Chapter 35: It's not good to see you

96 71 1
                                    

'It's not good to see you'

CHESTER

Halos mapaluhod ako sa sobrang panghihina ng mga binti ko. Ang sakit sa puso na nakikita kong walang malay ang taong mahal ko, hindi ito ang nais kong pagtatagpo ulit naming dalawa ni Alexa.

Gulat na napatingin sa'kin ang isang ginang at takang nag tanong.

"Sino ka?" Takang tanong nito sa'kin

Magang-maga pa ngaang mata nito, kakaiyak niya siguro.

"Ako po si Chester Diaz" Natigil ako sa pag sasalita ng mapansin kong nag iba ang itsura nito at napa titig sa'kin

"Ikaw!?" Takang tanong ulit nito, kitang-kita sa mukha nito ang pagkabigla

"Opo!" Tanging naging sagot ko

Biglang may pumasok sa pintuan, dahilan para matigil kami sa pag-uusap at mapatingin dito.

"Anak!" Biglang pag tawag nitong ginang na kausap ko

Kristine? Oo, Si Kristine nga at Anak? Pa'no siya naging anak?

"Chester nandito kana pala? Kanina ka pa?" Tanong agad sa'kin ni Kristine

"Kakarating ko lang" Maikiling tugon ko dito, hindi parin kasi ako maka paniwala na Mama niya pala ang kanina ko pang kausap

"Ma! Kamusta na po si Alexa?" Biglang tanong nito kay Mama niya

"You know Alexa? Bakit mo nilihim sa'kin?" Takang tanong ko dito

Kilala niya pala si Alexa. Bakit di man lang niya sinabi sa'kin.

"Oo, Kilala ko na siya, kanina lang!" Simpleng sagot nito sa'kin

"Kapatid ko si Alexa, kapatid sa Ina. Anak siya ni Mama sa unang asawa niya, Alexa is my Ate" Sabi niya na ikinabigla ko

Ibig sabihin pala magkapatid sila? Kaya pala pamilyar yung bahay na pinuntahan ko kanina.

"Yung ambulance? Yun ba yung sinakyan niyo kanina?" Tanong ko dito

"Yes!" Maikling sagot sa'kin ni Kristine

"Magkakilala kayo anak?" Sabat ng Mommy niya sa pag-uusap namin ni Alexa

"Opo Ma, sila yung naging ka trabaho ko dun sa Italy. Isa siya sa mga kinuhang engineer nila Papa dito sa Pilipinas na nag trabaho dun sa Italy" Paliwanag ni Kristine sa Mommy niya, Agad naman nitong naintindihan yung sinabi ni Kristine

"Ikaw ang dating boyfriend ni Alexa? Tama ba? At sana'y magiging asawa niya na?" Biglang tanong sa'kin ng Mommy niya na ikinagulat ko, ibig sabihin pala alam niya ang tungkol sa'min ni Alexa

"Opo.." Naputol ang sasabihin ko ng may pumasok na Doctor

"Kamusta si Alexa? Nagising na ba siya?" Tanong agad ng Doctor

"She's still unconscious Dad" Sagot ni Kristine sa Doctor, sabay lumapit ito at yumakap

Tinawag niyang Dad ang Doctor, Ibig sabihin ito yung sinasabi ni Kristine na Daddy niya, totoo pala yung sinasabi niya na Doctor ang Daddy niya.

"Sino ka!?" Tanong sa'kin bigla ng Papa nila Kristine

"I'm Chester Diaz, Sir" Pagpapakilala ko dito, sabay abot ng kanang kamay para sana mag mano, ngunit hindi ako nito pinagmano

Hindi nalang ako nito kinibuan kaya't si Kristine na ang kumausap sa'kin.

Sa mga naging kwento sa'kin ni Kristine mukang malala na nga ang sakit ni Alexa. I almost cry, pero napigilan ko parin naman ito, nakakahiya din naman kaso kung iiyak ako dito.

