Chapter 21

145K 5.1K 1.6K
                                    

Promise













Gumaan ang pakiramdam ko matapos ang pagtawag ni Senyorito baby sa akin. Sabagay, wala naman sa itsura niya ang matatakot sa mga banta ni Aaron. Wala din naman siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Ang sa akin lang ay ayokong masira ang pangalan niya. Pakiramdam ko talaga, ako ang may kasalanan nito. Masyado kasi akong mapusok at madaldal. Masyadong agresibo. Nakalimutan kong magdahan dahan, masyado akong kinain ng kapusukan ng bata kong puso.

Bumaba ako para sa hapunan ng tawagin ako ni Mama. Naabutan kong nakaupo na si Kuya Jasper at naghihintay na lang din ng pagupo ko at ni Mama. Napanguso ako ng maalala kong wala nga pala si Papa ngayon. Nasa malolos sila para sa isang trabaho.

"Next week na ang enrolment, hindi ba?" tanong ni Mama sa akin habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.

Tumango ako bago sumubo. Napabaling ako kay Kuya Jasper ng marinig ko ang kanyang pagrereklamo. "Ang bilis naman ng bakasyon. Hindi ko man lang naramdaman" sabi pa niya kaya naman bumigat din ang dibdib ko.

Hindi dahil sa magpapasukan na, kundi dahil sa oras na magsimula na ang klase isa lang ang ibig sabihin nuon. Aalis na si Senyorito baby, babalik na siya ng manila at lilipad patungo sa spain para mag aral ng masteral.

Ang iksi nga ng summer. Sana summer na lang palagi. Sana hindi na matapos ito. Nakakalungkot isiping aalis na si Senyorito baby.

"Sabihan mo kaagad ako kung kailan kayo mageenrol ni Charlie para maihanda ko na ang perang pang enrol mo" sabi ni Mama na kaagad kong tinanguan.

May entrance exam sa BSU para sa kinuha naming course ni Charlie. College of Social sciences and philosophy. Maganda din daw iyon bilang isang pre law course, hindi pa ako sigurado kung maitutuloy ko ito sa pagaabogado, pero susubukan ko pa din, baka kung sakaling may dumating na opurtunidad ay hindi na ako mahihirapan.

"Sa isang araw din po ang labas ng result ng mga qualifiers" paalala ko kay Mama. Tipid lamang siyang tumango sa akin. Alam kong hindi pa din siya kumbinsido na magabogado ako, masyado nga namang magastos iyon. Imbes na makapagtrabaho na ako after college ay magaaral pa ulit ako. Matagal na proseso ito.

Hindi ko maitatangging medyo kabado pa din ako habang naglalakad patungo sa mansyon. Ang ganda pa ng lakad ko habang binabaybay ang daan sa gilid ng isang malawak na taniman. Nagulat ako ng  may marinig ako mga yapak sa aking likuran, si Senyorito baby iyon. Mukhang kagagaling nanaman sa pag jojogging.

Napanguso ako ako ng makita ko ang mabigat niyang tingin sa akin. Kaagad niyang hinuli ang aking paningin kaya naman mabilis akong nagiwas ng tingin sa kanya. Bukod kasi sa nahihiya ako ay ang gwapo nanaman niya, baka mamaya ay wala sa sarili nanaman akong mapanganga sa harapan niya at kung ano ano nanaman ang masabi ko. Mahirap na.

"Morning" bati niya sa akin, medyo hinihingal pa.

Medyo nabigla pa ako dahil sa una niyang pagbati sa akin. "Good morning po, Senyorito" balik na bati ko sa kanya at tsaka ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa mansyon.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Naghuhurumentado pa din and puso ko dahil sa kanyang presencya. Ang lakas pa naman ng loob ko kahapon na sabihin sa kanyang miss ko siya sa cellphone. Tapos ngayong nandito na siya sa harapan ko ay pilit naman akong nagiiwas ng tingin.

"Paalis pa lang sila ngayon. Do you want to go somewhere else? Magpapalipas muna tayo ng oras" seryosong sabi niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon. Nanatiling nakaawang ang bibig ko, akala ko pa naman wala na sila duon pagdating ko.

The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now