Chapter 37

163K 5K 2K
                                        

Kasalanan









Napakurap kurap ako habang nakatingin kay Attorney. Gusto ko siyang ngitian ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay parang biglang tumigas ang aking panga at kahit anong pilit kong gawin iyon ay hindi ko magawa.


"Please..." madiing sambit ni Cayden. Hindi ko alam kung para saan iyon, para bang mayroon silang secret code na silang dalawa lang ang nakakalam.


Mariing napapikit si Attorney at marahang tumango. Pumungay ang kanyang mga mata ng muli niya akong tinapunan ng tingin. "Kain ng kain..." meduo malungkot na sabi na lang niya kahit pa pilit siyang ngumiti sa akin.



Sasagot pa lang sana ako ng mabitin sa ere ang dapat sanang sasabihin ko.


"Makakasiguro po kayo na kakain kami ng marami ni Tathi. Walang masasayang ni isang butil ng kanin" nakangising sabi pa ni Charlie habang maganang sumusubo.


Gusto ko sana siyang sikuhin. Siraulo talaga ang isang ito. Oo, patay gutom kami sa pagkain pero wag naman niyang ipahalata! Hindi pa nga din ako naguumpisang kumain eh round two na ata siya! Shuta.


Napatawa si Attorney dahil sa sinabi ni Charlie kaya naman nagngiting aso na lamang din ako at nagumpisa na ding kumain. Tahimik ang naging kain namin kahit nakaramdam ako ng pagkailang dahil pansin ko ang maya't mayang pagtingin ni Attorney sa akin na para bang sinisigurado niyang hindi mawawalan ng laman ang aking plato.


"Nasabi sa akin ni Cayden na kakanta ka daw para sa club niyo next week..." pagbasag nito sa katahimikan. Napanguso tuloy ako ng maramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi. Naalala ko nanaman iyon!


Bumaling ako kay Charlie na kain pa din ng kain. Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi naman niya iyon pinansin. Kasalanan ng magaling kong kaibigan kung bakit halos araw araw akong natatakot sa tuwing nalalapit ang araw ng legma week.


"Opo...ito po kasi eh" nahihiyang sabi ko sabay siko ng malakas kay Charlie. Kaagad itong nagreklamo sa ginawa ko dahil daw naistorbo ang kanyang pagkain. Pinanlakihan ko siya ng mata pero inirapan niya lamang ako.


Nakangiting tumango si Attorney. "I'll try to clear my sched for that. Manunuod ako" sabi niya kaya naman halos mapasinghap nanaman ako. Shuta! Mas lalo akong kinabahan.


"Naku, wag na po. Hindi naman po talaga ako magaling kumanta eh..." natatarantang sabi ko kahit alam kong medyo rude iyon.


Napatingin ako kay Cayden na nakataas ang isang sulok ng labi na para bang amaze na amaze siya sa paghihirap ko. Shuta! Bakit ba pinagkakaisahan ako ng mga tao dito?


"Naku! Magaling po yang si Tathi. 100 po score niyan sa videoke eh..." pagbibida pa ni Charlie kaya naman napasapo na lang ako sa aking noo.



Hindi din nagtagal si Attorney pagkatapos naming kumain. May trabaho pa daw siya at talagang sinadya lang si Cayden sa araw na iyon. Swerte lang namin ni Charlie at kasama nita kami. Pati tuloy kami ay nalibre.



"Ako nga 100 din eh. Di naman ako magaling kumanta" pamomorblema niya habang nasa byahe kami.


Itinuloy pa din ni Cayden ang offer niyang ihatid kami sa bahay. Nilingon ko si Charlie na nasa may backseat. Probelmado niyang hinihimas ang lumaki niyang tiyan dahil sa kabusugan.



Kaagad ko siyang inabot para hampasin. "Eh lahat naman ng kumanta nuon ay 100! Alam mo namang sira ang mga videoke duon!" nanggigil na sabi ko sa kanya kaya naman napatawa siya. Nakakainis talaga!


The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now