Chapter 12: Hoping

139 100 17
                                    

'Hoping'

ALEXA

Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari, itong taon na sigurong ito ang pinaka masayang taon para sa'kin.

Noong nakaraang araw lang nalaman ko na buhay pa si Mama at may chance na makita ko pa siya, tapos kahapon lang din ay nag propose sakin si Chester, ako na yata ang pinaka ma swerteng tao sa mundo.

Sana lahat ng masasayang nangyayari sakin ngayon ay walang maging kapalit.

Matapos nga yung proposal ni Chester kagabi ay dito na narin muna ako natulog sa bahay nila kasama si Nicole.

Sinabi ko narin kasi kagabi kay Chester yung tungkol kay Mama he was also happy, kasi nga finally daw makikilala niya narin si Mama at sabi nya rin kagabi na sasamahan niya raw ako ngayong araw sa pag punta kay mama.

Flashback

Magka harap kami ngayon ni Chester sa lamesa, nagkakape kasi kaming dalawa, hindi parin naman kasi kami makatulog even though it's already 11:35 pm na, nag-uusap din naman kasi kaming dalawa.

"Babe, alam mo I'm so thankful, kasi ikaw ang naging boyfriend ko at hindi ko rin pagsisisihan na ikaw ang magiging asawa ko" Kinikilig na sabi ko sa kanya

Hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko.

"Thankful rin ako, kasi ikaw rin ang naging Girlfriend ko at sana nga hindi ka magsasawa na intindihin ako, alam mo naman kung gaano kita ka mahal diba!?" Nakangiting sabi naman nito sakin after niyang mainom yung kape niya

"Alam ko naman kung gaano mo talaga ako ka mahal kaya't sana nga hindi ka magbago!" Sabi ko ulit sakanya

Matapos kong sabihin yun ay unti-unti siyang lumapit sakin hindi ko alam pero bigla akong nanigas yung tipong parang gusto kong gumalaw pero diko magawa at habang papalapit naman sya sakin ay sya ding bilis ng pag tibok ng puso ko.

Grabe talaga ang kabang nararamdaman ko.

Pero ng tuluyan na nga syang makalapit sakin ay hinalikan niya ako sa labi, hindi ko alam kung bakit parang biglang uminit ang pakiramdam ko, sinabayan ko ang kanyang paghalik, ang sarap rin naman kasi ng mga labi niya, hindi ko rin alam pero mukang may ibang mangyayari ngayong gabi.

Oh My God!

Tinigil ko ang pag sabay sa kanyang mga halik, naalala ko kasi na may sasabihin pala ako sa kanya, ito rin ang naging dahilan upang matigil sya sa kanyang pag halik.

"Babe wait lang, may sasabihin pala ako sayo" Sabi ko sakanya dahilan nga para maputol yung ginagawa namin

"Bakit ano yun!? Hindi naman siguro importante, tuloy na natin plss!" Sabi nya sakin habang nag papacute pa

Naku talaga ang lalakeng 'to, pa fall.

"Importante 'to! Tungkol 'to kay Mama" Seryosong sabi ko sakanya

Matapos ko yung sabihin ay natigil siya sa pangungulit sa'kin alam niya kasi na pagdating kay Mama importante yun palagi sa'kin, sya rin kasi mismo matagal nya naring gustong makita at makilala si Mama.

"Bakit Babe nakita mo na siya?" Tanong niya sa'kin habang hawak niya 'tong mga kamay ko

"Hindi pa naman, pero kahapon kasi pumunta kami sa bahay ampunan, tapos sinabi nga ni Sister Rhea yung tungkol kay Mama, binigay niya rin sa'kin yung address na tinitirahan daw ni Mama" Nakangiti pagpapaliwanag ko sakanya sabay abot ko sakanya nang papel kung saan naka sulat ang address ni Mama

"Well good news yan, gusto ko narin makilala Mama mo" Sabay niyakap niya ako

"Kaya nga sana mag papasama ako sayo bukas, okay lang ba? Baka may gagawin ka?" Medyo may pamimilt na sabi ko dito

"Wala naman akong gagawin, sige sasamahan kita no problem! By the way may good news rin ako sayo hindi na sa Thursday ang alis namin, Saturday nalang daw sabi ni Boss" Sabi nya sakin sabay kumalas siya sa pag-kakayakap sakin

"Talaga? Mas mabuti mas marami tayong time makasama si Mama if ever man na mahanap na natin siya" Sabi ko sakanya sabay ngiti

"Mahahanap natin Mama mo tiwala lang, siguro kaylangan na nating matulog anong oras narin!?" Sabi niya sabay kindat sakin

Matapos nga nung pag uusap namin ay umakyat na kami para matulog.

End of flashback

Kaming dalawa lang ni Chester ang umalis ng bahay, ayoko mo nang isturbohin si Nicole, alam ko rin kasi na pagod siya especially nitong mga nakaraang araw, kaya diko na siya pinasama sa amin, halos 10:30 na ng maka alis kami ng bahay.

Habang papalapit kami sa address na pupuntahan namin ay sya ding bilis ng tibok ng puso ko

Matapos ang isa't kalahating oras ng byahe ay nakarating narin kami, agad akong nag tanong-tanong sa mga taong nakikita ko.

"Manang! Alam niyo po ba kung saan itong bahay na 'to?" Tanong ko sa isang matandang babae sabay ipinakita ko yung papel

"Ayy pasensya hija hindi ko alam!?" Sagot sakin ng matanda

"Ayy sige po, salamat!" Sabi ko naman sa matanda sabay umalis na ako

May nakita naman akong isang tindahan at doon naman ako nag tanong, baka kasi alam nila.

"Ale! Alam niyo po ba kung saan ang bahay na 'to?" Tanong ko naman sa Ale sabay ipanakita ko rin yung Papel

"Hindi ko alam, pero hintay lang!?" Sabi nito na parang may inisip sya

"Ay dun sa bahay nayun!" Sabay tinuro niya yung bahay

"Doon nakatira si kagawad Gina sa kanya ka mag tanong baka alam niya" Sabi ulit sakin nitong Ale

Pinapunta nya nga ako doon sa bahay nung babae na katabi lang ng bahay rin nila.

"Sige po, Salamat!" Sabi ko bago ko pinuntahan yung bahay ng sinasabi nyang kagawad

Tinungo ko nga ang bahay ng kagawad at doon ako nag tanong sakto rin naman na nasa labas sya at nag sasampay.

"Magandang Umaga po! Ako nga po pala si Alexa Jane Reyes" Pag-bati at pag papakilala ko sakanya

Btw, ako nalang mag-isa ang pumunta dito sa bahay ng kagawad sapagkat bumili muna ng pagkain namin si Chester.

"May hinahanap po kasi akong bahay yung bahay po ni.." Sabay inalala ko muna kung anong pangalan ni Mama

"JULIA po ang pangalan nya, may nakapagturo po sakin na sa inyo po mag tanong, ito po!" Sabi ko sakanya sabay pinakita ko yung numero ng bahay

"Magandang umaga rin hija! Ayy Oo alam ko kung saan 'tong bahay na'to, kilala ko rin si JULIA hintay lang at mag papalit ako ng damit at sasamahan kita" Nabuhayan ako ng sabihin yun ni Aleng Gina

Matapos mag palit ni Aleng Gina ay agad rin naming tinungo ang bahay, nabigla ako sa aking nakita, ang ganda-ganda ng bahay tas ang laki pa, pero pagdating namin dito ay walang tao naka-usap rin namin ang kapit bahay nito at may sinabi nga

"Ohh kagawad Gina! Walang tao d'yan Umalis sila Julia bukas pa ang dating nun!" Sabi nung kapitbahay

"Ahh ganun ba? May nag hahanap kasi sakanya" Sabi naman sakanya ni Aleng Gina

"Sabihan ko nalang bukas na may pumunta nga dito, sige ahh may gagawin pa kasi ako!" Sabay umalis na nga yung kapitbahay

"Pa'no bayan hija!? Wala daw dito sila Julia balik ka nalang bukas!" Sabi sakin ni Aleng Gina

"Sige po! Salamat po Aleng Gina balik nalang po ako bukas" Sabi ko naman dito bago ako nito tuluyang talikoran, mukang may pupunta pa kasi ng barangay hall si Aleng Gina

At bumalik na nga ako tindahan na kaninang napagtanongan ko, doon rin kasi mag hihintay si Chester, yun rin naman kasi ang napag-usapan namin, dun kami magkikita.

*_*_*_*_*_*_*_*_*

Take me to Church Donde viven las historias. Descúbrelo ahora