Chapter 49

147K 4.4K 1.2K
                                        

Naaalala







Nagiwas ako ng tingin ng makita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mukha ni Cairo. Halatang hindi niya gustong biguin ang ama niya ngunit may pumipigil sa kanya.


Bakit hindi na lang siya bumalik ng spain? Wala naman siyang kailangan dito? Anong gagawin niya, magbubuhat ng sako kagaya  ni Eroz. Titira dito sa Bulacan para saan?


Napabuntong hininga ako bago bumagsak ang aking mga mata sa lamesa kung saan nakapatong ang aking mga libro. Paano mo nga ba makakalimutan ang taong unang nagpatibok ng puso mo? Paano mo makakalimutan ang taong unang dumurog din dito?


"Hey" marahang tawag ni Cairo sa akin. Dahil sa muling pagihip ng malakas na hangin ay muling nagulo ang aking buhok. Naramdaman ko ang pagtama ng mga daliri niya sa aking pisngi ng subukan niyang ilagay ang ilang tikas ng aking buhok sa likod ng aking tenga.


"Kailan ang balik mo sa Spain?" tanong ko sa kanya.

Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. Malambot pa din iyon habang inaayos ang aking buhok. I saw how gentle he is while doing it to me. Na para bang gustong gusto niya na inaalagaan niya ako. Kitang kita ko iyon sa kanyang mga mata.


"Hindi na muna"


Tumitig ako sa kanya, siya nama ang nagiwas ng tingin sa akin ngayon. Magsasalita pa sana ulit ako ng bigla ng sumulpot si Charlie dala ang aming lunch.


"Mamaya na ang ice cream mo, Tathi. Matutunaw iyon, bago mo pa madilaan mukha ng dila" natatawang tukoy niya sa ice cream jelly na gusto ko.


Tumango na lamang ako kay Charlie. Muli akong bumaling kay Cairo na unang nagbaba ng plato sa aking harapan. Panay ang ngisi nito ng marinig ang reklamo ni Charlie tungkol sa mga babaeng tingin ng tingin sa aming table.


"Tama na iyan. Baka magselos si Tathi" suway ni Cairo sa kanya. Pinandilatan ako ni Charlie.


"Ay, ay...kayo na ba?" tanong niya sa amin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalaramdam ng inis sa kanya. Ano naman kung hindi? Bawal magselos kung hindi?


Imbes na sumagot ay ngumisi lang si Cairo na mas lalo kong ikinainis. Bahala nga sila ni Charlie!


Tahimik kami sa pagkain. Kita ko pa din ang ilang tawag na mabilis na pinapatay ni Cairo. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa pagkain kakaisip. Tumikhim na siya at tinangkang papatayin na ang cellphone ng may isa tawag pa ulit na pumasok, sandali siyang napatitig duon bago siya napasimsim sa kanyang juice.


"I'll take this" sabi niya at nagpaalam sa amin. Tumayo siya ay lumayo kaya naman pinilit kong makakain ng maayos.


"Kayo na ulit? Naaalala mo na?" si Charlie.


Marahan akong umiling sa kanya. Nalulungkot lang ako para sa Daddy niya. Pakiramdam ko, ako ang may kasalanan kung bakit ayaw niyang bumalik sa Spain at gawin ang mga trabaho niya duon. Kita namang nahirapan din siyang tanggihan iyon.


Ngumisi si Charlie. "Kung makapagselos ka kasi, kala ko naaalala mo na" asar ni Charlie sa akin. Imbes na tumitig sa kanya ay nagiwas na lang ako ng tingin.


"Sabagay. Kung naaalala mo na, siguradong umiiyak ka pa din ngayon at galit ka sa kanya. Di ba nga, yung video" paalala pa niya sa akin. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa pagkain. Ayoko ng pagusapan.


Matapos kumain ay nagpaalam si Cairo na aalis. Naggulat pa kami na may kikitain siyang iba dito sa school bukod sa aming dalawa ni Charlie. Imbes na magtanong ay hinayaan ko na lang.


The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now