin kila Tita" Sabi ko nanan sakanya habang yakap-yakap ko rin siya

"Alam na ba 'to ni Chester!? Nasaan ba sya? Hindi mo ba kasama? Wala parin naman kasi sya dito" Sunod-sunod na tanong niya sakin

"Hindi pa, siguro mamaya ko nalang 'to sasabihin sakanya? Busy rin kasi yun!" Sagot ko naman sakanya habang pinupunasan ko yung mga mata ko

"Ahh ganun ba!? Mag Mall muna kaya tayo!" Pag-aya nito sa'kin

"Para matangal din yung stress mo, ang panget muna kaya, baka ipagpalit ka niyan ni Chester!" Biro ulit nito dahilan para matawa kaming dalawa

"Hahaha! Nagawa mo pa talaga akong biruin!" Inis-inisang sagot ko dito

"Sige tuloy mag mall muna tayo, para malibang rin muna ako" Pag sang-ayon ko naman sa gusto niya

Nag paalam muna kami kila Tita at Tito bago kami umalis, baka kasi hanapin kami. Gaya ngarin ng napag usapan namin ni Nicole hindi ko muna sasabihin kila Tita't Tito yung tungkol kay Mama.

Umalis rin kami agad nung makapag paalam na kami kila Tita at Tito

Nandito na kami ngayon sa Mall, para nga maka pag libang ako mas pinili ko munang pumunta sa Arcade Section, nag laro muna kami ng kung ano-ano, after naman naming mag laro ay bumili naman kami ng kung ano-anong mga gamit, actually dalawang cologne lang naman binili ko, isa para sa'kin at itong isa naman para kay Chester, sino Nicole naman talaga ang may pinaka maraming binili.

After naming bumili ng kung ano-ano ay pinilit ko na si Nicole na kung pwede kumain muna kami gutom na gutom narin talaga kasi ako.

"Nicole! Baka pwede naman kumain muna tayo gutom na kaya ako!" Naka pamewang na sabi ko sakanya habang naka turo sa Jollibee

"Ano bayan! Kaya ang taba-taba mo na 'e, pero sige na nga gutom narin naman ako!" Natatawang sabi rin nito

Nandito na nga kami ngayon sa Jollibee, actually kumakain na nga kaming dalawa, Chiken at Rice lang naman inorder ko, si Nicole naman Spaghetti lang ayaw niya daw kasing tumaba 'hahaha'

Habang kumakain kami ay may nakaka kuha ng atensyon ko, nakita ko kasi si Rein yung girl Best Friend ni Chester, papalabas na sila dito sa Jollibee may kasama rin kasi syang isang babae na hindi rin pamilyar sa'kin kaibigan niya siguro, well hindi ko talaga kilala kung sino yun, kaya't tinanong ko si Nicole kung kilala nya yung kasama ni Rein, baka lang kasi kilala niya

"Nicole kilala mo ba yung kasama ni Rein!?" Tanong ko sakanya sabay turo kina Rein

"Ayy hindi? Pabayaan muna sila, kaibigan lang siguro niya yan" Walang pakialam na sagot ni Nicole sa'kin

Sakto rin naman na patapos na kaming kumain ni Nicole, kaya't halos naka sunod lang kaming lumabas kay Rein, hindi ko maalis yung mga mata ko kay Rein habang ito namang si Nicole ay busy lang sa pag gamit ng kanyang cellphone, malayo naman ang distansya namin sakanila pero kahit papaano ay nakikita ko parin naman sila Rein, hindi naman sa sinusundan namin sila palabas ng Mall, sadya lang na palabas narin kami ng Mall, balak narin kasi naming umuwi ni Nicole.

Malapit na kaming makalabas ng Mall ng makita ko ang sasakyan ni Chester sa labas, agad kong na isip na baka sinabi sakanya ni Tita na nandito kami sa Mall, kaya baka sinusundo niya kami, sasabihin ko na sana kay Nicole na nasa labas yung sasakyan ni Chester ng makita kong lumabas ng sasakyan si Chester at pinag buksan ng pinto si Rein at yung Babae.

My mood suddenly changed, kanina nakangiti pa ako, pero ngayon hindi ko alam kung ano itsura ng mukha ko.

Pagka pasok ni Rein at nung babae kasama narin si Chester ay agad na Umalis ang sasakyan, kaya't hindi ko na nagawang sabihin ito kay Nicole.

Bigla akong kinabahan sa aking mga nakita, kaya't pinabilisan ko na si Nicole sa paglalakad para maka uwi narin kami.

Doon muna ako dumiretso sa condo habang si Nicole naman ay pumunta muna sa bahay nila Chester sapagkat may naiwan siyang mga gamit dun.

Habang naka higa ako dito sa kama ay hindi parin maalis sa aking isip yung nakita ko kanina.

Who's that Girl?

Kinakabahan man ako ay Tinext ko parin si Chester at tinanong ko sya kung nasaan siya kanina, kahit naman alam ko kung nasaan talaga siya.

To: Chester

Hey! Kamusta? Saan kaba pumunta kanina? Naka uwi na kasi ako wala ka naman dun sa bahay niyo? :-[

*-*-*-*-*-*

From: Chester

Ahh ganun ba? Sorry kung hindi na kita nasundo, busy lang talaga.

*-*-*-*-*-*

To: Chester

Busy? Ahh okay. Saan kaba ngayon?

*-*-*-*-*

From: Chester

Papauwi narin ako, kakagaling ko lang kasing Opisina. Kasama ko nga ngayon si Frederick.

*-*-*-*-*-*

To: Chester

Ahhh ganun ba? Ingat sa pag-uwi!

*-*-*-*-*

From: Chester

Sige! I Love You! 😊😘

*-*-*-*-*

Hindi na ako nag reply sa kanya, nabigla rin kasi ako sa mga text niya, hindi ko kasi akalain na magsisinungaling siya sakin, I was expecting na sasabihin niya sakin yung totoo.

Masakit na yung mga mata ko kakaiyak kanina, kaya't hindi na ako iiyak, wala pang patunay sa mga pagdududa ko, baka kung sino lang talaga yung babae na'yun, baka naki sabay lang sakanila.

Sana wala kang itinatagong sekreto sa'kin Chester. Hinding-hindi kita mapapatawad kapag nalaman kong niloloko mo ako.

Mas pipiliin ko nalang matulog ngayon kesa mag emote nanaman.

*_*_*_*_*_*_*_*

Take me to Church Where stories live. Discover now