"Ano po ba talaga ang sakit niya Tita?" Tanong ko sa Mommy nila

"Alexa was diagnosed with Brain Cancer at mukang mahirap na siyang gamutin" Paliwanag sakin ng Mommy nila Alexa habang patuloy na umiiyak

"Marami siyang pinoproblema this past days, masyadong na stress si Alexa!" pahabol na sabi pa nito

"Ano po ba ang mga naging dahilan ng stress niya?" Tanong ko naman dito 'tsaka umupo malapit sa tabi ni Alexa

"Bat mo pa tinatanong yan!? Hindi mo alam kung ano yung sagot? Ang galing mo rin naman ahh!" Biglang sabat ng Daddy niya

Kitang kita ko sa mga mukha nito ang pagkainis.

Gulat na gulat ako sa mga sinabi ng Daddy ni Alexa.

Wala akong maling Ginawa. Hindi ko sinaktan ni minsan si Alexa. Yung mga nangyari nun it's just a misunderstanding, parehas kaming may mali, pero never kong niloko si Alexa, I love her so much.

"Hindi ba't iniwan mo siya?" Galit na sabi bigla sa'kin ng Daddy ni Alexa

"Dad!?" Pag-awat bigla ni Kristine

Hindi ko na ito sinagot. Napa isip nalang akong bigla sa mga sinabi ng Daddy ni Alexa.

Hindi ko naman siya iniwan. Hindi ko alam na sumunod siya sa Airport nung mga panahong iyon, kung alam ko lang talaga eh di sana hindi na ako sumama sa Italy.

Natigil ito sa pag sasalita ng tawagin ito ng ibang nurse na naging dahilan para lumabas siya ng kwarto.

"Hindi ko po kayang saktan ang anak niyo. Mas minahal ko pa nga siya kaysa sa sarili ko. Hindi ko po kayang gawin na lukohin siya ni minsan po hindi ko naisip na lukohin si Alexa, ganun ko po ka mahal ang anak niyo. Mahal na Mahal ko po si Alexa at hindi yun nagbago kahit nagkahiwalay man kaming dalawa, Kristine knows that!" Halos maiyak na ako sa mga sinabi ko pero pinigil ko ito, gusto kong makita nila na matatag at matapang akong tao

Natigil ang Daddy ni Alexa sa paglalakad at tiningnan muna ako bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Bakit parang galit na galit sa'kin ang Daddy ni Alexa, wala naman akong ginawang masama sa anak nila, Hindi naman siguro ako ang naging rason kung bakit nasa ospital talaga ngayon si Alexa.

"Pasensya kana Chester, masyadong maraming iniisip na kasi at pinoproblema si Marco. By the way, ako nga pala si Marylyn, Mommy ni Alexa!" Nakangiting sabi ng Mommy ni Alexa

Nagulat nga ako sa sinabi ni Tita, akala ko rin kasi galit siya sa'kin gaya ng asawa niya, pero mali yung akala ko.

Nginitian ko muna ito bago nag salita.

"I'm happy to finally meet you po, Tita!" Sabi ko sabay niyakap ko siya

Buti nalang mabait si Tita, may pinag manahan naman pala si Alexa sa pagiging mabait.

Nakipag kwentuhan muna ako kay Tita, mas pinili niya rin muna kasing mag stay dito ospital at bantayan si Alexa.

Maraming bagay na kaming napag kwentuhan tungkol ni Tita, tungkol sa Pamilya ko kila Mama't Papa pati narin sakanila.

Hindi ako nagkamali sa pagpili kong si Alexa ang aking mahalin, kung gaano kabait si Alexa ay ganun din naman ang Mommy niya, mukhang may pinag manahan talaga si Alexa.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naka tulog na si Tita.

Napatitig ako bigla kay Alexa at nag isip-isip.

Sa wakas kilala ko na ang mga magulang mo Babe, maaari na tayong magpakasal, gaya ng ipinangako ko sayo dadalhin kita sa simbahan, kaya't sana naman gumising kana. Hindi rin naman magandang naka higa kalang diyan sa kama nayan, hindi matatapos ang love story natin ng Sad Ending, We will end this story with a Happy Ending.

It's not good to see you.
But I'm still happy to finally see you again.

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

Kunting chapters nalang guys.

Votes and Comments are very appreciated.

Thanks

Take me to Church Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum