Chapter 03: Chester's Plan

210 128 38
                                    

"Chester's Plan'

CHESTER

Ilang minuto nalang ay Third Anniversary na namin ni Alexa.

Tatlong masasayang taon, mas nakilala pa namin ni Alexa ang isat-isa, kaya't alam ko narin sa sarili ko na siya na talaga ang babaeng papakasalan at makakasama ko habang buhay.

It's already 11:51 pm na, dito ko na pinatulog si Alexa sa bahay kasi nga may surprise ako sakanya bukas na sana rin ay magustuhan niya.

Well isa rin sa rason kung bakit dito narin si Alexa natulog ay dahil kila Mama at Papa, dito nalang sya pinatulog, pinakiusapan kasi siya nila Mama at Papa na dito nalang matulog.

Flashback....

Dumating kami sa bahay ng mga 11:10 na kaninang umaga, marami rin kasi kaming pinuntahan ni Alexa kanina.

Pinuntahan muna namin si Frederick, work mate ko. Pumunta rin kami sa mall, kasi may importanting bagay na binili si Alexa.

As we expected gising na sila Mama at Papa pag dating namin sa bahay kaninang umaga.

Nauna nang pumasok si Alexa sa bahay, kasi ipapark ko muna ng maayos itong kotse ko, matapos ko rin namang ipark yung kotse ay sumunod rin naman ako agad sakanya, habang papasok nga ako ng bahay ay narinig kong nag-uusap na si Alexa at Mama.

"Oh!? Nandyan kana pala hija, Good Morning!" Agad na bati ni Papa kay Alexa

"Come! Let's eat! Where's Chester?" Rinig kong tanong ni Mama kay Alexa, sabay pina upo nya na 'to

"Nasa labas pa po tita, pinapark pa kasi ng maayos yung kotse niya, kaya't nauna na po akong pumasok, By the way, Good morning po pala tita't tito" Sabi naman ni Alexa, habang inaayos yung pagkaka upo niya

Parehas na kasing nasa lamesa sila Mama't Papa, sakto naman yung dating namin, mag aalmusal na sila.

"I'm here na Ma! Good Morning po!" Masigla kong bati sakanila.

Pinutol ko na yung pag-uusap nila ni Alexa baka kasi kung ano pang ikwento ni Alexa kay Mama.

Sabay inaya ko nalang kumain si Alexa.

"Hey! Kain muna tayo? Gutom narin ako babe!" Pag-aya ko nga sa kanya, sabay umupo narin ako sa upuan malapit sakanya

Pumayag rin naman ito, kaya't naki sabay na kaming kumain kila Mama at Papa

Makalipas din ang ilang minutong pagkain namin ay natapos rin naman agad kami, kaya't ayon, matapos nga naming kumain ay andun na agad sila Mama at Alexa sa sala kinukuha yung mga pasalubong.

Marami kasing mga pasalubong si Mama para sa'min.

Habang busy pa naman sila Mama at Alexa sa pag-uusap ay nag paalam muna ako sa kanila na pupunta muna ako ng taas, sa kwarto ko at hihiga muna, pag iisipan ko pa kasi kung anong pakulo kaya ang pwede kong gawin bukas sa Anniversary namin ni Alexa.

Gusto kong maging memorable rin ang Anniversary namin bukas, since baka ito narin ang huling Anniversary namin dalawa bilang mag jowa, baka kasi sooner or later mag propose na ako sakanya, ayoko ng pakawalan pa ang babaeng ito, alam ko kasing siya na ang makakasama ko habang buhay.

"Ma! AJ! (Alexa Jane) Tataas muna ako sa kwarto ko, hihiga lang naman ako, medyo masakit kasi katawan ko" Sabi ko sakanilang dalawa

Hindi pa man ako nakaka hakbang pataas nang may sinabi naman si Mama.

"Sige Anak! Matulog ka muna mukhang pagod ka yata?" Nag aalalang sabi naman sakin ni Mama

"Opo! Medyo masakit rin naman talaga ang katawan ko Ma!" Sagot ko naman kay Mama, habang kinakamot 'tong ulo ko, medyo natatawa kasi ako sa sagot ko kay Mama

"Sige! Mag-uusap muna tuloy kaming dalawa ni tita" Pag sang-ayon naman ni Alexa sa sinabi ni Mama

Tumango lang ako bilang sagot sakanilang dalawa at umakyat narin ako.

