Unwanted 23

962 34 1
                                    

FOUR DAYS of foundation week ends smoothly. Masaya ang mga naging araw ko kahit papaano.

Sobra-sobrang excitement ang nararamdaman ko ngayong araw. This is the most awaited part of the foundation week, today is the concert!

"Anong kakantahin niyo?" tanong ko sa apat na lalaki na nakatambay ngayon sa dorm ko.

"Secret walang clue." sabi ni Richard.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumatawang tinakpan niya ang mga mata ko. "Ayokong nagagalit ka sakin pero hindi ko padin sasabihin." tumatawang sabi niya.

"Nice, 'di marupok." tumatawang sabi din ni Quenzo.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa dalawang 'to at naging makulit na din kagaya nila Jett at Gerald. Basta sa nagdaang mga araw ay sumobra ang kulit ng dalawa.

"Ano nga kasi?" nakasimangot na sabi ko at inalis ang kamay ni Richard sa mukha ko.

"Nah-ah" sabi niya na umiiling pa at ginagaya ang pagsimangot ng mukha ko.

Tumatawang pinalo ko siya. Kainis! Pa-cute amp. "Gaya-gaya!"

Tumawa lang siya at pinisil-pisil ang pisngi ko na parang pinipilit alisin ang simangot kong mukha. Asa siya!

"Ang cute talaga." natatawang sabi niya. "Pero hindi, hindi ko padin sasabihin sayo."

"We?" tanong ko sakaniya.

"Yes, baby. Hindi nga."

"Richard!" seryosong sabi ko sa pangalan niya pero tumawa lang siya.

"Richard..." nakangiting sabi ko.

"No, baby. No."

"Richard naman, eh!"

"No." umiiling padin na sabi niya. "Hindi padin."

"Bakit ayaw mo?"

"Para surprise."

Napasimangot ako pero tumawa lang ulit siya. Nakakainis! Ang gwapo niya kapag tumatawa pero nakakapikon 'to. Minsan nalang dumaldal, nang-aasar pa.

"Richard.."

"Ayaw mo talagang sumuko?" natatawang sabi niya.

Umiling ako kaya pinisil niya ang pisngi ko. Magkaharap kami ngayon at nakikita ko sa mga mata niya ang pagkaaliw sa akin. "Hindi padin, baby. Try harder."

"Richard kasi!"

"Divi kasi!" panggagaya niya sa akin.

Pabalik-balik ang tingin sa amin nila Quenzo, parang inaabangan kung anong sasabihin ni Richard.

"Richard." babalang sabi ko.

"....." hindi siya kumibo. Nakatitig lang siya sa akin habang nakangiti. Sinundot ko ang pisngi niya pero hindi siya nagsasalita.

"Ano ba!" inis na sabi ko.

"......" but still, no response.

Lalo akong napasimangot. Ano bang dapat..ahh!

Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng kakapalan ng mukha.

"Baby?" nagpapacute na sabi ko sakaniya at nilambingan ang boses.

Parang nagulat siya sa tinawag ko sakaniya kaya umawang ang mga labi niya.

Pinipigilang kong tumawa. "Baby..."

"Y-yes baby?" sagot niya, parang wala sa sarili.

"Anong kakantahin niyo?"

"Richard 'wag!" pagpipigil ni Jett.

The Unwanted ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon