Chapter 9: Orphanage

161 113 21
                                    

'Orphanage'

NICOLE

Kahit may trabaho ako na naiwan doon sa aming probinsya ay okay lang, sapagkat alam ko na magiging worth it ang pag punta ko dito sa Cavite.

Humingi kasi sakin ng pabor si Chester na tulungan ko raw sya sa balak nyang gagawing pag propose kay Alexa, well alam kasi ni Chester na pagdating kasi sa Best friend ko na si Alexa ay ginagawa ko ang lahat, lalo na itong gagawin ngayon ni Chester na pag propose, alam ko na magiging masaya si Alexa kay Chester, alam ko rin kung gaano kamahal ni Alexa si Chester.

Ginagawa ko lahat nang pwede kong gawin para malibang kami lagi ni Alexa, ayaw kasi namin na malaman niya ang balak na gawin ni Chester, kahit medyo nagagastosan narin nga ako pa labas-labas ay okay lang atleast hindi sya nag aaya na pumunta kila Chester nalilibang siya sa mga ginagawa namin, kaya nga rin pinilit ko syang pumunta sa Orphanage para maiba narin ang gagawin namin, halos araw-araw nalang kaming nag mamall.

Almost ten thirty na kami naka alis dun sa condo kaya nga kakarating palang namin ngayon dito sa bahay ampunan.

"Good Morning po Maam!" Pag-bati naming dalawa ni Alexa sa babaeng nagwawalis

"Magandang umaga rin po, ikaw palayan Alexa!?" Sabi ng babae, sabay tinigil muna nito yung pagwawalis at yinakap nya si Alexa

"Opo, kamusta na po kayo aleng Tina?"  Nakangiting tanong sakanya ni alexa

Sya pala si Aleng Tina kaya pala parang na mumukaan ko sya.

"Okay naman kami dito, Ikaw kamusta? Sino bayang kasama mo? Tanong ni aleng Tina kay Alexa, sabay turo nito sakin

"Okay naman po kami! Sya po pala si Nicole Perez naaalala niyo pa po ba? Yung best friend ko simula nung bata pa kami!" Sabi naman ni Alexa, sabay hinila niya ako palapit sakanila

"Ikaw na ba talaga yan Nicole!? Ang laki mo na ahh, buti nakabisita ka dito? Tara pumasok muna tayo!" Sabi ni aleng Tina, sabay sumunod nga kami sakanya

Naglakad na nga kami papasok ng orphanage, habang kami ay naglalakad patuloy rin ang pag kekwentuhan namin nila aleng Tina.

"Ilang araw palang naman po ako dito aleng Tina, binisita ko lang po si Alexa!" Paliwanag ko dito, kanina pa kasi sya tanong ng tanong kung ano daw ang ginagawa ko dito

"Ganun ba? Halos Sampung Taon narin ang nakalipas simula ng Ampunin ka!" Sabi ni Aleng Tina sakin

Hindi parin pala ako nakakalimutan nila Aleng Tina.

"Oo nga po, kaya nga po sinama ko si Alexa, nasaan po ba si Sister Rhea!? Pag iba ko sa pinag uusapan namin ni Aleng Tina

"Doon sya sa Office may kausap kasi sya kanin! Tara puntahan natin" Sabi ni Aleng Tina, sabay turo niya sa direksyon kung saan yung Office

"Sino po ba?" Sabat na Tanong ni Alexa sakanya

"Hindi ko rin kilala, pero mukhang importante yung pinag uusapan nila!?" Sagot ni Aleng Tina sakanya

"Ahh sige po!" Sagot naman ni Alexa kay Aleng Tina

Naglakad na nga kami papunta sa Opisina kung saan si Sister Rhea.

* * * * * * * * * *

ALEXA

Pansin kong may kakaibang nangyayari hindi ko alam kung ano? Pero pakiramdam ko talaga may kakaiba, sapagkat ilang araw na nga kaming labas ng labas ni Nicole pero hindi man lang kami pumupunta kila Chester, tapos ilang araw narin akong hindi binibisita ni Chester.

Ano kayang meron!?

Nandito kami ngayon nila Nicole at Aleng Tina sa opisina ni Sister Rhea, inabutan nga namin si Sister na kausap pa yung lalake na sinasabi ni Aleng Tina, ilang minuto ang lumipas ay natapos rin naman ang pag-uusap nila at umalis narin agad yung lalake kaya't pinuntahan ko agad si Sister.

