Pageant
Ramdam ko pa din ang init ng aking magkabilang pisngi. Muling bumalik si Senyorito baby duon sa lamesa nila ng lumabas yung malditang babae. Hindi ko naman mapigilang hindi sumulyap sa gawi nila, napasinghap ako sa tuwing nagtatagpo ang mga tingin namin. Salita ng salita yung kausap niya pero ang mga mata niya ay nasa akin.
"Ikaw na bata ka talaga, kaya mainit ang dugo ni Senyorito Cairo sa iyo eh. Panay ka palpak" suway ni Manang bobby sa akin ng pumasok ako para kumain ng tanghalian.
Humaba ang nguso ako. Nanlaki ang mata ko ng tampalin iyon ni Manang bobby. "Namumula pa yang nguso mo. Ikaw na bata ka talaga..." sita niya sa akin.
Kaagad kong dinilaan ang labi ko. Napangwi si Manang bobby sa ginawa ko. "Tathriana naman! Kababaeng tao eh" asik niya na para bang diring diri siya sa ginawa ko.
"Binawasan ko lang naman po yung pula eh" pagdadahilan ko pero inirapan niya lamang ako. Tahimik akong kumain ng tanghalian kasama ang mga kasambahay.
"Asaan si Lando? Aalis na ang bisita ni senyorito, magpapahatid daw sa may Arko"
Napatingin kaming lahat dahil sa sinabi ni Manang bobby. Napanguso ako at bahagyang sumilip sa may dinning. Wala ng tao duon, tanging ang mga pinaggamitang plato na lamang ang naiwan.
Bagsak ang balikat ko habang palabas ako ng mansyon. Ilang beses pa akong lumingon at umaasang makikita ko si Senyorito baby bago ako umuwi. Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi na siya lumabas ulit sa kwarto niya. Baka busy lang.
"Parang uulan, may payong ka ba?" nagaalalang tanong sa akin ni Manong guard. Napatingin din ano sa ulap, madilim. Napangiwi ako ng mapagtanto kong malakas na buhos iyon ng ulan, kahit siguro takbuhin ko pa ay aabutan din ako sa kalagitnaan.
"Ok lang po, Manong. Maliligo na lang po ako sa ulan" nakangiting sabi ko pa sa kanya. Nginisian niya din ako bago siya napailing.
Kumakanta kanta pa ako habang naglalakad pauwi. Malakas na din ang hangin, mukhang malakas na ulan talaga ito. Hindi nagtagal ay unti unting pumatak ang malalaking butil hanggang sa tuluyan ng bumuhos ang ulan. Mabuti na lamang at nabalot ko sa plastick ang cellphone ko, hindi naman na siguro iyon papasukin ng tubig.
Imbes na tumakbo ay pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad ko habang hinahayaang mabasa ako ng malakas na ulan. Ganuon din naman iyon, mapapagod lang ako kung tatakbo pa ako. Basa din naman.
"Tathi!" sigaw ni Charlie sa akin. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong nagliligo din siya sa ulan.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang natatawa sa itsura naming dalawa.
"Alam ko kasing naglalakad ka pauwi at wala kang dalang payong, kilalang kilala na talaga kita Tathriana" pagbibida pa niya sa akin kaya naman napanguso ako.
"Sus, panigurado ako. May iba kang pakay kaya ka sumulong sa ulan!" asik ko sa kanya. Kasabay ng pagkulog ay ang kanyang pagtili. Mabilis akong napatakip sa aking magkabilang tenga.
"Shuta ka!" asik ko sa kanya pero hindi siya nagpapigil. Kaagad niyang hinila ang palapulsuhan ko.
"Charlie! Baka madapa tayo!" sita ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
Kapwa kami tunatawa habang tumatakbo pauwi, napanguso ko ng matanaw ko ang court sa di kalayuan. Kahit malakas ang ulan ay patuloy pa din ang paglalaro ng mga kalalakihan. Kagaya namin ay hindi na din nila alintana ang pagkabasa.
"Sinasabi ko na nga ba! Malandi ka!" sigaw ko sa kanya. Ngiting ngiti ito habang kinikilig pang magcheer sa mga lalaking walang suot na pangitaas. Napairap na lamang ako sa kawalan. Sa tagal tagal kong pagsama kay Charlie sa mga liga ng basketball ay hindi naman ako nagkagusto sa isa sa kanila.

YOU ARE READING
The Ruthless CEO (Savage Beast #4)
RomanceWhat he wants. He gets... By hook or by Crook