Chapter 43

147K 5K 3.2K
                                        

Crush








Halos malunod ako dahil sa pahingang natatamasan ng aking buong katawan. Para bang gusto ko na lamang masanay dito. Dito na lang kaya ako? Wag na kaya akong bumalik?

Anong bang babalikan ko duon? Nawawala ang lakas ko sa tuwing iisipin kong marami akong kailangang harapin sa oras na gumising ako. Mga kasinungalingan na ayokong paniwalaan. Pinagkaisahan ako, niloko ako.


Kasabay ng naramdamamg galit, unti unti ko ding naramdaman ang pakiramdam sa aking buong katawan. Malamig, nasaan ba ako? Ang amoy ng paligid ay pamilyar sa akin. Hospital! Nasa hospital ako.


"Hindi naman po, Tita..."


Ang maarteng boses ng aking kaibigan na si Charlie ang una kong narinig ng para bang unti unting bumalik ang aking pandinig.


Naunang nagfunction ang aking isip, hanggang sa mahusto ito at bumalik ang aking pakiramdam, sumunod ang aking pandinig. Hanggang sa naramdaman ko ang hapdi sa aking labi, at tsaka ko unti unting naimulat ang aking mga mata.



Nasilaw ako sa liwanag. Gustuhin ko man sanang pumikit muli ay hindi ko na nagawa pa. Mabilis na napalitan ng nagaalalang mukha ni Charlie ang tinitingnan kong kisame.


"Gising na si Tathi!" hiyaw niya na tila mo'y nanalo sa lotto.


Kumunot ang noo ko ng mas lalo niyang inalapit ang mukha niya sa akin. Para bang gusto niyang siguraduhing gising na ako at hindi lang siya namamalikmata. Shuta! Pigil na pigil ko ang aking hininga dahil sa oras na huminga ako ay magkakapalitan na kami.


"Oh em...to the G!" hiyaw niya ulit at napapalakpak pa.


Mabilis din siyang nawala sa aking tabi. Ang kanyang boses ay natabunan ng mga nagaalalang tanong nina Mama, Kuya Jasper, si Cayden at sa malayong likod ay si Attorney.


"Tathi anak!" umiyak na tawag ni Mama sa akin at mabilis akong niyakap.


"Nawala na ang Papa mo. Bati ba naman ikaw!? Gusto mo bang mabaliw si Mama?" emosyonal niyang tanong sa akin.


Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko para magantihan ang yakap niya. Hindi ko nagawa ang gusto kong pagyakap dahil mahina pa ang aking katawan. Pilit ko ding sinubukang ngumiti pero nasaktan lang ako dahil sa mga sugat dito. Dala siguro ng ilang araw na pagtulog at lamig ng paligid.


"Sorry po Mama. Hindi ko po kayo iiwan" paninigurado ko sa kanya. Hindi ko na napigilan pa at napaiyak na din ako.


Ano ka ba Tathi! Sarili mo lang ang iniisip mo! Ayaw mo ng bumalik? Paano si Mama? Hahayaan mo siyang magisa dito, sasama ka kay Papa at hahayaang magisa si Mama? Hindi ka man lang naawa sa kanya!


Panay ang kastigo ko sa aking isipan. Maling mali ako ng isipin kong sana ay natuluyan na lamang ako. Hindi ko inisip yung mga taong masasaktan pag nawala ako, ang tanging inisip ko lang ay ang sakit na nararamdaman ko. Ang selfish ko.


Halos walang imikan. Nakatingin lamang sila sa akin, nakatayo sa gilid ng aking kama na tila mo'y isang utos ko lang ay maguunahan pa sila sa pagsunod dito.


"Tatawag po ako ng Doctor, Tita" sabi ni Cayden kay Mama.


Ngayon lamang nila iyon naisip dahil halos ayaw niya ding umalis sa aking tabi. Tinulungan ako ni Kuya Jasper na umayos ng upo. Ramdam ko na ang pananakit ng aking likuran mula sa mahabang pagtulog.


The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now