Unwanted 04

1.4K 37 1
                                    

Pagkatapos tignan ni Richard yung mga kaklase naming tumitingin kanina sa akin ay wala na ni isa sakanila ang tumingin pa sa akin. Hindi ko din alam ang dahilan, mas lalong hindi ko alam kung anong meron sa tingin ng butler ko para maging gano'n ang reaksiyon nila.

Is he that powerful?

Magtatanong pa sana ako sakaniya kung paano niyang nagawa 'yon kayalang dumating na ang teacher namin for this class.

"Goodmorning Westernians!" masiglang sabi ng teacher namin.

Nilibot niya ang tingin sa kabuoan ng classroom at natigil sa akin. Ngumiti siya sa akin bago ulit magsalita.

"So may bago pala kayong kaklase ngayon." nakangiting sabi niya. "Introduce yourself, Lady."

Lahat ng mata ng mga kaklase ko ay nasa akin na ngayon. Tinignan ko pa ang katabi ko na tinanguan lang ako at nginitian.

Kinakabahan man ay pinilit kong maging matapang at naglakad papunta sa harap. This is my weakness, talking infront of many people. Feeling ko mauubusan ako ng hangin sa kaba.

Pumikit muna ako at huminga ng malalim bago idilat muli ang mga mata at magsalita.

Ngumiti ako sakanila. "Hello! My name is Divina Urraine Montero, Divi or Rain inshort. I hope we can all be friends, thankyou!" friendly na sabi ko sakanila bago yumuko.

Ang mga babae na kaninang nagtataray sa akin ay bigla nalang ngumiti at naging friendly. Ganoon din ang ginawa ng iba.

"Welcome ka dito!"

"Nice to meet you, Divi!"

"Sana din maging kaibigan ka namin!"

Lalo akong napangiti sa mga sinasabi nila. Hindi ko mapigilang matulala habang sinisigaw nila na welcome ako, na tanggap nila ako. Parang nawala ang tinik sa dibdib ko dahil sa pinapakita nila.

For the first time..I can feel that I'm home, I could feel the warmth of acceptance.

"Awww, ang sweet naman ng mga kaklase mo, Divi." nakangiting sabi sa akin ng teacher namin. "Ako nga pala si Ms. Vera Lim, ako ang magiging teacher mo sa History."

Napangiti ako sakaniya at yumuko bilang tanda ng paggalang.

Masaya akong bumalik sa upuan ko. Ang laki ng ngiti ko, kahit anong gawin ko ay napapangiti ako. Iba pala ang ganitong pakiramdam! Ang saya-saya ko!

Ang sarap sumigaw sa sobrang saya!

Kaya naman ng mag-lunch break na ay agad akong kumapit sa braso ni Richard at ngumisi sakaniya.

"Ang babait nila!" masayang sabi ko. "Ang saya-saya ko!" tumatalon-talon pa ako habang nakakapit sa braso niya.

Nakita ko na nakatingin lang siya sa akin.

"Halata ngang masaya ka." nakangiting sabi niya sa akin.

May sasabihin pa sana ako sakaniya kaso may lumapit sa aming tatlong lalaki.

"Richard!" masayang bati nila sa kasama ko at nag-bro fist at man hug sila.

"Hi Divi!" sabi ng tumawag kay Richard. "Ako si Gerald. Gerald Kim."

Parang nagningning ang mga mata ko ng marinig ko ang last name niya. Korean siya?! Korean!

"K-korean ka?" mangha na sabi ko. Linapit ko pa ang mukha ko sakaniya para mas lalo ko pang makita ang singkit niyang mga mata. "Korean ka nga!" tuwang-tuwa na sabi ko habang tumatalon-talon at hawak ang pisngi niya.

Natigil lang ako sa pagtalon ng makita ko na tumatawa na yung dalawa pa niyang kasama. Nahihiyang napatingin ako kay Gerald na namumula na ang mukha.

"Sorry! Sorry hindi ko sinasadya!" yumuko pa ako ng ilang beses sa sobrang kahihiyan na tinawanan niya lang din.

"Ayos lang." natatawang sabi niya. Namangha ako ng makita na halos mawala na ang mata niya sa pagtawa.

"N-nawawala ang mga mata mo!" manghang sabi ko habang nakaturo sa mga mata niya.

"Nakakatawa ka, Divi." sabi ng isa pang lalaki na kasama nila. Mukha siyang badboy dahil sa piercing niya sa kaliwang tenga. "I'm Jett. Jett Bryce Ladezma."

"Hello! Ako si Divi." nakangiting sabi ko.

"Ako naman si Quenzo. Quenzo De Juan." sabi ng huling lalaki.

Napangiti ako sakanilang tatlo. Feel ko tanggap na tanggap ako ng lahat ng nandito. Ang saya sa pakiramdam, feeling ko panaginip ang lahat. Sobrang saya kahit kakasimula palang ng araw. Hindi ko tuloy mapigilang ma-excite sa mga mangyayari this school year.

Magkakasama kaming lima habang papunta sa Cafeteria, marami ang napapatingin sa amin kaya hindi ko mapigilang mahiya.

Ang ingay-ingay ni Gerald habang inaasar si Jett. Magkaklase lang pala kaming lahat, hindi ko lang napansin masyado dahil hindi ko naman nilibot ang mga mata ko kanina noong nagpakilala ako. Dala na rin siguro ng sobrang kaba.

"Bakit sila nakatingin sa atin?" tanong ko sakanilang apat. Natahimik naman sila Gerald at Jett sa pag-aasaran. "Sikat ba kayo dito?" tanong ko na nagtataka.

Ngayon ko narealize na kahit butler ko si Richard ay hindi pa din siya basta-basta lang. