SIMULA

6.1K 67 6
                                    

Napabuntong hininga ako ng tumapak ang mga paa ko sa harap ng napakalaking gate.

Hawak ang maleta na naglalaman ng mga gamit ko sa kaliwang kamay habang nakatingin sa malaking gate sa harapan.

Ang prehistiyosong paaralanㅡang Western Academy.

Western Academy is known as the school where all of the heir and heiress of the well-known and most influential family study. Maganda ang reputasyon ng paaralan, 100% ng mga nakakapag-aral dito ay may magagandang buhay. Kayang-kaya mong makakuha ng napaka-gandang trabaho dahil lang sa pangalan ng paaralan na pinasukan mo.

Western Academy is the dream school of many.

Secured ang buong school, halos malayo sa kabihasnan at ibang lugar. Nasa gitna ng kagubatan ang malaking paaralan, siguro para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante. Only the students who passed and being accepted to study here are the people who know about this place. Masyadong mahigpit ang seguridad kaya pili lang ang nakakaalam ng lugar.

Kahit ikaw pa ang pinaka-mayaman sa lahatㅡkung hindi ka binigyan ng kaparatan na malaman ang kinalalagyan ng lugar...hindi ka magkakaroon ng kahit na anong access para makapasok.

The security here are hightech, based on my research.

You can only find this Academy on a hidden website. Hindi makikita basta-basta sa Google. Tanging mga piling pamilya at estudyante lamang ang nakakaalam ng tungkol sa paaralan.

"Lady Rain, this way please." napatingin ako sa butler na nagturo sa akin ng daan.

Every students here will have their own butler. It's a must.

Siya ang nagdala ng maleta ko at hinayaan akong maglakad habang tinuturo niya ang tamang daanan.

I can see the students everywhere, looking at my directionㅡcuriosity is written on their faces. But, none of them got my attention.

"What's your name?"

"Richard, Lady Rain."

Napatango ako sa sagot niya. "What's your last name?"

"Perez." bakas pa din ang paggalang sa sagot niya.

Napakunot ang noo ko. Perez are known in the business, they don't have that big name but I know that they also have an influence in the society. Hindi siguro kasing yaman ng ibang mga estudyante pero hindi din biro ang kinikita nila sa mga negosyo nila.

Nabasa ata niya ang katanungan sa utak ko dahil nagsalita na siya.

"In this school, the average people here are the one who need to participate in this kind of program where I need to take care about the given masters to meㅡthat's you." pagpapaliwanag niya. "Maybe my family are earning a big amount of money in our businessess. But not enough to make me one of the royalties here. As you can see here in the Academy, rank is an important matter. Students will respect you according to your rank, Lady Rain."

Lalong kumunot ang noo ko dahil don. Perez are also known as one of the powerful family in this country. I just can't understand, hindi pa ba sapat ang pagkakakilanlan sakanila para maging butler si Richard?

"Bakit?" tanong ko at sumabay na sa paglalakad niya.

Nakita ko na naguguluhan siyang napatingin sa akin. Parang hindi maintindihan kung ano ang tinatanong ko.

"Bakit naging butler ka dito?" tanong ko. "Ah, don't get me wrong. There's nothing wrong about it but I'm curious. Your family is not a joke."

Nakita ko na ngumiti siya bago magsalita.

"Hindi naman talaga ako kasama sa program. Let's just say that I choose this path because I want to know the struggle of others. As you can see maybe my family is not a joke but I know that there are lot more students here who have a higher profile than mine. And I want to know how it feels to give your loyalty to someone. It's not all about the job, for me it's all about the bond and the friendship that I will have with my master."

Nakita ko ang ibang estudyante na wala namang kasamang butler. Bukod kasi sa akin ay wala na akong nakikitang iba. Now I wonder if it's really a must to have a butler.

"Piling estudyante lang din ba ang nabibigyan ng butler?"

"Yes." maikling sagot nito. "Hindi lahat may butler, kapag nakita nilang may nakasunod sayoㅡbigatin kana agad sa mga mata nila. There will be an invisible sign that says that this person should be respected."

Hindi ko mapigilan mapailing sa mga pakulo ng Academy. I know that this Academy is famous specially to those who are famous as well to the society. But I didn't know that they have this kind of program.

"That's unfair."

Nakangiting tumingin siya sa akin. "The word fair is not existing in business. Here in Academy, they will train you to be unfair. Tuturuan ka na kumilos ng nararapat, walang awa at mautak. Mga katangian na dapat meron ang isang matagumpay na tao. They will do everything and anything that they can do just to make their students successful. Lady Rain, not everyone will mind about the lower class. Not everyone have the same mindset as you."

"I didn't say that I mind!" medyo defensive na sagot ko.

"But you ask as if you care about the lower class."

Hindi na ako nakasagot pa dahil binuksan niya na ang isang pinto.

"This will be your room, Lady Rain. The building where you'll be staying is called 'Royal Building'. Only the students who have the same profile as you are the only students who can stay in this building." pagpapaliwanag niya ng makapasok na kami sa kwarto.

Maganda ang kwarto, pakiramdam ko nga isang buong bahay ang binigay sa akin. Halatang pinagkagastusan at hindi tinipid. Lahat ng gamit na makikita ay mamahalin at hindi basta-basta.

"How about you, Richard. Where are you staying?"

"Third Building."

Pati ba naman mga gusali dito may numero din?

"You mean, we are living according to our ranks?" naguguluhang tanong ko.

"No, Lady Rain." sabi nito habang inaayos ang mga gamit ko. "Ang mga building dito ay naaayon sa pamilyang kinabibilangan mo. While the ranks? It's according to your capabilities, talents and intelligence as a student. Your money will do nothing in your rank."

Fair enough. Atleast kahit papaano may nakita na akong patas dito.

Tama nga naman, dapat lang na walang maitutulong ang pera sa magiging rank ng mga estudyante. Sa ganoong paraan mo din malalaman kung deserving ba sila, hindi yung nagka-rank dahil sa mapera lang. That's a no, no.

Gaya ng sinabi kanina ni Richard, dito tunuturo ang lahat. Sasanayin ka at ihahanda ka sa mga responsibilidad na meron sa labas ng nagtataasang pader na nakapaligid sa Academya.

"I'll be going, Lady Rain. Just call me when you feel like you need something." nakangiting sabi ni Richard.

Unlike others, I can feel the warmth of his smile. I can feel that he can be a good friend.

"Thanks for the help, Richard."

"It's my pleasure, Lady Rain."

Nang mapag-isa sa loob ng malawak na silid ay hindi ko mapigilan ang mapabuntong hininga.

The place is huge but I feel like I'm in a cage.

Kahit ano atang gawin ko, hindi ko na matatakasan ang kapalaran ko. Kahit gaano kadami pang hiling ang gawin ko. Kahit bumagsak lahat ng bituin sa langitㅡimposible na atang makalaya sa isang kulungang malawak. Kahit anong takbo at iwasㅡdoon at doon ka pa rin mapapadpad, iisang lugar.

Mapagod ka man kakalakad at kakatakbo, doon ka pa din mapapadpad. There's no way out.

Napagod ka lang pero hindi ka makakalayo.

What a suffocating life it is.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now