Chapter 33

129K 4.7K 2.2K
                                    

Ruthless







Naging maagan ang nagdaang linggo para sa akin. Unti unti na ding nasasanay ang katawan ko sa byahe, sa eskwela ay sa trabaho. Dahil medyo nagiging pamilyar na sa akin ang pagod ay nagagawa ko na ding tumulong sa bahay kung minsan. Tahimik pa din si Mama, naguusap naman na kami pero hindi ganuon katagal at hindi matagal. Mailap pa din siya sa akin. At naiintindihan ko iyon.



"Saan po ito idedeliver?" tanong ko kay Kuya Jasper. Dahil sa mga nangyari ay siya ang mas naging hands on sa chicharonan namin.


Isinara niya ang plastick na may lamang maliliit na chicharon bago niya pinunasan ang pawis sa noo gamit ang puting bimpo. Dahil mas naging aktibo dito si Kuya Jasper ay mas nadepina ang kanyang pangangatawan, bumagay din sa kanya ang medyo pagitim ng kanyang balat dahil sa pagkakabilad sa araw sa tuwing may delivery.


"Sa patag at catmon...mga maliliit na sari sari store" sagot niya sa akin kaya naman napatango ako.


Tumulong ako sa pagkakarga nuon sa aming lumang pick up. Linggo ngayon at tinapos ko kagabi ang lahat ng assignment ko para dito. Tutulong ako kay kuya Jasper sa pagdedeliver.


Matapos kong ilagay sa likod ng pick up ang isa pang plastick ay muli akong pumasok sa may sala namin para sana kumuha ulit. Natigilan ako ng makita ko si Mama, halatang kagigising lang pero nakaligo na ito at ayos na ayos na. Ngumiti ako sa kanya kahit wala pa ding kaemoemosyon ang kanyang mukha.


"Mama, nagluto po ako ng almusal. May pandesal din po" sabi ko sabay lapit sa may lamesa para sana paghandaan siya.


Tumikhim siya kaya naman muli akong tumingin sa kanya. Tiningnan niya lamang ang pagkain sa lamesa. Scrambled egg, hotdog, fried rice at may pandesal din. "Magtitimpla po ako ng kape..." medyo natarantang sabi ko pa pero bago pa ako makahakbang ay pinigilan niya na ako.



"Hindi na. Pupunta ako sa presinto ngayon, duon ako kakain kasama ang Papa mo"


Lumaki ang mata ko. Gusto kong sumama, ang kaso nangako na ako kay Kuya Jasper na tutulong ako ngayon sa kanya. "Hanggang anong oras ka po duon mama? Susunod po ako..." suwestyon ko pero mariin siyang umiling.



"Wag na. Tulungan mo na lang ang kuya Jasper mo? Suway niya sa akin kaya naman napanguso ako, sa huli ay dahan dahan akong tumango.



Gusto ko pa sanang humalik kay Mama bago siya umalis pero nagmamadali siyang lumabas ng bahay ng marinig ang pagtawag ni Tita Chona. Bumagsak ang balikat ko dahil duon, malungkot kong tiningnan ang mga pagkaing inihanda ko sa lamesa para sa kanya. Paano kaya kami babalik sa dati ni Mama?


"Magandang umaga!" pambubulabog ni Charlie. Maarte itong pumasok sa aming bahay at walang pasubaling dinungaw ang aming lamesa. Sandali siyang napatitig sa hotdog, alam ko na kaagad ang gusto niyang gawin.


"Hotdog ko yan!" banta ko sa kanya. Tumawa siya.



"Damot mo! Binisita na nga kita, ganyan ba ang pagwelcome sa bisita!?" asik niya sa akin. Wala na akong nagawa ng umupo siya sa dinning table namin at nagsimula ng kumain. Inirapan ko na lamang siya at hinayaan, kaunti lang ang kinain ko kanina dahil gusto ko sanang sumabay kay Mama, pero wala na din naman akong gana ngayon kaya naman hahayaan ko na lang si Charlie.



"May fresh orange juice ba kayo diyan?" tanong pa niya habang halos mamuwalan. Nagtiim bagang ako, sa huli ay binato ko siya ng isang sachet ng tang orange.



The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now