Chapter 23: Flight

113 84 27
                                    

'Flight'

CHESTER

Masakit para sa'kin na umalis nang hindi kami nagkakaayos ni Alexa, pero wala akong choice at unang-una din buo na yung naging desisyon niya, hindi niya na talaga ako kayang patawarin at hindi niya narin ako mahal, kaya't wala ng rason para manatili pa ako sakanya siguro kaylangan ko narin munang umalis ng Pilipinas, para makalimot narin sa mga masamang nangyari.

Kung hindi na maayos yung relasyon naming dalawa ni Alexa siguro aayusin ko nalang ang buhay ko, at isa pa wala narin naman sakanya yung engagement ring na binigay ko, mqhalagang mahalaga yun sa'kin pinaghirapan ko yung pag ipunan pero tinapon niya lang.

Hindi ko alam kung bakit parang ang dali-dali lang para kay Alexa na masira yung relasyon namin.

Sa pag tapon niya ng engagement ring naming dalawa ay parang tinapon niya narin yung tatlong taon na relasyon naming pinag hirapan, mahirap ang tumagal sa ganong kahabang relasyon pero parang naging madali lang yun kay Alexa na sirain at sayangin.

Maaaring may mali akong nagawa, pero hindi naman siguro yun sapat na dahilan niya para tapusin yung relasyon namin ng ganun-ganun nalang.

Binigay ko naman lahat ng kaya ko mapatunayan ko lang sakanya kung gaano ko talaga siya ka mahal, pero mukang hindi yun naging sapat.

Mahal na mahal kita Alexa saksi ang lahat sa pagmamahalan natin, pati ang Diyos alam ko na alam mo kung gaano kita ka mahal, pero kung yun na ang naging desisyon mo at hindi na mababago tatanggapin ko na lang.

"Chestern! Bakitat ka umiiyak!?" Nagulat ako sa tanong ni Sir Joey,  hindi ko rin kasi napansin na umiiyak na pala ako, daig ko pa tuloy yung hindi lalake, pero gaya nga ng sabi ng iba na ang tunay na lalake ay hindi nahihiyang umiiyak kahit na maraming tao

"Wala po Sir!" Naka ngiti kong sagot dito "fake smile kung baga" masakit yung mga nangyari sa'kin kaya't kahit papaano hindi ko magawang ngumiti

"Wag mong sabihing wala! Alam ko at ramdam ko na nasasaktan ka parin sa nangyari sa inyo ni Alexa!" Sabi ni Sir habang tinatapik yung likod ko, parang magkaibigan lang kami nito ni Sir lalo na kapag kami-kami lang magkakasam at wala kami sa opisina

"Masakit lang talaga yung mga nangyari Sir at yung mas ikinasasakit pa ng puso ko ay hindi man lang ako pinakinggan ni Alexa!" Sabi ko kay Sir habang pinupunas yung mga luha ko, nakakahiya rin kahit papaano

"Hindi ka man lang talaga pinakinggan ni Alexa?? Kahit yung totoo hindi mo man lang nasabi sakanya?" Sabat naman ni Frederick sa usapan namin ni Sir Joey

"Ilang beses kong sinubukan na sabihin yung totoo sakanya pero hindi niya nga ako pinakinggan" Hindi ko na mapigil ang pagtulo ng mga luha ko

"Alam mo pa kung ano yung mas masakit? Itinapon niya na yung engagement ring na binigay ko sakanya!" Sabi ko ulit sakanila

"Really!? Tinapon niya? Ganun sya ka galit sayo?" Gulat na sabi ni Frederick, even his reaction makikita mo talaga na gulat na gulat siya

"Grabe naman si Alexa! Bakit nya yun nagawa?" Nagtatakang sabi naman ni Sir

"Kasalanan ko naman kasi 'to, kung diko na sana tinulungan yung babaeng yun di sana okay kami ngayong dalawa. Masaya at hindi nag aaway" Sabi ko sa kanila na pilit na nilalagyan na ng ngiti itong mga labi ko

"Wala namang mali sa ginawa mo tumulong ka lang naman, bakit mo sisisihin ang sarili mo!?" Sumbat sa'kin ni Frederick, alam kasi ni Frederick kung ano talaga yung totoo

"Yes! Definitely, hindi mo yun kasalanan, tumulong kalang naman 'e" Pag sang-ayon rin ni Sir sa sinabi ni Frederick

"Sir, Let's go!" Sabi ng iba naming kasamahang kasama naming aalis

"Its already time na sir!" Sabi ulit nung kasamahan namin

"Chester!" Pag tawag bigla sa'kin ni Sir

Nagtataka akong tumingin kay Sir.

"Bakit Sir!?" Takang tanong ko dito

"Kung ayaw mong sumama okay lang, ayusin mo yung relasyon niyo ni Alexa, gusto kong maayos mo muna yung Relasyon mo!" Sohestiyon bigla ni Sir sa'kin

Hindi ako nakapag salita agad.

Hinndi ko alam kung anong sasabihin ko kay Sir, Should I stay or Should I go.

Ayokong pagsisihan ko yung mga mqgiging desisyon ko kaya't kahit masakit sa'kin na hindi pa kami nag kakaayos ni Alexa okay lang.

Hindi sa hindi ko siya mahal, pero maaring hindi pa ito yung tamang oras para magka ayos kaming dalawa.

Sa pag balik ko magiging maayos rin kami. Tayo Alexa.

"No Sir! Sasama po ako!" Matapang at buong puso kong sabi dito

"Well, if that's your decision at buo na, Tara na! Aalis na tayo!" Naka ngiting sabi ni Sir

"Sige na Fred, Aalis na kami!"Pag papa-alam ko dito, pero bago paman ako tuluyang umalis ay may sinabi ako dito

"Paki bantayan si Alexa para sa akin, alam mo kung gaano ko siya ka mahal, hindi ako papayag na hindi kami magkaka-ayos, sa pagbalik ko aayusin ko na!" Mahina kong sabi dito

At umalis na nga ako, nag thumbs up lang ito bilang sagot sa'kin.

Nakasakay na kami ngayon sa Eroplano.

First time ko rin ito na sumakay ng eroplano, kadalasan kasi na sinasakyan ko ay yung kotse ko at Jjeep lang.

"Okat ka lang talaga!?" Nag-aalalang tanong ulit sa'kin ni Sir Joey

"Opo, Im fine Sir!" Nakangiting sagot ko dito

"Kung gusto mo pa na bumaba o kaya nag bago pa isip mo, pwede ka pa namang bumaba, habang nandito pa tayo sa Pilipinas!" Biro ni Sir sa'kin, dahilan para mapangiti na ako

"Ok na ako Sir!" Sagot ko ulit kay Sir

Napa isip ako sa sinabi ko, okay na nga ba ako?

"Sasama po ako" Nakangiting sagot ko ulit kay Sir

Sasama ako hindi lang naman para sa work sasama ako dahil narin sa ang Italy ay ang isa sa magandang bansang puntahan at gustong-gusto kong puntahun.

Natigil na kami sa pag-uusap ni Sir ng tuluyan na ngang lumipad itong eroplanong sinasakyan namin.

Tatawagan ko sana sila Mama at Papa para sabihin sana sakanila na naka alis na kami ng mapansin kong wala yung cellphone ko sa bulsa ko at maging sa mga bag ko, hindi ko yata na dala, naiwan ko siguro sa bahay.

Malas nga naman paano ko kaya sila macocontact, bahala na nga, siguro pag dating nalang namin sa Italy ako bibili ng bago kong cellphone.

*_*_*_*_*_*_*_*_*

Take me to Church Where stories live. Discover now