Chapter 25

131K 4.4K 1.2K
                                    

Target









Iyak ako ng iyak habang nasa loob ng bus. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng ibang pasahero, basta gusto ko lang ilabas ang bigat ng dibdib ko. Sobrang lungkot, para akong malalagutan ng hininga dahil sa sobrang lungkot.

Bayolente akong napalunok ng lumapit sa akin ang konduktor para kuhanin ang bayad ko. Kaagad akong kumuha ng pera at sinabi sa kanya kung saan ako baba. Habang nagbibigay ng ticket ay nakatingin pa din siya sa akin. Hindi ko siya pinansin, nanatili ang mga mata ko sa may bintana. Ito namang si manong! Chismoso pa ata!

Mas lalo akong napaiyak ng sandaling huminto ang bus sa may kanto papunta sa mansyon dahil may bumabang pasahero. Mula sa main road ay kita ang magarang bubong ng mansyon dahil sa laki nito. Nanginig ang labi ko, bukas pagpasok ko duon ay wala ng senyorito baby. Wala na siya at sobrang lungkot nuon.

Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisngi ng maramdaman ko ang pagvibrate ng aking cellphone. Napakagat labi ako para pigilan ang paghikbi ng makita kong kay Senyorito baby galing ang message na iyon.

Senyorito baby:

Hindi din madali para sa akin ito. But we need this. I promise you, babalik ako.

Mas lalong kumirot ang dibdib ko. Ilang oras pa lang kaming nagkakahiwalay ay miss na miss ko na kaagad siya. Pakiramdam ko hindi na magiging normal pa ang lahat para sa akin sa mga susunod na araw. Sa maikling panahon na nandito siya sa bulacan ay nasanay na ako sa presencya niya.

Ako:

Maghihintay po ako. Promise!

Paninigurado ko sa kanya. Nakailang buntong hininga ako para lang pakalmahin ang sarili ko. Maging matapang ka Tathi! Tatagan mo ang loob mo, ihanda mo ang sarili mo, para sa oras na magkita kayo ulit ni Senyorito baby, hindi ka na bata.

Senyorito baby:

Wag ka ng umiyak.

Mapait akong ngumiti sa mensaheng iyon. Kahit gustuhin ko mang hindi umiyak ay kusang tumutulo ang luha ko para sa kanya. Masyado akong naattach, ito ang unang beses na naramdaman ko ito kaya naman hindi ko tuloy alam kung paano ako magrereact para ihandle ito.

Ako:

Opo, hindi na po ako iiyak.

Senyorito baby:

Good girl.

"Para po!" sigaw ko ng makita kong muntik na akong lumagpas sa kanto papasok sa bahay namin. Napakamot si Manong konduktor sa kanyang ulo dahil sa biglaan kong pagsigaw. Napanguso ba lamang ako at nagmadaling bumaba sa bus.

Bagsak ang magkabilang balikat ko habang naglalakad pauwi sa aming bahay. Sumisinghot singhot pa ako, takot na mapansin ni Mama ang aking pagiyak. Pero siguradong mapapansin niya dahil sa pamamaga ng aking mga mata. Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko sa oras na magtanong siya. Bahala na.

Kumunot ang noo ko at sandaling napahinto sa paglalakad ng mapansin ko ang pamilyar na sasakyan mula sa mansyon. Sino kaya ito? Bisita namin?

Patakbo akong umuwi sa aming bahay. "Mama!" sigaw na tawag ko sa kanya pagkapasok ko sa main door. Nagulat ako ng makita ko si Senyorita Lumi sa aming sala. Nakaupo ito kaharap sina Mama at Papa. Nabigla din ako sa biglaang paguwi ni Papa.

Napaawang ang bibig ko ng makita ko ang pagkakangisi ni Senyorita Lumi habang nakatingin sa akin, bumaba ang tingin ko sa nakalapag niyang cellphone sa aming center table. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hanggang sa lumipat ang tingin ko kina Mama at Papa. Blanko ang ekspresyon ni Papa habang nakatingin sa akin, pero si Mama kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now