Chapter 12

181K 5.8K 1.8K
                                        

Muse






Ilang oras simula ng umalis si Senyorito baby ay sinubukan kong basahin ang librong ibinigay niya sa akin. Ilang beses kong sinubukang intindihin iyon pero wala namang pumapasok sa utak ko dahil lumilipad sa kung saan ang isip ko. Pakiramdam ko sumama iyon kay Senyorito baby patungo sa manila. Ang galing naman, buti pa yung isip ko nakarating na ng manila.

"Tathi, kakain na" sigaw na tawag sa akin ni Manang bobby ng magtanghalian na. Ramdam na ramdam ko ang pagkawala ni Senyorito baby. Ilang oras pa lang akong nandito sa mansyon na wala siya ay sobra na ang nararamdaman kong lungkot. Paano na kaya pagnatapos na ang trabaho niya dito at babalik na siya sa kanila sa manila? Panigurado maiiyak ako.

Tahimik ako habang kumakain kami ng tanghalian. Panay naman ang kwentuhan nila manang bobby at ang mga kasambahay. Panay lang ako kain kahit parang wala naman talaga akong gana. Wala sa sarili akong lumingon sa nay dinning, mas lalo lamang akong nalungkot ng ipamukha sa akin na wala duon si Senyorito baby.

"Ayy!" magkakasabay na hiyaw nila Manang bobby ng biglang kumidlat ng malakas, sinundan pa iyon ng pagkulog.

"Mukhang malakas ang ulan na iyan ah" sita ng isa. Napanguso ako, minsan talagang mas mararamdaman mo ang lungkot pagumuulan, yung tunog ng patak nuon sa lupa, yung amoy, yung lamig at yung dilim.

Napatingala ako ng maramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Manang bobby. "Ang tamlay mo ah" puna niya sa akin.

Hindi ako nakasagot kaagad. "Hindi ka pa din nakakamove on dahil hindi ikaw anv naging valedictorian?" natatawang sabi niya sa akin.

Marahan akong umiling. "Kasi po uulan eh" malungkot na sagot ko sa kanya. Tinawanan lang nila ako, totoo namang nalulungkot ako dahil sa ulan eh.

"Bakit? Dadami ka ba pagnabasa ka?" natatawang tanong niya sa akin. Hindi na ako sumagot pa. Ang bigat ng dibdib ko dahil sa lungkot.

"Naku, kung bubuhos ng malakas ang ulan. Dapat hindi na muna bumalik sina senyorito dito, delikado sa nlex" sabi ng isa sa mga kasambahay. Kaagad akong nagtaas ng tingin sa kanya. Gusto kong magprotesta sa kanyang sinabi. Ang epal naman ni Ate.

Nakita ko ang pagtango tango ni Manang bobby, pabor sa sinabi ng kasama. "Mas mabuti na iyon. Siguro ay maghohotel sila ni Engr. O kaya naman ay duon papatuluyin sa mansyon nila" kinikilig pang sabi nito. Maging ang ibang kasambahay ay kinilig din. Nahirapan tuloy akong nguyain yung pagkain sa bibig ko. Ni hindi ko na nga ata iyon malulunok.

"Pero sabi po ni Senyorito, uuwi daw sila ngayon" laban ko sa kanila. Sobrang bigat ng dibdib ko, gusto kong makahanap ng karamay.

"Depende sa ulan. Pero mas safe kung ipagpabukas na lang nila ang uwi" sabi pa ni Manang bobby sa akin kaya naman hindi na ako nakaimik pa. Bumagsak ang tingin ko sa aking pagkain. Napakagat ako sa aking pangibababg labi, para akong maiiyak. Sobrang lungkot.

Matapos kumain ay bumalik ako sa may garden. Tatapusin ko na muna ang kailangan kong gawin para mamaya ay maghihintay na lang ako sa paguwi ni Senyorito baby. Naniniwala ako sa pangako niya sa aking uuwi siya ngayong araw.

Ilang minuto lang ang itinagal ko sa garden. Mabilis akong tumakbo papasok sa mansyon ng bumuhos na ang malakas ba ulan na kanina pa nagpaparamdam sa amin. Napanguso ako.

"Tama na. Tama na...please" malungkot na pakiusap ko sa ulan. Nanatili akong nakatingala habang mataimtim na nagdadasal na tumigil na siya.

"Tathi, pumasok ka dito't kagagaling mo lang sa sakit" suway ni Manang bobby sa akin.

The Ruthless CEO (Savage Beast #4)Where stories live. Discover now