"Alexa dito kanalang kaya matulog mamayang gabi hija! Okay lang ba?" Rinig kung sabi ni Mama kay Alexa bago paman ako makataas ng tuluyan

At ayun nga hindi naman humindi si Alexa sa pinaki usap ni Mama sakanya, kaya't ibig sabihin dito siya matutulog sa amin mamayang gabi.

"Okay po Tita! Saturday naman ngayon wala akong work mamayang gabi" Pag sang-ayon naman ni Alexa sa gusto ni mama

Yes! Mas madali ko na syang ma susurprise, kasi andito sya sa bahay, mas magiging exciting 'to, oh my god I can't wait.

Ayun nga umakyat muna ako ng tuluyan sa kwarto, doon muna ako mag iisip-isip ng surprise na gagawin ko bukas sa Anniversary namin ni Alexa.

Kung ano-ano lang ang mga naisip ko, kaso nga lang parang ang pangit nung iba kung idea, kaya't napilitan akong humingi nanaman ng idea at tulong sa kapatid kung si Joanna.

Ilang minuto narin kaming nandito ni Joanna sa kwarto kaya't marami narin kaming naisip na kung ano-anong pakulo para bukas.

Sana maging successful 'tong gagawin kong surprise sakanya bukas. Sana maging worth it, at magustuhan niya.

I love you Alexa!

End of flashback......

It's already 12:00 am na, kaya't nag decide na ako na gawin ko na ang isa sa surprises ko sa kanya, gagawin ko ito katulong ang kapatid ko si Joanna Rose Diaz, siya ang bunso kong kapatid.

Dalawang taon ang agwat ko sakanya, sakanya ako nag patulong kasi babae siya alam niya kung anong mga bagay ang nakaka pag pasaya sa kanilang mga babae.

So, ito nga yung surprise namin kay Alexa, kukuhanan ako ni Joanna ng video ngayon mismong exactly 12:00 am 'SUNDAY', well may message lang naman ako sa kanya, hindi man 'to ganun ka haba pero alam ko na magugustuhan niya 'to.

Hey Babe! AJ, Alexa, Jane, Ms. Reyes o kung ano pa man na tawag sayo or maybe should I say soon to be Mrs. Diaz! Hahaha. Advance lang akong mag isip babe, dun naman tayo mapupunta soon!

HAPPY 3rd ANNIVERSARY, alam kung nagalit ka sakin kanina, well I'm very sorry for that! Alam mo naman diba na hindi ako ganung lalake, yung bastos!? Alam mo kung gaano kita pinapahalagan at nirerespeto, alam mo rin naman diba na mahal na mahal na mahal kita sobra, kaya't sana hindi ka rin magsasawang mahalin at intindihin ako.

Im so thankful and blessed kasi ikaw ang naging Girlfriend ko, ito lagi ang tatandaan mo na lagi akong nandito everytime na kaylangan mo ako, sila mama at papa din nandito na lagi mong maasahan, sana kahit anong mangyari lagi mo akong pag katiwalaan dahil kahit anong mangyari alam mo naman na hinding-hindi kita kayang saktan.

Hindi ako magbabago, tatanda tayong dalawa ng magkasama, kung ano ako nung makilala mo ay ganun parin ako hanggang sa pag tanda nating dalawa.

I love you so much Alexa, again Happy 3rd Anniversary sating dalawa. We will stay strong. Hahaha. I love you!

After naming gumawa ng video ay kinausap ko si Joanna na tulongan niya rin ako bukas para sa iba pang surprise na gagawin ko.

Hindi narin ako natulog, magluluto pa kasi ako para sa kakainin namin bukas at aayusin ko pa yung iba kung surprise sa kanya.

Puyat na kung puyat, basta't gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapasaya si Alexa bukas, kasi kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat para kay Alexa.

Ganun ko ka mahal si Alexa.

Gagawin ko ang lahat para sa taong mahal ko.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Take me to Church Onde histórias criam vida. Descubra agora