Chapter 18

140K 5.2K 2.2K
                                    

Hands off









Halos sumabog ang mukha ko dahil sa sobrang init. Shuta! Hindi ako nakapagpreno duon. Tuloy tuloy Tathi! Nagmamadali?


Nagtaas ng kilay si Senyorito baby sa akin. Kita ko din ang paglalaro ng ngiti sa kanyang labi.


"Brave" tipid na sabi niya.


Mariin akong napapikit at nagiwas ng tingin. Sinubukan kong umakto ng normal lang Tathi. Maging normal ka.


"Go Jan!" sigaw ko ng makita kong nakashoot siya ng tres. Yan normal yan. Normal nga ba!?


"After you confess? Tatawag ka ng pangalan ng ibang lalaki sa harapan ko? really? Tathriana" galit na sabi niya sa gilid ko.


Abnormal ang plano. Shuta. Mariin akong napapikit. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa court. Kunwari wala akong narinig, kunwari hindi ko narinig. Nagpatuloy lamang ako sa panunuod ng game, kahit ang totoo ay hindi ko na iyon masundan dahil ramdam ko ang titig sa akin ni Senyorito baby.



"Look at me" mabigat na sabi niya. Halos mamanhid ang buong katawan ko. Hindi pa din ako lumingon.



Napuno ng malakas na sigawan ang buong court. Napatayo pa si Charlie ng may isang makatres pagkatapos ay nakapagdefense ng hindi pa umaabot sa half court. Sa isang run ay 5 points kaagad ang nadagdag sa team namin dahil sa isang lay up.



Nagtatambol ang puso ko ng makita ko sa gilid ng aking mga mata ang dahan dahang paghilig ni Senyorito baby sa akin. Hindi ito pumayag na hindi ko siya lingonin. Gumawa talaga siya ng paraan.



"Eye on me. Baby"



Para nanaman akong naubusan ng dugo dahil sa kanyang sinabi. Nakakapanghina talaga, shuta! Bayolente akong napalunok bago ko siya tuluyang hinarap. Kaagad sumalubong sa akin ang kanyang mabibigat na mga tingin.



"Don't say that again, if you don't mean it" mariin ngunit malumanay na sabi niya.



Naramdaman ko ang pagkunot ng aking noo. Hindi ko siya maintindihan. "Hindi po ako nagsisinungaling" giit ko. Tumaas ang isang kilay niya na para bang ipinaparating niya sa aking hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.



"You're just confuse. What should with do about that? Uhm" mapanghamong tanong niya sa akin. Hindi lamang iyon basta mapanghamon, mapangakit din! Shutaness.



Humaba ang nguso ko. "Hindi ka po naniniwala sa akin?" malungkot na tanong ko. Kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa aking labing nakanguso ngayon. Bahagyang tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.



"I want you to behave. You're giving me a hard time" seryosong sabi niya bago siya umiwas ng tingin sa akin.



Umiwas na din ako ng tingin sa kanya. Siguro nga, masyado pa akong bata para dito. Masyado akong hyper at walang preno kung magsalita. Masyadong bata ang tingin niya sa akin kaya naman hindi niya gustong seryosohin ang mga sinasabi ko. Muli ko siyang sinulyapan, kita ko ang matalim niyang tingin sa court habang nakakunot ang kanyang noo.



Gusto ko sana siyang kalabitin para tangunin ngunit naalala kong gusto nga pala niyang manahimik ako. Mas lalong bumagsak ang magkabilang balikat ko at tsaka ako nagiwas ng tingin. Hay naku, sana kasi matanda na lang ako para walang problema.



Walang imikan, kahit nung maghiwalay kami para umuwi. Nagalit kaya siya sa akin dahil sinabi ko sa kanyang crush ko siya? Ayaw niyang crush ko siya? Akala ko ba crush niya ako? Anong gusto niya, siya lang ang may crush sa akin?



The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now