Chapter 20

151K 5.2K 2.1K
                                    

Don't cry








Mabilis kong hinabol ang aking hininga ng tumigil sa may burol ang kabayong sinasakyan namin. Rinig ko pa din ang mahihinang pag ngisi ni Senyorito baby mula sa likuran. Humaba ang nguso ko, halos yakapin ko na ang kabayo dahil sa pagod. Parang ayoko ng umulit. Maglalakad na lang talaga ako pauwi.


Walang kahirap hirap siyang bumaba duon. Pagkatapos ay kaagad siyang naglahad ng kamay sa akin. "Let's go" yaya niya. Napanguso ako, nilingon ko ang pinanggalingan namin. Wala akong nakitang kahit anino ng mga kasama namin.


Dalawang kamay na ang nilahad ni Senyorito baby. Mukhang handang handa na akong saluhin para sa aking pagbaba. "Baka po..." hindi ko na matuloy ang sasabihin ko dahil sa kaba.


Mahirap sumakay at mas mahirap din pala ang bumaba dahil parang nakakalula. Nang medyo nahirapan ako ay siya na mismo ang humawak sa magkabilang bewang ko. Uminit ang pisngi ko ng maramdaman ko ang matigas niyang kamah duon, mas lalong lumiit ang bewang ko dahil sa pagkakahawak niya.


"Ay! Kalabaw!" hiyaw ko ng mabilis niya akong hinila pababa. Kaagad kong pinulupot ang magkabila kong braso sa kanyang leeg. Yes! Nakayakap na din sa wakas!


Nhiting ngiti ako habang niyayakap ang leeg ni senyorito baby. Pwede bang ganito na lang palagi? Pwede bang yakap yakap ko na lang siya palagi? Ang bango! Sobrang bango.


"Bitaw na, nakababa ka na" sabi niya sa akin. Mula sa pagkakapikit ay dumilat ako.


Dahil sa lapit ng mukha naming dalawa ay bumitiw na lang din ako kahit ang totoo ay ayaw ko pa. Inayos ko ang maiksi kong buhol na medyo nagulo dahil sa pangangabayo namin kanina. Ramdam ko ang pananatili ng tingin niya sa akin.


"Maglalakad na lang po ako pauwi. Ayoko na talaga sa kabayo" reklamo ko sa kanya. Nagtaas siya ng kilay sa akin, hindi pa siya nakuntento at humalukipkip pa siya sa aking harapan. Para tuloy akong maliit na batang, handa ng pagalitan.


"Why?" seryosong tanong niya sa akin. Tumingala ako sa langit, ang ganda. Hindi masyadong mainit at hindi naman ganuon na makulimlim. Tama lang.


"Eh kasi po, ang sakit sa legs. At nakakapagod" paliwanag ko sa kanya. Kita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.


"At nakakahingal..." dagdag ko pa ng muli akong humugot ng malalim na paghinga.


Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng makita ko kung paano dahan dahang bumaba ang tingin niya sa aking katawan. Naginit ang magkabilang pisngi ko, bigla akong nakaramdam ng hiya.


"Puro ka kasi buto" sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata, bahagya ding kumunot ang kanyang noo.


"You should eat a lot, Tathi" mariing sabi niya sa akin.


Napanguso ako. Bumaba din ang tingin ko sa aking katawan. Sabagay, kita ko ang katawan ng mga tipo niyang babae. Yung malaman, tapos curvy. Maliit ang bewang, malaki ang hinaharap at matambok ang pwet.


"Ayaw niyo po ng payat? Wala po akong boobs, pero may pwet naman po ako" laban ko sa kanya. Bahagya pa akong tumagilid para ipakita sa kanya iyon. Sandaling bumaba ang tingin niya duon at mabilis ding bumawi. Mariin siyang napapikit kaya naman mas lalo ko siyang tiningnan.


"Ayoko ng madaldal" medyo pagalit na sabi niya ng muli siyang dumilat at nasa malayo na ang kanyang tingin.


"Hindi po ako madaldal" giit ko. Naniniwala talaga akong hindi ako madaldal. Medyo maingay, pero hindi madaldal. Basta! Magkaiba iyon.


The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now