Chapter 13: My Mother

144 100 23
                                    

'My Mother'

ALEXA

Nakauwi na kami ngayon sa bahay nila Chester, dito muna ako sa bahay tumuloy, sapagkat nais ko munang mag pahinga at may trabaho pa ako mamayang gabi, ngunit nais ko mang matulog ay hindi ko magawa sapagkat hindi maalis saking isipan yung sinabi nung babae kanina sa amin ni Aleng Gina.

* * * * * * * * * *

"Ohh kagawad Gina! Walang tao dyan umalis SILA Julia bukas pa ang dating nun" Ito mismo yung sinabi nung babae

"Ahh ganun ba, may nag hahanap kasi sakanya" Sabi naman sakanya ni Aleng Gina

"Sabihan ko nalang bukas na may pumunta dito sa bahay NILA, sige ahh may gagawin pa kasi ako" Umalis na nga yung babae

* * * * * * * * * *

Nabanggit kasi nung naka usap naming babae kanina na wala daw dun sila Mama, nagtataka lang kasi ako sa sinabi niyang "SILA?" Ibig sabihin may kasama si Mama sa bahay na'yun? Abg hindi ko lang alam ay kung sino, siguro kaibigan o kaya magulang niya lang, sila lolo't lola.

Bahala na nga kaylangan ko munang mag pahinga, magkikita naman na kami ni Mama bukas.

Matapos nga yun ay pinilit ko nang matulog, alas dos palang naman kasi may kunting oras pa ako para matulog, alas otso pa naman ang pasok ko mamayang gabi.


* * * * * * * * * *

CHESTER

Pag dating namin sa bahay ay agad kung napansin ang pagod sa mukha ni Alexa kaya't gusto ko man siyang maka-usap ay pinilit ko nalang muna itong mag pahinga.

"Babe matulog ka muna kaya, mag pahinga ka muna anong oras palang naman!?" Nag-aalalang sohestiyon ko dito

Tumango lang ito sa'kin at tumungo na agad sa kwarto alam ko naman na matutulog na ito, pansin kong may gumugulo sa isipan ni Alexa, sapagkat halata ito sa kanyang mukha kahit gustong-gusto kong malaman kung ano ito ay hindi ko parin ito tinanong.

Alam kong gustong-gusto nang makita at makilala ni Alexa ang kanyang Mommy, kaya't bukas alam kong mag papasama ulit ito para puntahan ang bahay nang Mama niya kaya't mas mainam nayan na maka pag pahinga na siya ngayon.

* * * * * * * * * *

ALEXA

Ma-aga akong natapos kanina sa aking trabaho buti nalang din sinundo ako kanina ni Chester, ma-aga rin kasi kaming umalis ni Chester sapagkat may lakad rin kasi siya mamaya, kaya't ihahatid niya lang ako doon sa bahay nila Mama.

Ilang minuto pa nga ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay nila Mama agad rin namang umalis si Chester.

"Babe sorry talaga ah! Importante lang kasi 'tong gagawin ko, para kasi 'to sa pag alis ko sa saturday! I Love you" Sabi niya sakin sabay kiniss nya ako sa noo

"Okay lang naiintindihan ko, sige ingat ka lagi ah!?  I Love You too" sabi ko naman sa kanya bago siya tuluyang umalis

At tuluyan na nga syang umalis.

Nakatayo ako ngayon malapit sa bahay nila Mama di parin ako nag dodoor bell sapagkat kinakabahan parin ako, first time ko ngayong makita si Mama, I'm so excited at the same time kinakabahan.

Lalapit na sana ako ng may nakita akong lumabas na dalawang tao galing sa bahay, isang babae at isang lalake, alam kong hindi si Mama ang babae sapagkat halos mag kasing edad lang siguro kami, sumakay sila ng sasakyan at umalis.

Bigla akong nakaramdam ng awa sa Mama ko, sapagkat inisip ko na baka katulong siya nang dalawang yun.

Maya't-maya pa ay may napansin ako na may lumabas ulit na babae doon sa bahay, agad ko itong pinuntahan at doon na nag simulang tumulo ang mga luha ko ng mamukaan ko na ang babae, siya nga si Mama.

