Chapter 48

153K 4.4K 1.3K
                                        

Ice cream






Matapos ang klase ko ng sumunod na araw ay maaga akong pumasok sa rice mill. Unang araw din ni Alice kaya naman I expect the worst. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa babaeng iyon.


"Magandang hapon, Tathi. Ang aga natin ngayon ah" si Manong guard.


"Eh kasi po may kailangang bantayan" diretsahang sabi ko na ikinakunot ng noo niya. Napangisi ako, imbes na magpaliwanag ay hinayaan ko na lang si Manong na magisip.


Napanguso ako ng walang Eroz o Junie na sumalubong sa akin. Alam ko na kaagad kaya naman binilisan ko na lamang ang lakad. Halos tumago ang tingin ko sa pader ng warehouse makita ko lang kung anong meron sa loob.


"Siguradong masarap ito!" si Junie na halatang nanguuto nanaman. Itong si Junie na to! Akala ko ba kakampi kita?


Mas lalo kong narinig ang tawanan ng ibang trabahador kasunod ang malambing na tawa ng isang babae. Pagkapasok ko sa warehouse kung saan sila kadalasan nakatambay para kumain ay nakita ko si Alice. Ngiting ngiti sa lahat na para bang kumakandidato siya.


Kumakandidato ba to para sa position ng girlfriend ni Eroz? Aba't! Kakandidato din ako kung ganuon!


Si Alice ang nakapansin sa akin kaya naman hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng lapitan niya ako. Nakangiti siya sa akin kaya naman tipid din akong ngumiti sa kanya.


"May dala akong palitaw, ako ang gumawa nito" pagbibida niya sa akin.


Ginawa niya iyon bilang panghimagas para sa lahat. Dito kasi sa amin ay ginagawang panghimas ang kakanin.


Matapos niya akong bigyan nuon sa isang platito ay nagpaalam na ako na pupunta na muna sa office. Duon na lang ako magpapalipas ng oras.


Napalingon ako sa office ni Eroz bago ako umakyat sa hagdan. Nakita kong pareho silang busy ni Cairo sa harapan ng kanilang laptop. Napanguso ako, ok na yan. Kesa kumain siya ng palitaw.


Subukan nilang kumain ng palitaw ni Alice at pareho ko silang palulubuging magpinsan!


"Magandang hapon po" bati ko sa mga taga office. Binati nila ako pabalik at tsaka ako dumiretso sa aking lamesa.


Nagaayos ako ng gamit ng mapansin ko ang bagong lamesa, mas malapit iyon sa pintuan. Ang organize din ng mga gamit.


Sinubukan kong lingonin ang mga taga office para magtanong tunkol sa bagong lamesa ngunit hindi ko na nagawa ng makita kong abala sila sa ginagawa. Hindi pa tapos ang lunch break pero naguumpisa na sila.


Nagprint ako ng checklist matapos kong itype ang info na para sa delivery ngayon. Maaga din akong bababa para sa kampanya. Hindi pwedeng magpatalo sa kalaban.


Napahikab ako kasabay ng pagbukas ng pintuan. Ang ngiting ngiting si Alice na akala mo ay dineklara na bilang presidente ang pumasok at dumiretso duon sa bagong lamesa.


"Ubos?" nakangising tanong ni Ate Iya sa kanya. Matagumpay siyang tumango.


Iyon ang pinagusapan nila hanggang sa nagpaalam na si Alice. "Bababa lang ako" paalam niya sa lahat.


"Bakit kasi dito ang table mo? Secretary ka ni Sir dapat ay sa office niya ang table mo" si Ate Iya na. Napanguso ako dahil duon, tinalikuran na ata ako ng mga kakampi ko ah! Dahil sa palitaw!?


The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now