Chapter 61

151K 5.1K 1.9K
                                    

Passed out



Nanatili ang titig ko kay Ma'm Maria Herrer. Ramdam ko ang pagsusumamo sa paraan ng pagtingin niya kay Cairo. Bigla akong nakaramdam ng kung ano. Para bang inaagaw ko nanaman ang anak niya sa kanya. Pakiramdam ko, kontrabida ako sa pamilya nila. Na dahil sa akin kaya nasira ang magandang imahe ni Cairo sa kanilang pamilya.

"Please anak, don't leave us now" pakiusap pa ulit nito sa anak.

Narinig ko ang pagtikhim ni Cairo. Alam ko, nahihirapan din siya lalo na at ang Mommy na niya ngayon ang nagmamakaawa sa kanyang harapan. Kahit ako ay manghihina din kung si Mama ang gumawa sa akin niya. Alam kong mahal niya ang Mommy niya.

"Ma'm Maria..." marahang tawag ko sa kanya.

Nanuyo pa ang lalamunan ko ng pareho silang bumaling sa akin. Ramdam ko ang titig ni Cairo sa akin na para bang handa na siyang magprotesta sa oras na may sabihin akong hindi niya magugustuhan.

"Wag po kayong magalala...hindi aalis si Cairo" seryosong sabi ko sa kanya. Nakita ko kung paano nalaglag ang panga niya dahil sa narinig.

"Tathriana" madiing tawag ni Cairo sa akin. Alam kong gusto niyang manahimik ako, pero kahit hindi ako parte ng pamilya nila ay kasali pa din ako sa issue. They need to hear my side.

Hindi ko siya pinansin. Bagkus, hindi ko inalis ang tingin ko sa Mommy niya.

"Hindi po aalis si Cairo sa pwesto niya bilang CEO. Pero gusto ko lang din po sanang malaman niyo na hindi ko siya hihiwalayan" dirediretso at matapang na sabi ko pa sa kanya.

Naghari ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Hanggang sa mabilis na naitukom ni Ma'm Maria ang kanyang bibig.

"Hindi ko kayo paghihiwalayin" paninigurado niya sa amin.

Marahan akong tumango, nilingon ko si Cairo. Napanguso ako ng makita kong matalim pa din ang tingin niya sa akin. Bakit kaya galit nanaman ito sa akin? Ayan na nga at hindi ako makikipaghiwalay eh.

"Cairo" tawag nito sa anak.

Hindi niya nilingon ang Mommy niya kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata. Akala ko ba, sabi ni Ma'm Maria si Cairo ang pinakamasunurin? Eh ang sungit kaya nito at ang tigas ng ulo.

"I resign, Ma. Abuela needs to learn a lesson" seryosong sabi niya sa Ina bago niya ako muling hinila.

Nagulat ako dahil sa ginawa niya. Sinubukan ko pa ding lingonin ang Mommy niya pero nakatingin lamang ito sa amin. Hindi man lang siya nagpaalam ng maayos. Walk out kaagad?

Hindi niya ako pinansin kahit pa kaming dalawa lang ang tao sa elevator. Alam ko na kaagad kung saan ang punta namin, sa kanyang opisina. Nagulat pa ang secretary niya na masungit pagkabukas ng elevator.

Kita ko ang pagkataranta niya, naabutan namin siyang may kausap sa telepono at mabilis na ibinaba ng makita kami. Yumuko siya para magbigay galang kay Cairo. Nanlaki naman ang mata niya ng mapatingin siya sa akin, mukhang naalala niya ako.

Kung normal na araw lang ito ay didilaan ko sana siya. Inaway niya kaya ako! Mabuti na lang at seryoso kami ngayon. Next time na lang.

Nalaglag ang panga ko pagkapasok namin sa kanyang office. Malaki iyon, glasswall ang dibding kaya naman nakita ko kaagad ang mga katabing building. Nanatili akong nakatayo sa gitna, dumiretso naman si Cairo sa kanyang swivel chair. Padabog na umupo at kaagad na niluwagan ang suot na neck tie.

"Iiwan mo ang lahat ng ito, para sa akin?" tanong ko sa kanya at paalala na din. Baka kasi magbago pa ang isip niya.

Halos mangatog ang tuhod ko dahil sa titig niya sa akin. Para tuloy akong napagalitang empleyado dahil sa ayos namin ngayon.

The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now