Chapter 17

147K 5.1K 1.7K
                                    

Crush









Nanatili akong nakatulala sa kisame habang yakap yakap ang tatlong bear na ibinigay sa akin ni Senyorito baby. Batid kong mataas na ang sikat ng araw sa labas, pero hindi naman ako nabahalang magmadaling bumangon dahil araw naman ngayon ng linggo. Wala akong pasok sa mansyon.


"Iiwan tayo ng Daddy niyo" pagkausap ko duon sa tatlong bear. Halos uminit ang pisngi ko sa tuwing kinakausap ko silang tatlo na parang mga anak ko, anak namin ni Senyorito baby.


Muli akong napanguso. Mahigpit ko silang niyakap ulit. Kahit wala pang eksaktong petsa ang pagalis ni Senyorito baby ay nalulungkot pa rin ako. Ang bigat nuon sa dibdib sa tuwing iniisip kong mawawala na siya sa mansyon. Titigil na din naman ako sa pagtratrabaho duon pag nagsimula na ang pasukan.

"Tathi! Ano ba yan. Tanghali na!" sigaw na tawag sa akin ni Mama. Halos magpagulong gulong ako sa kama. Baka sakaling maalog ang utak ko at wag na munang isipin iyon. Nakakatakot, nakakatakot ang hatid nung kalungkutan pagnagkataon.


Sandali akong nagayos bago ako bumaba. Mukhang kanina pa sila tapos kumain kaya naman may takip na ang plato sa itaas ng lamesa. "Ayaw ko po kumain ng rice mama..." sabi ko saba kuha na lang ng malunggay pandesal. Wala lang gusto ko lang itry maginarte.


"Tigilan mo Tathriana, kumain ka diyan" pagbabanta ni Mama sa akin kaya naman napanguso ako. Sayang, gusto ko lang namang itry. Pansin ko kasi sa mayayaman, hindi sila mahilig sa rice.


Wala akong nagawa kundi ang kumain. Busy sina Mama at Papa sa pagbabalot ng chicharon sa may sala. May ilang tao namang tumutulong sa kanila, binabayaran namin iyon arawan. Kahit papaano ay nakikilala na din ang chicharon namin lalo na't masipag si Mama at Papa na ihatid iyon sa bawat tindahan dito sa Sta. maria.


"Manunuod ka ba mamaya ng game?" singit na tanong ni Kuya Jasper sa akin. Bagong paligo ito, humarap siya sa salamin at habang nagsusuklay ng buhok.


Napanguso ako. Wala naman talaga akong hilig sa basketball, sadyang laman lang talaga kami ng court palagi dahil sa paghahanap ng bagong crush ni Charlie. Nadadamay lang ako.


"Depede po kay Charlie" sagot ko sabay subo ulit ng pagkain.


Tumango siya. "Ang kulit kulit ng mga may gusto sayo. Ako ang palaging tinatanong" reklamo niya. Hindi ako umimik, wala nama iyong dating sa akin.


Mula sa pagkakaharap sa salamin ay ako naman ngayon anh hinarap niya. "Narinig mo ba ang sinabi ko? Mga may gusto sayo..." paguulit niya sa akin. Tumango ako, oo nga't narinig ko pero wala naman akong pakialam duon.

Sa huli ay napailing na lamang si Kuya Jasper. "Ingat ka Tathriana, bata ka pa. Wag masyadong umasa" makahulugang sabi niya sa akin kaya naman kaagad akong nagangat ng tingin sa kanya pero hindi na niya ako tiningnan pabalik.


Hindi ko pinansin si Kuya Jasper. Bahala siya, kung gusto niya sa kanya na lang ang lahat ng may gusto sa akin. Wala akong gusto sa kanila. Si Senyorito baby lang ang gusto ko.


"Tiangge tayo mamaya! Tathi" salubong sa akin ni Charlie ng puntahan ko siya sa may open space. Hindi kalayuan sa court. Sa open space nagprapractice ang mga pambato namin sa volleyball. Ang rinig kasi namin ay may volleyball game naman pagkatapos ng basketball.


Tumango lamang ako kay Charlie. "Bibili ulit ako liptint. Ibang kulay naman" kwento niya sa akin. Napangisi ako ng makita ko ang medyo mapula niyang labi ngayon. Hindi pa siya nahusto duon, mukhang gusto pa niya ang mas mapula.


The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now