"Mama!? Oo ikaw nga po si Mama!" Sabi ko sakanya habang umiiyak sabay niyakap ko rin ito

"A...A.. Alexa!?" Pautal-utal nyang sabi sa'kin, pero kitang kita ko parin ang gulat sa mukha nito

"Opo! Ako na po ito, si Alexa, Alexa Jane Reyes, ako po 'to ang anak mo!" Sabi ko sakanya habang patuloy ako sa pag-iyak

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Ikaw na ba talaga yan Alexa!? Ang laki mo na anak, halika mo na pumasok muna tayo!" Gulat na gulat na sabi sakin ni mama, pumasok nga muna kami sa bahay

"Ma!? Bakit dimo man lang ako binalikan sa bahay ampunan, hindi mo ba ako mahal Ma!?" Nagulat ito sa naging tanong ko sakanya

Miss ko na si Mama, pero kahit papaano may galit parin naman ako sakanya.

"Gusto ko kitang balikan anak, at hindi rin sa hindi kita mahal kaya't hindi kita binalikan gusto ko pero may mga nangyari kasi sa'kin, buti nga...

Naputol ang sasabihin ni Mama sapagkat niyakap ko sya.

"Sorry ma kung ganun ang inisip ko na pinabayaan mo lang ako, alam ko naman na mahal na mahal mo'ko, K
kaya't nag papasalamat nga rin ako sa mga Amo mo, sapagkat mukang maayos naman ang trato nila sayo dito" Sabi ko sakanya sabay unti-unti ng ngumiti ang aking mga labi

"Pasensya anak!? Ngunit sino ba ang tinutukoy mong Amo?" Nagtatakang tanong sakin ni Mama

"Yung kaninang umalis sakay ng isang kotse!?" Sabi ko sakanya sabay kumalas muna ako sa pagkaka yakap sakanya

"Hindi ko alam kung paano ko ito ipaliliwanag sayo anak, ngunit hindi ko sila Amo! Yung lalakeng nakita mo kanina sya ang Asawa ko ngayon at yung babae naman na kasama niya ay kapatid mo!" Naiiyak  na sabi ni Mama

Nabigla ako sa mga sinabi ni Mama, Ibig sabihin may asawa na siyang bago!?

"Anong ibig mong sabihin Ma!? Eh hindi ba't patay na ang tatay ko? Yun ang sabi sa'kin nila Sister Rhea at wala rin akong kapatid!" Nagtataka kong tanong kay Mama

"Mahabang kwento anak, pero matapos kasi kitang iwan sa bahay ampunan ay halos tatlong buwan siguro akong nag hanap ng trabaho, buti nalang at nakilala ko si Jhon sya nga ang Asawa ko ngayon, tinulungan niya ako, sa kagustuhan kong maging maganda ang buhay ko hindi ko sinabi sakanya na may anak na ako, halos dalawang buwan lang naging kami, matapos nun pinakasalan niya agad ako at yun nga naging anak namin si Jessa, halos isang taon lang ang tanda mo sakanya anak!"  Mahabang pagpapaliwanag sakin ni Mama

"Pero bakit hindi niyo ako binalikan o kaya binisita man lang!?" May kalakasang boses na pagkakasabi ko

"Gusto ko anak! Pero di ako dito maka alis, sana naiintindihan mo!?" Nagmamakaawang sabi ni Mama

"Maraming paraan ma! Kung gusto mo talagang gawinz magagawa mo yun!" Sabi ko sakanya sabay tumayo ako

"Dapat pala di na ako pumunta dito, napaka walang silbi niyo palang Ina" Sa sobrang galit ko napasigaw na ako

*Pakkk*

Nabigla ako sa ginawa ni Mama, sapagkat napakalas talaga ng pagkaka sampal niya sakin.

"Sana hindi nalang kita nakilala Mama, sana hindi nalang ako pumunta dito, sana hindi nalang ikaw ang naging Mqma ko" Galit na sabi ko sakanya sabay lumabas na ako ng bahay

Diko alam kung bakit na sabi ko yung mga salitang iyon, alam kong mali pero masakit din kasi sakin na malaman yung mga bagay na sinabi niya.

Bakit parang mas pinili niya yung mga taong yun kaysa sa'kin.

Umuwi muna ako sa aking condo dito muna ako mag papahinga mamaya nalang siguro ako pupunta sa bahay nila Chester.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church حيث تعيش القصص. اكتشف الآن