Chapter 36

132K 4.9K 2.4K
                                    

Delivery








Halos manikip ang dibdib ko habang pinipilit na pigilan ang bawat paghikbi. Ngunit hindi ako nagtagumpay, kusa iyong lumabas at ayaw ng magpaawat.


"Sabi mo...labas tayo dito" umiiyak na sabi ko.


Rinig ko ang mga mabibigat niyang pagbuntong hininga mula sa kabilang linya. Napakagat labi ako ng maalala ko kung ano yung mga sinabi ko kanina, nakaramdam ako ng pagsisisi hindi ko naman gustong sabihin iyon pero masyado akong nadala ng galit ko.


"Labas tayo dito..." paninigurado niya sa akin.


"Pero iniwan mo ako! Hinintay kita!" akusa ko sa kanya. Halos sigawan ko ang cellphone ng maalala ko kung paano ako naghintay sa kanya ng gabing iyon. Malakas ang ulan, malamig ang ihip ng hangin ngunit desidido akong hintayin siya kahit ang totoo ay nawalan na ako ng pagasa.


"I'm sorry...baby. I'm so sorry" malambing at paulit ulit niyang sinabi.



Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone. Gusto ko ulit siyang sumbatan. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang siya tumawag sa akin?


"Hinintay kita" madiing sabi ko.


"I know" malungkot na sabi niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao.


Hindi pa ako nakakapagsalita ay nauna na siya. "Nagpunta ako, at may kayakap kang iba..." laban niya sa akin kaya naman napaawang ang labi ko.


Halos manlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang tagpong iyon namin ni Cayden. Sa kung paano niya ako dinamayan nuon at nagawa pang pasakayin sa sasakyan niya kahit basang basa ako ng ulan.


Napakagat ako sa aking pangibabang labi. "Kaibigan ko lang si Cayden..." mahinang sabi ko.


Gusto kong sampalin ang sarili ko. Gusto kong ipapalalang galit ako sa kanya, pero heto ako ngayon at nagpapaliwanag na para bang natatakot pa ako sa kanya. Hindi pwedeng dahil lamang sa narinig ko ang boses niya ay titiklop na ako. Hindi pwedeng maging mahina, Tathriana!


Napabuntong hininga siya. "Uh huh. I know"


Hindi na ako nakapagsalita pa. Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, kapwa pinapakinggan ang aming mga paghinga.


"I miss you..." malambing na basag niya sa katahimikan.



Hindi ako nakasagot, unti unti kong naramdaman ang panlalambot ng aking mga tuhod. Wala sa sarili akong napahawak sa may pader para sumuporta.


"Baby, I miss you so much" paguulit niya, mas malambing at mas damang dama ko.


Mariin akong napapikit. Kung kanina ay ang kamay ko lang ang nakahawak sa pader, ngayon ay isinandal ko na ang aking buong katawan. Wala na, sobra na akong nanghihina. Alam niya kung ano ang epekto nuon sa akin. Alam na alam niyang tinatraydor ako ng sarili ko sa tuwing tinatawag niya akong baby.


Dahan dahan kong pinakawalan ang pagkakakagat sa aking pangibabang labi.


"I miss you too...pero galit pa din ako!" laban ko.


I heard his slight chuckle, may mahinanh mura pa ngang kasama. "Gagawin ko ang lahat para...bati na tayo ulit"


Napanguso ako, kahit hindi ko kita ay ramdam ko ang pagngiti niya habang sinasabi niya iyon na para bang dalawang bata lang kaming nagaaway.


The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now