Chapter 58

196K 5.7K 4.4K
                                        

Papag






Emosyonal ako ng gabing iyon. Kahit sinabi sa akin ni Eroz na hindi niya ako sinisisi. Na alam niya sa sarili niyang siya ang may kasalanan. Alam ko, na may kasalanan din ako.

Pakiramdam ko, responsiblidad ko pa din ang nararamdaman niya. Pero wala na akong magagawa. Mahal ko si Cairo, lumipas man ang panaho. Nagkahiwalay man kami ng matagal ay siya pa din.

"Mahilig ka sa ribbon" nakangiting puna ko kay Gertrude ng nasa iisang kwarto kami kasama ang ilan sa mga malalapit na kaibigang babae ni Xalaine.

Ngumiti siya sa akin at tumango. Bagay naman iyon sa kanya, mas lalo siyang nagiging mukhang manika.

"Ang cute noh? Pag may suot akong ribbon feeling ko ako si Princess Sarah" natatawang kwento niya sa akin.

Napatawa din ako. Mukhang mas isip bata pa ito kesa sa akin. Kahit walang ribbon ay mukha naman talaga siyang prinsesa. Nagiisang anak siya ni Sir Keizer Montero at mukhang siya ang magmamana ng lahat ng ito.

"Mabait ang Kuya Rafael ko, sabay kaming lumaki kasama pa yung isa naming pinsan na si Ate Vera" pagsisimula niya ng kwento.

Marami akong nalaman kay Gertrude. Maging ang hair stylist at make up artist ay dinadaldal niya.

Ngayong araw ang kasal nina Xalaine at Rafael na gaganapin sa Immaculate Concepcion parish church. Ito ang pinakamalaking simbahan sa Sta. Maria. Kulay baby blue at white ang motif. Ayos na din ang malaking garden ng mansyon kung saan gaganapin ang reception.

Marami na din ang bisita sa labas na mga kamag anak nila na kung saan pang lugar nanggaling, may ilang galing pa sa abroad.

"Gertie, dumating na ang Daddy mo" anunsyo ng isang matandang babae sa kanya.

Kita ko ang paglaki ng kanyang mata at excitement dahil dito. Sandali siyang nagpaalam sa akin at sa nagaayos sa kanya. Tumakbo siya palabas ng kwarto kaya nama naiwan ako duon habang may nagmamake up sa akin.

Sa sunod kong pagdilat matapos akong lagyan ng eyeshadow ay ang nakangiting si Eroz ang bumungad sa akin. Gustuhin ko mang suklian ang kanyang ngiti ay hindi ko magawa, kita ko kaso duon ang lungkot.

"Tapos na po kayo, Ma'm" sabi sa akin ng make up artist kaya naman nagpasalamat na ako sa kanya.

Imbes na tumayo ay nanatili akong nakaupo sa harap ng malaking vanity mirror. Sinunda ko ng tingin si Eroz ng umupo siya sa upuan ni Gertie kanina.

"Ang ganda mo" marahang sabi niya.

Napanguso ako. Bumaba ang tingin ko sa kanyang suot na tuxedo. Siya ang bestman ni Rafael.

"Ikaw din. Bagay na bagay sayo ang suot mo" puri ko sa kanya at nagtaas pa ng kamay para ayusin ang pagkakaribbon sa kanyang leeg.

Napasinghap siya, nakita ko ang bayolenteng pagtaas baba ng kanyang adams apple.

"Maaga akong aalis bukas pabalik ng Manila, marami akong kailangang asikasuhin. Susulitin ko ang araw na ito..." sabi niya sa akin.

Ramdam ko ang pamumula ng aking ilong. Ano mang oras ay maiiyak na ako. Ayoko ng ganito, kung pwede lang sanang ikeep si Eroz bilang kaibigan ko. Pero alam kong hindi iyon magiging madali sa part niya. At nirerespeto ko iyon.

"Wag kang umiyak. Masisira ang make up mo. Papanget ka" pangaasar niya sa akin habang marahang hinahaplos ang aking pisngi.

Napanguso ako. "Akala ko ba maganda ako?"

The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now