Gertrude
Umuwi kami ng Bulacan ng sumunod na araw pagkatapos ng graduation namin ni Charlie sa law school. Ilang araw kaming mananatili dito bago kami bumalik ng Manila para simulan ang internship namin sa Jimenez law firm.
Mahirap makakuha ng slot duon. Bukod sa madami ang may gusto na magintern duon ay kaunti lang ang slot na binibigay nila. Sinubukan pa kaming tulungan ni Eroz dahil pamilya din nila ang nagmamayari nuon, ngunit nagmatigas kami ni Charlie na gusto naming paghirapan ang slot namin. Dumaan kami sa tamang proseso at parehong nakuha.
"Congrats!"
Panay ang bati sa amin ng mga kapitbahay. Ang iba pa nga ay tuwang tuwa habang ikinikwento sa amin ni Charlie kung paano nila kami nasubaybayan sa paglaki at ngayon ay magaabogado na.
"Ang ganda ganda mo na ngayon, Tathriana" sabi ng isa sa kanila. Napadpad pa kami ni Charlie sa lamesa kung nasaan ang kilalang mga chismosa sa aming lugar.
Tipid akong ngumiti sa kanila. Nakakahiya naman. Hindi ako sanay!
"Iba talaga ang nagagawa ng pera" sabat ng isa sa kanila sabay tawa. Nalaglag ang panga ko dahil duon.
Hinampas siya ng isa sa kanyang mga kasama. "Ano ka ba, maganda naman talaga itong si Tathi. Medyo dugyot nga lang dati, hindi marunong magsuklay at madumi" nakangising sabi pa ng isa.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Napanguso na lang ako at nang ngiting aso na nagpaalam sa kanila para batiin ang iba pa naming bisita.
"Wag mo ng pansinin at inggit lang ang mga iyon. Pustahan tayo may dala pa iyong mga plastick!" Sabi ni Charlie na ikinangisi ko.
Pareho na lang kaming natawa ng maalala naming gawain din namin iyon dati. Na sa tuwing may pupuntahan kaming handaan ay mayroon kaming dalang supot para may maiuwi kami.
Matapos ang ilang araw na bakasyon sa probinsya ay naghanda na ulit kami para bumalik sa Manila. Hindi ko maiwasang mapatulala sa malawak na palayan sa tabi ng aming bahay. Hindi ko kailanman naisip na mararating ko kung nasaan man ako ngayon. Parang isang panaginip ang lahat.
"Saan dadalhin iyan, Kuya?" tanong ko kay Kuya Jasper ng makita ko siyang naglalabas ng ilang plastick ng chicharon. Siya na ang pinaghandle ni Mama ng chicharon bussiness namin, at sa nagdaang taon ay mas lalo itong nakilala.
"Kila Manang Bobby, sa mansion ni Gov" sagot niya sa akin kaya naman kaagad akong nagpresintang ako na lang ang magdadala duon.
Bitbit ang mga idedeliver na chicharon ay nilakad ko ang patungo sa mansion. Kagaya ng dati, kung paano ako araw araw na naglalakad tuwing umaga para pumasok duon para maging hardinera.
"Magandang umaga po" bati ko kay Manong guard.
Kaagad lumaki ang kanyang ngiti ng mamukhaan niya ako. "Ikaw pala iyan, Tathriana. Ibang iba ka na ah, para kang artista!" nakangiting puri nito sa akin.
"Hindi naman po!" nahihiyang sabi ko sa kanya pero hindi siya nagpapigil. Medyo nagtagal ako kay Manong guard dahil sa mga kwento niya sa akin, natawa pa siya ng makita ang hawak kong chicharon.
Papalapit pa lang ako sa may front door ng marinig ko na ang sigaw ni Manang Bobby sa aking pangalan.
"Tathriana!" sigaw niya sabay salubong ng yakap sa akin. Mabilis kong ginantihan ang yakap ni Manang, ngayon alam ko na kung ano ang bra size niya. Goals talaga itong si Manang eh!
"Proud na proud kami sayo! Biruin mo, ang dumi mo lang dati tapos ngayon..." namamanghang sabi niya sabay pasada ng tingin sa aking kabuuan.

YOU ARE READING
The Ruthless CEO (Savage Beast #4)
RomanceWhat he wants. He gets... By hook or by Crook