Don't cry for me
Matapang kong sinalubong ang matalim na tingin ni Ma'm Maria sa akin. Gusto ko mang magiwas ng tingin dahil sa takot ay hindi ko na magawa. Ramdam ko din ang panginginig ng aking mga kamay. Ilang beses na akong nainsulto ng mga tao, sa salita man o sa tingin.
Pero iba ngayon. Mommy siya ni Cairo. Ang isiping hindi ako gusto ng Mommy niya ay malaking bagay.
"Tita..." tawag ni Eroz sa kanya ng mapansin niya ang aking takot. Naramdaman ko pa ang kamay niyang humawak sa akin.
Nakita ko kung paano sumunod ang mata ni Ma'm Maria duon sa pagkakahawak sa akin ni Eroz. Sandali siyang nagtaas ng kilay bago nagiwas ng tingin.
"We need to talk, Eroz" matigas na sabi niya dito.
"Sige po, Tita" hahakbang na sana ito palapit sa tiyahin ng muli niyang kaming sinamaan ng tingin.
"Si Miss Torres" pinal na sabi niya sa amin bago pa niya kami tinalikuran at dumiretso sa office ni Eroz.
Bayolente akong napalunok at napayuko. Uminit ang magkabilang gilid ng aking mga mata. Takot ako sa kanya, pero mas takot ako sa pwede niyang ipagawa sa akin.
"Sasamahan kita" si Eroz.
Napasinghap ako, natawa ng may tumulong luha sa aking mga mata. Bago ko pa man mapunasan iyon ay nauna na siya. Napatitig ako kay Eroz dahil sa kanyang ginawa.
Nakikita ko si Cairo sa kanya, malaki ang pagkakahawig nilang dalawa. Sa itsura, sa kilos, sa tindig. Kung tunay ngang nakalimot ako, baka totoong magustuhan ko si Eroz. Pero hindi, hindi ako pinagbigyan ng pagmamahal ko kay Cairo. Hindi niya ako pinagbigyan na makalimutan ito.
Tahimik akong pumasok sa office ni Eroz. Duon ay naabutan kong nakaupo na si Ma'm Maria sa sofa, inaasikaso na din siya ni Alice at naglapag ng isang basong tubig sa kanyang harapan.
"Thank you" tipid na ngiting sabi niya dito bago nagpaalam si Alice at lumabas. Mas lalo akong kinabahan ng maiwan na kaming dalawa.
"Take a sit" seryosong sabi niya sa akin at itinuro ang sofa sa kanyang harapan.
Nataranta ako, dahil duon ay halos tumama na ang tuhod ko sa center table. Nagulat pa siya ng mapadaing ako at bahagyang gumalaw ang lamesa dahil sa pagtama ng aking tuhod. Napakagat ako sa aking pangibabang labi dahil sa sakit nuon, napahawak na lang ako sa aking tuhod.
"Ikaw si Tathi?" tanong niya sa akin bago siya sumimsim ng tubig.
Marahan akong tumango. "Tathriana...Torres po" pagpapakilala ko, nahirapan akong sabihin ang aking apleyido pero hindi ko kayang itakwil si Papa. Mahal ko siya.
Sandaling natahimik ito bago ko narinig ang pagbuntong hininga niya. "My son...Cairo" paguumpisa niya.
Tumigil siya sandali at tumikhim, dahil duon ay nagangat ako ng tingin sa kanya. Para bang iyon ang gusto niyang mangyari, ang tumingin ako sa kanya habang nagsasalita siya.
"Sa kanilang magkakapatid, siya lang ang sumunod sa yapak ng Daddy niya. Bata pa lang, he wants to make his Daddy proud. He never failed in that, Until..." muli siyang napatigil at napatitig sa akin.
Nanlabo ang aking mga mata. Si Ma'm Maria pa lang yung nakakagawa nito sa akin. Na sa mga tingin pa niya, parang sinampal na ako ng katotohanan. Na ang pangarapin si Cairo ay parang umaabot ng bituin sa langit. You will enjoy it, you will see it. But you can never have it.

YOU ARE READING
The Ruthless CEO (Savage Beast #4)
RomanceWhat he wants. He gets... By hook or by Crook