Chapter 23

137K 5K 2K
                                    

Despedida









Napangiwi ako ng makita ko ang mariin niyang pagkakapikit. Dumapo ang kanyang mga daliri sa kanyang sintido na para bang sumakit ang ulo niya sa sinabi ko. Bawal bang magtanong? Nagtanong lang naman ako ah!


"Uhm. Ok ka lang po?" tanong ko sa kanya. Medyo kabado na, baka mamaya ay hindi na siya makapagtimpi sa inis sa akin at sipain na lang ako palabas ng sasakyan niya.


Mas lalong kumunot ang noo niya. Nagtiim bagang pa siya na para bang may nilalabanang kung ano.


"You tell me" madiing sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako. Nagtatanong nga ako kung ok lang ba siya, tapos ngayon ako ang tatanungin niya? Paano ko sasagutin iyon? Eh hindi ko naman alam.


Pinalobo ko ang aking pisngi. Hanggang sa napahawak ako sa aking pangibabang labi. Ramdam ko pa din talaga eh, yung dila.


"Nagtanong lang naman po ako, kasi nakiliti ako eh" pagamin ko. Medyo kinilig pa ng maalala ko kung paano ko bahagyang naramdaman ang dila niya sa bibig ko. Shuta! Hindi ko kinakaya ang naiisip ko. My virgin mind.


My pure body, mind and soul. Ruined by a tongue.


"Can you behave? Even just a sec" masungit na suway niya sa akin. Muli ko siyang pinagmasdan. Ano kayang problema niya?


Dumungaw ako sa may bintana. Kaunti na lang ay padilim na. Napabuntong hininga ako at tsaka napamamot sa aking ulo. Narinig ko ang pagtikhim ni Senyorito baby kaya naman muli ko siyang nilingon. Diretso na ngayon ang tingin niya sa harapan.


"Uhmm..." paguumpisa ko sana ng salita pero may pa death stare si Senyorito baby kaya naman nabitin sa ere ang dapat sanang sasabihin ko.


"Iuuwi na kita" sabi niya kaya naman napatango na lamang ako. Tahimik lang ako nung una pero gusto ko talagang magsalita. Ganuon naman sa date di ba? Dapat naguusap!


"Hindi ka na po galit?" tanong ko sa kanya. Kita ko ang pagtiim bagang niya.


"Hindi ako ang nagalit" makahulugang sagot niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.


"Huh? Eh sino po?" nagtatakang tanong ko sa kanya pero tumaas lang ang isang sulok ng labi niya na para bang may naiisip siyang nakakatawa.


Hindi na niya ako sinagot. Hanggang sa huminto ang sasakyan dahil sa traffic. Muli ko siyang tiningnan, ang kanyang kaliwang kamay ay nakatukod nanaman sa may bintana habang pinaglalaruan ang kanyang pangibabang labi. Ang kanang kamay niya lang ang nakahawak sa manibela.


"Senyorito, bakit niyo po ako hinalikan?" tanong ko. Para malinaw, kita ko to sa facebook eh. Usapang label.


"Argh. Can you stop thinking about it?" daing niya. Kita ko ang frustration sa mukha niya. Imbes na matakot ay napangisi lamang ako. Ang cute ni Senyorito baby pag naiinis. Ang sarap! Halikan ulit with dila. Hehe.


"Feeling ko po hindi ko makakalimutan. Baka po hindi ako makatulog mamayang gabi" pagamin ko. Totoo naman, nagsasabi lang ako ng totoo.


Napadila siya sa kanyang pangibabang labi. Bumaba din ang tingin ko duon. Nahuli niya ako ng sumulyap siya sa akin, sinimangutan niya ako. "Stop it, Tathriana. I won't go any further" madiing sabi niya sa akin kaya naman tumango lamang ako sa kanya kahit ang totoo ay hindi ko naman alam kung ano ang ibig niyang sabihin.


"Ok po" wala sa sariling sabi ko. Sa labi pa din niya ako nakatingin.


"Stop staring" masungit na utos niya kaya naman kaagad akong nagiwas ng tingin sa kanya. Hanggang sa manlaki ang aking mga mata ng makita kong ayos na ang perya. Padilim na kaya naman mas lumiwanag na iyon ay parami na din ang mga tao.


The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now