Chapter 2

170K 5.4K 2.3K
                                    

Senyorito baby





Buong gabi akong umiyak. Hindi iyon sapat, sa apat na taong pinagbutihan ko sa highschool. Alam kong hindi pa ito ang katapusan, may kolehiyo pa at mas mahirap ang magiging pagaaral duon. Ngunit hindi ko din naman kayang bitawan kaagad iyon. Titulo nga lang naman ang pagiging Valedictorian, pero importante iyon para sa akin.

"Kahapon snow white ka ah, ngayon bruha na?" pangaasar ni Kuya Jasper sa akin pagkababa ko ng hagdan.

"Jasper, tama na iyan" seryosong suway ni Mama sa kanya. Muling uminit ang gilid ng aking mga mata ng mapagtanto kong hindi talaga sila gagawa ng aksyon. Ni hindi sila susugod sa school namin para ipaglaban iyon. Ilang araw na lamang at graduation na.

"Papa..." tawag ko sa kanya. Mas maiintindihan niya ako, hindi kagaya ni Mama na magpapaubaya na lamang.

Ang dahilan niya? Naguumpisa kami sa negosyo kaya naman hindi maganda kung magkakaroon kami ng kaway lalo na't may pwesto sa munisipyo ang tatay ni Maricris, hindi man ganuon kataas ay iba pa din ang nagagawa pag may kapit.

Kita ko sa mga mata ni Papa ang kagustuhang tulungan ako. "Anak, wala namang kaso iyon sa amin. Ang makagraduate ka nga lang ay isang napakalaking achivement na" pagpapaintindi niya sa akin.

Napanguso ako. Handa na sanang umiyak ng magsalita si Mama. "Tathi, tama na iyan. Bumawi ka sa college. Kahit naman magvaledictorian ka, hindi ka pa din makakapagaral sa UP anak..." paliwanag niya sa akin kaya naman muling bumigat ang aking dibdib.

Hindi na ako nakapagpaalam sa kanila ng mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking luha. Dahil sa mga nangyayari, mas lalo ko lang gustong maging abogado. Gusto kong magaral ng pagaabogasya. Ngunit kagaya ng sabi ni Mama, hindi namin kakayanin. Kahit maging scholar pa ako.

Mabilis kong pinawi ang mga luha ng matamaan ko sina Maricris kasama ang kanyang mga kaibigan. Malayo pa lang ako ay alam kong ako na ang pinaguusapan nila. Panay ang bulungan at tawanan ng mga ito habang sumusulyap sa akin.

Naikuyom ko ang aking kamao. Lalagpasan ko na sana sila at hindi na papansinin, ngunit sila pa mismo ang humarang sa aking daan.

"Kawawa ka naman Tathi. Sorry ha, ako ang Valedictorian" nakangising saad ni Maricris sa akin. Nakahalukipkip siya habang nakataas pa ang isang kilay.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Edi Congratulations sayo! Sana ay mabuhay ka ng matagal!" asik ko sa pagmumukha niya. Kita ko ang gulat niya pero hindi ko iyon pinansin. Tangka kong tatalikuran na siya ng mabilis akong mapatingala ng hablutin niya ang aking buhok.

"Go Maricris! Go Maricris!"

Napuno ng sigawan ang kalsada. Tawa ng tawa ang mga kaibigan nito ng makita nilang halos hindi ako makalaban. Ang mga nagbabasketball sa di kalayuan ay kaagad na natigil dahil sa kumusyon.

Masyado siyang malakas, at di hamak na mas malaki ang katawan niya sa akin kaya naman ganun ganun na lang niya ako halos ihagis padapa sa lupa.

"Hoy. Tama na iyan, tama na iyan" suway sa amin ng mga kalalakihang palagi kong nakikitang nagbabasketball sa court.

Halos mamula ang mukha ko dahil sa galit. Hindi ko na nagawang ayusin pa ang aking sarili. Nanatili akong nakatayo duon habang masamang nakatingin kay Maricris. Mas inuna pa nito ang pagaayos ng sarili, madaling madali na para bang ayaw niyang makita siya ng mga kalalakihan na ganuon ang ayos. Shuta! ang arte!

"Bakit ka naman ganyan Tathi. Bakit hindi ka na lang maging masaya para sa akin..." halos manlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang ginawa. Nagpapaawa na siya ngayon. At siya pa talaga ang may ganang magpaawa effect!?

The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now