Chapter 14: Unknown Number

135 100 7
                                    

'Unknown Number'

ALEXA

Hanggang ngayon nandito parin ako sa condo, mas nais ko muna kasing mapag-isa sa ngayon, ayoko rin naman kasing pumunta sa bahay nila Tita ng namamaga pa ang mga mata ko, nakakahiya naman sakanila, kaya't napag desisyonan ko nga na mamaya na lang ako pupunta kila Chester.


Hindi ko alam kung may mali nga bang nangyayari, iba kasi ang pakiramdam ko ngayon hindi kasi mawala sa isip ko at isa pa sa nagpapalala ng problema ko ay yung kaninang nakita ko sa cellphone ni Chester.

May tiwala ako sakanya, kaka propose palang nga niya noong nakaraang araw kaya't diko alam kung bakit parang nagdududa ako sa kanya.

Sinundo niya kasi ako kanina sa work, maaga niya nga akong sinundo, hindi ko alam kung bakit ang aga niya, kaya't tinanong ko tuloy siya.

"MARAMI KASI AKONG TATAPUSIN"

Really? Dahil lang sa marami siyang gagawin sinundo niya agad ako?

Ito pa yung maa nag pa kaba at mas nag palala ng pagdududa ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit nagdududa ako sakanya.

Habang papunta kami doon sa bahay nila Mama ay naubusan kami ng gasoline, kaya't tumigil muna kami sa isang gasoline station, sakto naman na na-iihi na si Chester kaya't nag madali muna itong bumaba, kaka madali niyang bumaba ay naiwan niya yung cellphone niya dito sa upuan.

Siguro last kong nahawakan itong cellphone niya noong 3rd Anniversary pa naming dalawa na halos 2 or 3weeks na ata ang nakalipas?

Ilang days din naman kasi kaming hindi nagkita.

So, nag decide ako na kunin ito at buksan, as I expected may password 'to, ganyan naman talaga lagi ang cellphone ng mga lalake, laging may password, alam ko naman kung ano yung password nitong cellphone niya kaya't tinype ko na, alam ko na tama yung password na tinatype ko pero incorrect yung laging lumalabas.

Bakit kaya?

Pinalitan niya siguro o kaya naman mali lang ang spelling ko, ang alam ko kasi, birtdate niya ang password nitong cellphone niya, pero kahit ilang ulit ko itong itype lagi talagang incorrect.

Ilang ulit talaga akong nag try na buksan yung cellphone, habang tinatype ko ng paulit-ulit yung password niya ay biglang may nag text Unknown Number.

* * * * *

From:  09..36...92

Hey Chester.
Good morning!😊

Asan kana ba!? Kanina pa ako naghihintay dito, pwede ba bilis bilisan mo na naman! Siguro may kasama ka nanamang ibang babae noh!? Lagot ka sa'kin mamaya, dito nga pala ako sa Tagpuan natin.
Sige bye! bye!
Ingat sa byahe (^_^)

Hintayin kita ah!

* * * * *

Noong una parang wala lang yung text na'yun sa'kin, kasi nga after kung mabasa yung text na'yun ay ako pa mismo ang nag sabi kay Chester.

Tinanong ko rin sya kung sino yun at sabi niya lang sa'kin na workmate niya lang daw yun. Tinanong ko rin siya kung bakit iba na yung password ng cellphone niya tapos ang sabi niya na pinalitan niya na daw, yung date na daw nung pag propose niya yung bagong password sa cellphone, ibig sabihin pala pinalitan niya na talaga, kaya pala laging incorrect.

Naku naman! Bakit diko kaya yun naisip!?

Mas pinili ko nalang na wag magtanong ng kung ano-ano, that time kasi mas nangingibaw sa'kin yung pagnanais kong makita na si Mama, kaya't hindi ko nalang siya kinulit pa kung sino ba talaga yun.

Kaya't ngayon nga na nangyari yung  sa amin ni Mama na hindi kami nagka-ayos at hindi kami nag iintindihan, ay bumalik tuloy sa aking isipan yung pangyayaring yun.

Oo! Mahal ko Chester at syempre thankful rin ako sa Family niya, especially sakanya, kasi nararamdaman ko rin talaga yung pagmamahal ng family niya sa akin, maging siya alam ko at ramdam ko na mahal niya talaga ako, pero hindi naman siguro ibig sabihin na mahal ko si Chester at engaged na kaming dalawa ay hindi na kami pwedeng mag hiwalay, mag asawa na nga nag hihiwalay paz kami pa kaya na kaka engaged palang.

Sana wag mung sirain ang Tiwala ko sayo Chester, mahirap kapag ang Tiwala ang nasira. Yan ang lagi kong sinasabi kay Chester sa tuwing nagtatalo kaming dalawa

Kung ano-ano ang mga iniisip ko.

May tiwala ako kay Chester alam kong mali yung mga iniisip ko sakanya at alam ko rin na hindi niya ako kayang saktan o kaya lokohin.

Mahal na mahal ako ni Chester at nararamdaman ko iyon, alam ko rin na hindi niya ako lolokohin, matagal na ang relasyon namin kaya't kahit papaano kilala na talaga namin ang isat-isa.

Hindi pa naman ako niloko o sinaktan ni Chester.

Hindi pa nga ba?

Alam ko na kung ano man yung mga nabasa ko ay maaaring galing lang talaga iyon sa kaibigan niya o kaya naman sa katrabaho niya lang.

Walang magandang maidudulot ang mga maling iniisip kong ito, mas mabuting isipin ko nalang na Mahal na mahal talaga ako ni Chester.

Ayokong dagdagan pa ng problema ang sarili ko. It's just an Unknown Number, I shouldn't think that Chester is cheating on me.

Pero paano nga ba kung lokohin talaga ako ni Chester?

Kaya nga ba talaga akong lokohin ni Chester?

Para malibang ako, naisip ko na pupuntahan ko nalang si Nicole na hanggang ngayon ay nandon parin sa bahay nila Chester.

I want to have more time with her.

*_*_*_*_*_*_*_*_*

Sorry for the Short Chapter

Hope that you Understand! Don't worry, babawe po ako sainyo.

Thanks!

Take me to Church जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें