Chapter 37: She's finally awake

101 73 0
                                    

'She's finally awake'

ALEXA

Ramdam ko parin ang sakit ng ulo ko, hindi ko alam pero parang isang untog ko lang ay sasabog na yata ang ulo ko.

Kahit nahihilo pa ako at masakit pa ang aking ulo ay pinilit kong idilat ang mga mata ko, kasi pakiramdam ko kapag hindi ko pa idinilat ang mga mata ko ay baka maaaring magpakaylanman ay hindi ko na talaga ito maidilat.

"Ma..." unang salitang lumabas sa bibig ko, Siya kasi ang naaalala kong kasama ko bago ako mawalan ng malay

Inikot ng mga mata ko ang paligid, pansin kong puro puti ang nasapaligid ko, maging ding-ding ng kwartong ito ay kulay puti rin.

Nasa Ospital ba ako? Nasa Ospital nga ata ako.

Muli kong inikot ang mga mata ko, pansin kong may lalake sa gilid nitong kamang hinihigaan ko, hawak niya ang mga kamay ko.

Kitang kita ko ang lungkot sa mga mukha nito kasabay pa ng pagtulo ng mga luha niya, sa pagtulo ng luha niya ay dun ko lamang siya nakilala, ang lalakeng nasatabi ko pala ay ang taong Mahal na Mahal ko.

"Chester?" agad na sabi ko

Hindi to agad sumagot. Habang napansin ko naman na may isang babaeng tumakbo palabas ng kwartong ito.

"Anong nararamdaman mo Babe? Anong masakit sayo?" Sunod-sunod na tanong sa'kin ni Chester.

Hindi parin ito natigil sa pag-iyak pero alam ko at ramdam ko na hindi lungkot ang dahilan ng mga iyak niya, dahil ramdam na ramdam ko ang saya sa mga mata ni Chester kahit na umiiyak ito.

"I missed you!" Naiiyak na sagot ko sakanya. Tatayo sana ako para magkausap kami ng maayos pero pinigil niya agad ako

Hinawakan ako nito sa kamay at pilit na ngumiti.

"No! Wag ka munang tatayo, please lang. You need to rest, baka kung ano pang mangyari sayo kapag tumayo ka" Nag aalalang sabi nito.

Mas lumapit sa'kin si Chester, hinalikan niya ako sa noo ng tuluyan na nga itong makalapit sa'kin.

"I missed you so much, Alexa" Bulong ni Chester sa'kin. Matapos niyang sabihin yun ay yinakap niya naman ako

I miss his Hug.
I miss his Kiss.
I miss him so much.

Biglang may pumasok sa pinto, dahilan para mapatingin kaming dalawa ni Chester.

"Anak? May masakit ba sayo!? Anong nararamdaman mo?" Nag aalalang tanong ni Papa

Hindi na ako naka sagot kay Papa, sapagkat yinakap niya ako.

"Wala ba talagang masakit sayo?" Biglang tanong ng isang babaeng nasa likod ni Chester

Tinitigan ko siya ng maigi.

She looks familiar, kakilala ko ba siya? Kilala ko ba ang babaeng 'to?

"Oh sorry! Hindi mo pa pala ako kilala. Im Kristine... Kapatid mo" Nakangiting sabi nito sa'kin

Taka akong tumingin kay Papa, nginitian muna ako nito bago nag salita.

"Yes. Siya yung kapatid mo" Sabi ni Papa habang pinupunasan yung mga luha niya

Biglang tumulo ang mga luha ko

Finally nakilala ko narin ang bunso kong kapatid. Lumapit sa akin si Kristine para yakapin ako

"I'm Happy to finally meet you" Mahinang sabi ko sakanya

Take me to Church Where stories live. Discover now