"Mano po Sister, kamusta po kayo?".. Masigla kong pagbati kay Sister, sabay abot ko ng kamay niya at nag mano

"Mabuti naman, ikaw kamusta!? Matagal kanang hindi bumibisita dito, sakto yung pag bisita mo ngayon!" Sabi sakin ni Sister Rhea, sabay umupo ulit ito

"Maayos din naman po, bakit po Sakto ang pag bisita ko!? By the way Sister sya na po pala si Nicole!" Sabay turo ko kay Nicole na naka upo parin kasama si Aleng Tina kaya't pinalapit ko ito

"Magandang umaga po Sister!" Nakangiting pag bati ni Nicole, sabay nag mano rin ito

"Ang laki muna hija, ang ganda-ganda mo pa!" Sabi ni Sister Rhea kay Nicole

"Sister sino po ba yung kausap nyo at mukhang seryoso ata ang pinag uusapan niyo kanina?" Takang tanong ko kay Sister

"Kaya nga sakto yung pag bisita mo ngayon Alexa, kasi kung naalala mo noong huli mong pag punta dito? Sya yung inutusan ko na mag hanap sa nanay mo, halos dalawang buwan sya bago bumalik dito!" Mahabang paliwanag ni Si Sister Rhea

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.

"Ano po bang pinunta nya ngayon dito!?" Kinakabahan at the same time na iexcite na tanong ko kay si Sister

"Yun nga ang magandang balita Alexa. Nakita at nakausap niya na daw ang nanay mo!" Nakangiting sabi ni Sister Rhea

Nagulat ako sa mga sinabi ni sister, after ng pagkahaba-habang panahon buhay pa pala ang nanay ko and finally makakasama ko na ulit siya.

"Saan daw po sya ngayon? Gusto ko po siyang makilala at makita na Sister Rhea!" Excited at naluluhang sabi ko kay Sister

Lumaki ako ng hindi siya nakikita o nakakasama kaya't ganun na lamang ang pananabik ko na makita si Mama.

"Ito ang address niya Alexa. Dito sya ngayon nakatira!" At binigay nga sakin ni Sister ang maliit na papel kung saan nakasulat ang Address

"Salamat po Sister, mukhang swerte nga ang pagpunta namin dito!" Sabay yinakap ko si Sister Rhea

Dai ko pa yung bata dahil hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak.

"Napaka gandang balita niyan Alexa! Kaylan mo ba pupuntahan?" Nakangiting tanong sakin ni Nicole

"Siguro sa Monday nalang, sasabihin ko rin muna ito kay Chester, magpapasama narin ako sa kanya" Sabi ko kay Nicole, habang patuloy na pinag mamasdan itong papel

"Dito na kayo kumain!" Pag putol ni Sister Rhea sa pag-uusap namin ni Nicole

"Opo Sister, na miss narin namin kayo" Sabay naming sabi ni Nicole kay Sister Rhea "Btw meron po pala kaming dalang mga pasalubong para sa mga bata, may pagkain at mga damit din po dun" Dugtong ko pa, sabay turo ko dun sa box na dala namin

"Matutuwa nito ang mga bata, wala narin silang mga laruan dito! Malaking tulong rin yang mga pagkain na dala niyo. Maraming Salamat sa inyo!" Nakangiting sabi samin ni Sister Rhea, sa sobrang saya rin namin ni Nicole ay napayakap kami dito

Matapos nga naming makipag kwentuhan kay Sister ay nag lakad-lakad muna kami, hanggang sa hindi nga namin na malayan ni Nicole na hapon na pala, kaya't napag desisyonan na nga namin ni Nicole umuwi na, kaya't nag paalam na kami kila Sister Rhea.

"Sister uuwi na po kami, anong oras narin po kasi! Baka gabihin kami sa daanan!?" Pag papaalam namin ni Nicole

Matapos nga naming maka pag paalam kay Sister Rhea at Aleng Tina ay umuwi narin kami ni Nicole.

Napakasarap sa pakiramdam na muli kaming naka balik ni Nicole sa lugar na kinalakihan namin ang lugar na kung saan tinuruan kami ng mga mabubuting asal.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Where stories live. Discover now