Chapter 22: Run to You

113 87 25
                                    

'Run to You'

ALEXA

Dali-dali akong bumaba sa taxi, iniwan ko na nga si Nicole sapagkat nagbabayad pa kasi siya.

Habang papalapit ako dito sa bahay nila Chester ay siya namang bilis ng tibok ng puso ko, mas lalong tumindi ang aking kaba at hindi talaga 'to mawala, pilit kong pinapakalma ang sarili ko pero hindi ko talaga magawa.

Hindi na ako kumatok sa pinto nila Chester, binuksan ko 'to agad at nakita ko nga sila Tita't Tito kasama narin si Joanna na naka upo sa sala at nag-uusap, kahit kinakabahan at alam kong nakakahiya ay hindi na ako nag dalawang isip pa na mag tanong sakanila kung nasaan si Chester.

"Tita, Nasaan po si Chester? I need to talk to him, please po Tita?" Pag mamaka-awa kong sabi kay tita

"Anong ginagawa mo dito Alexa!?" Mahinahong tanong sa'kin ni Tita  sabay pina upo muna ako nito malapit sakanila

"I'm really sorry po Tita! Mas pinairal ko yung galit ko, hindi ko nagawang pakinggan si Chester" Naiiyak na sabi ko dito

I really felt guilty, kung lang siguro sana pinakinggan ko si Chester, siguro hindi ako ngayon umiiyak.

"I understand you Alexa, alam ko naman kung bakit mo nagawa yun, ganyan naman talaga lahat ng relasyon, may mga pagsubok na darating!" Sabi ni tita na nakapag pabawas na nang aking kabang nararamdaman

"Pero sana pinakinggan mo muna si Chester na maka pag paliwanag, kasi bilang Ina, masakit din sa'kin na makita na nasasaktan ang anak ko at alam mo naman di'ba? Saksi din naman kasi ako sa naging relasyon niyong dalawa. Masaya naman kayo diba?" Halos maiyak nanaman ako dahil sa sinabi ni tita

"I'm really sorry po Tita!" Naka yukong sabi ko ulit kay Tita

"It's okay, nangyari na 'e! Hindi na natin mababago pa ang bagay na nangyari na" Nakangiting sabi ni Tita sa akin

"By the way, tinatanong mo kung nasaan si Chester? Wala na siya dito, ngayon yung alis niya! Hindi mo naaalala? Kanina pa siya umalis ng bahay" Sabi ni Tita ikinagulat ko

"Wala na siya dito Tita!?" Gulat na tanong din ni Nicole kay Tita

"Yes! Kanina pa, sundan nyo nalang kaya sa airport, baka nandun pa sila" Sohestiyon ni tita sa amin

"Tatawagan ko siya!" Sabi ko naman

Sabay labas ko naman ng aking cellphone.

"No, its useless, nandito yung Cellphone ni kuya, naiwan nya rin 'to kakamadaling umalis kanina" Sabi naman ni Joanna na hawak-hawak nga ang cellphone ni Chester

Hindi ko alam kung karma na ba 'tong nangyayari sa akin.

Bakit pati yung cellphone ni Chester naiwan niya, kaylangan ko syang maka-usap, kaylangan kung mag sorry sakanya, kaylangan ko si Chester, kaylangan naming ayusin ang relasyon naming dalawa.

"Puntahan niyo na sa airport baka maabutan nyo pa! Bilis na!" Utos sa amin ni Tita

Tita was right baka nga nandun pa si Chester sa airport at least bago man lang siya umalis ay magka ayos muna kami.

"Sige po Tita! Aalis muna kami!" Sabi ko naman kay tita

"Sana mag ka ayos na kayo ni Chester!" Nakangiting sabi ni Tita

"Bibigyan niyo pa ako ng Apo, remember!?" Biro pa ni Tita bago kami tuluyang lumabas ng bahay

Sa sinabi ni Tita mas lalo'ng lumakas ang tiwala ko na maaayos pa naming dalawa ni Chester ang relasyon namin.

Dali-dali na nga kami ni Nicole na lumabas ng bahay at nag hanap ng masasakyan.

Hindi ko alam kung karma na ba ulit 'to o sadyang malas lang talaga ang araw na 'to, sapagkat wala kaming masakyan na taxi ni Nicole ilang minuto na kaming nag-aabang dito, pero wala talagang taxing dumadaan.

Pero hindi naman ganun ka traydor yung tadhana sa'kin, sapagkat makalipas ang halos kalahating oras na paghihintay namin ay may nahanap rin kaming Taxi.

"Kuya sa airport po tayo, pakibilisan lang po, Please!" Natatarantang sabi ko kay kuyang driver, tumango lang ito bilang sagot sa'kin

"Maaabutan din natin siya, Don't worry!" Nakangiting sabi ni Nicole na mas nakakapag pagaan ng nararamdaman ko

"Sana nga hindi pa sila nakaka alis" Nag aalalang sabi ko naman dito

Ilang minuto din yung itinagal namin sa biyahe bago kami makarating sa airport.

Hindi pa man kami nakakababa ay grabe na yung kaba kong nararamdaman.

I really felt guilty sa mga nangyari ngayon sa'min ni Chester, feeling ko tuloy ako pa talaga yung may kasalanan, pero gaya nga ng sinabi ni Nicole kaylangan ko munang tanggalin yung pride ko para sa relasyon naman namin 'to ni Chester.

Takbo dito, takbo dun, liko dito, liko doon, hingal na hingal na kami ni Nicole kakatakbo at kakaliko.

Agad akong nagtanong-tanong kung saan yung flight ng papuntang Italy.

Hindi ko na mabilang kong ilang tao na ang napagtanongan ko, pero siguro nang maka sampung tao na akong napagtanongan ay may nakapagturo na rin sa amin.

Papunta na sana kami sa direksyong tinuro sa amin nung babaeng napagtanongan ko nang may mapansin kami ni Nicole na isang pamilyar na tao, agad namin itong pinuntahan at nakilala nga namin ito.

"Frederick" Pag-tawag ko dito, nilingon naman ako nito halata ang pagkagulat sa mukha ni Chester ng makita ako

"Anong ginagawa mo dito Alexa? Aalis karin ba? Ngayon din ba flight mo?" Sunod-sunod na tanong nito, bakas na bakas talaga sa mukha nito ang pagka gulat

"Bakit hindi niyo inayos yung relasyon niyong dalawa ni Chester? Sayang naman, parehas pa kayong aalis?" Sabi ulit nito

Ayoko na mag paliwanag sakanya, kaylangan ko munang makita at maka usap si Chester.

"Hindi ako aalis!" Kinakabahang sagot ko naman dito

"Na..nasaan na ba sila Chester?" Nauutal kong tanong dito

"You're late!" Napaisip ako sa sinabi ni Frederick, anong ibig niyang sabihin

"Kanina pa sila naka alis! Actually pauwi na nga rin ako, kami pala ni Misis kaso nasa cr pa kasi si Misis, kaya't hinihintay ko pa!" Sabi ulit nito

Napaupo nalang ako bigla matapos niya yung sabihin, napapagod narin kasi ako.

Bigla akong nanghina, biglang sumikip yung pag hinga ko, sumakit din ng bigla itong ulo ko, ilang segundo nga lang ang lumipas ay naramdaman kong nahihilo na ako at maya't-maya pa nga ay bigla nalang dumilim ang paningin ko.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon