Chapter 19

137K 5.2K 3K
                                    

First time






Ilang minuto pa silang naglaba ng titigan hanggang sa naputop na lamang iyon ng nagsipasukan na sa kubo ang mga bisita ni Senyorito Luigi. Kaagad silang lumapit sa may lamesa para tingnan ang mga pagkaing ipinadala ni Manang bobby.




"Aaron" tawag nung girlfriend niya sa kanya. Mabilis itong yumakap sa kanyang braso. Duon lamang din nawala ang atensyon niya sa amin ni Senyorito baby. Nakaawang ang bibig ko ng sundan ko ng tingin si Aaron, mabilis siyang tumiklop. Hindi na siya nakipaglaban pa kay Senyorito baby.




Bumaling ako dito at nakita kong sa akin naman ngayon nakatuon ang matalim niyang tingin. Parang ako naman ngayon ang aawayin niya eh wala naman akong ginagawa.




"Bakit po?" tanong ko sa kanya. Ang sama ng tingin eh.




"Hindi ka talaga pwedeng iwanan, ano?" galit na tanong niya sa akin.




"Nagaayos lang naman ako dito, tapos bigla siyang lumapit" paliwanag ko sa kanya pero inirapan niya lamang ako. Mas lalo tuloy humaba ang nguso ko. Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong lamesa, una nilang kinakain yung mga finger foods. Mabenta sa kanila yung nachos ba ginawa ni Manang bobby, kaya pala iyon ang nakalagay sa pinakamalaking tupper ware.




"Bukas tayo mangangabayo" sabi ni Senyorito Luigi sa mga kaibigan niya kaya naman muli silang naghiyawan.




Sa Sitio gipit naman ang hacienda nila, malawak iyon. May mga taniman ng iba't ibang klase ng prutas at gulay, may farm din duon kung saan may iba't ibang klase ng hayop na inaalagaan kagaya ng baka, baboy, mga manok at kambing.




"Walang yelo?" reklamo ng isang babae. Kaagad nila akong nilingon, gulat pa ako nung una hanggang sa marealize ko na ako pala dapat ang magprovide nuon.




Kaagad akong nagpalinga linga para hanapin ang cooler na pinadala ni Manang bobby. Napasapo ako sa aking noo ng maalalang hindi nga pala iyon nababa mula sa likod ng sasakyan ni Senyorito baby.




"Kukuhanin ko lang po" paalam ko sa kanila. Kaagad umirap sa akin ang mga babae, buti na lang at napigilan ko ang aking sarili iirapan ko din kasi sana sila pabalik.




Kaagad tumayo si Senyorito Luigi. "Samahan na kita, Tathi. Mabigat iyon" pagprepresinta niya.




Tumango ako. Pero nakakailang hakbang pa lang siya palapit sa akin ng mawala siya sa aking paningin ng humarang ang malaking katawan ni Senyorito baby.




"Ako na Luigi" seryosong sabi niya. Umusod ako para makita si senyorito Luigi. Kita ko ang pagkagulat niya, nakuha naman ang atensyon ko ng umiiling na si Aaron. Nakangisi siya na para bang may naiisip siyang nakakatawa.




"Ilang taon na nga itong si Tathi?" tanong niya. Hindi ko alam kung para kanino, ang lahat ay natigilan dahil duon.




"16" tipid na sagot ni Senyorito Luigi.




Muli siyang napatawa kaya naman mas lalong nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat. Ano kayang problema niya? Parang baliw!




"May problema, Aaron?" medyo iritadong tanong ni Senyorito Luigi sa kanya. Parang nadismaya ang lahat ng umiling siya. Wala naman pala, may pangisi ngisi pa.




Pumihit na ako para pumunta kung saan nakapark ang mga sasakyan. Nang isang beses kong nilingon si Senyorito baby ay kaagad kong nakita ang pagiging seryoso niya. Galit pa din siya pero nagawa pa din niyang maglakad kasunod sa akin.




The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now