Chapter 42

113K 4.3K 1.5K
                                    

Black







Halo halong emosyon ang nararamdaman ko habang marahang tinatahak ang hallway ng hospital. Ang aking mga mata ay hindi nagpakawala ng kahit isang patak ng luha matapos nitong bumuhos kanina habang nasa byahe kami patungo dito.


Halos humingi ako ng tulong sa mga pader para lamang may nakapitan ako. Inis ang nararamdaman ko dahil sa bigat ng aking mga paa. Para bang iyon na ang pinakamatagal na lakad na nagawa ko sa akong talambuhay.


"Nagpagupit na ako..." paulit ulit kong bulong sa hangin. Tila ba umaasa na makakarating iyon kay Papa. Kailangan niyang malaman na ako na kamukha ko na ulit si Snow white kaya dapat ay pagpasok ko sa kanyang kwarto, isang matamis na ngiti ang isasalubong niya sa akin. Dapat!


Mula sa aking kinatatayuan ay natanaw ko na ang kaguluhan sa labas ng kwarto nito. Ilang nurse ang patakbong naglabas masok sa kanyang kwarto. Ang dalawang pulis na palaging naka alerto sa gilid ng pintuan ay nasa malayong upuan na ngayon. Parehong nakayuko ay napailing na lamang.


"Theodoro, ang asawa ko!" iyak ni Mama na sinundan ng hagulgol.


Iyon ang bumuhay sa malamya kong mga paa. Isang sigaw ni Mama ay halos madapa na ako sa pagtakbo palapit sa kanya. Yakap yakap siya ng naiiyak ni si Kuya Jasper, maging siya ay hindi ako matingnan. Nakayakap lamang siya kay Mama para sa suporta.


Wala akong lakas na sumilip sa kwarto. Si Papa, natutulog. Mahimbing ang tulog.


"Si Papa. Tulog lang di ba? Ipapakita ko sana ang bago kon gupit na buhok" sabi ko sa kanilang dalawa. Hindi ko matanggap, hindi ko kayang tanggapin.



Halos malukot ang mukha ni Kuya Jasper, napasinghap pa siya bago niya ako tinawag at sinubukanh abutin para sa isang yakap.



"Tathi. Wala na..." malungkot na sabi niya sa akin.


Unang bumara ang aking ilong bago nanlabo ang aking mga paningin dahil sa pamumuo ng mga luha. Marahas akong umiling. Dahil sa sinabi ni Kuya Jasper, gusto ko siyang saktan. Ito ang unang pagkakataon na gusto ko siyang saktan.



Hindi ito totoo! Isa nanaman ito sa mga biro at pangaasar niya sa akin. Hindi magandang biro ito! Sinabi niya lang yan dahil kamukha ko na ngayon si Snow white! Bakit hindi na lang niya sabihing kamukha ko ang malnourish na si Snow white. Bakit kailangan pa niya ako biruing wala na ang Papa ko.


"Ang asawa ko! Diyos ko! Theodoro, bakit?" muling iyak at hagulgol ni Mama.


Tuloy tuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Dahan dahan ang nagawa kong lakad palapit sa kinahihigaan ni Papa. Natigilan ang nurse na lagyan ng puting kumot ang mukha nito ng makita ang aking paglapit.


Sinamaan ko siya ng tingin pero nanatili ang lungkot sa kanyang mukha. "Bakit mo lalagyan ng kumot ang mukha ng Papa ko? Hindi siya makakahinga!" akusa ko sa kanya na may kasamang piyok.


Mas lalo siyang napayuko. Hindi inalintana ang galit ko sa kanya. Tinakbo ko ang kaunting distansya papunta kay Papa at mabilis siyang niyakap.


"Papa, gising please. Gumising ka please" pakiusap ko sa kanya.



Mula sa pagkakayakapnay sinubukan kong dinama ang kanyang paghinga ngunit wala na akong maramdaman pa. "Papa, humingi ka naman. Wag mo naman akong takutin, please po" umiiyak na pakiusap ko sa kanya.


Halos yugyugin ko siya. Kawalang respeto dahil Papa ko siya pero gagawin ko. Kung kailangan ko siyang sampalin para magalit siya sa akin at gumising tatanggapin ko ang galit niya.


The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora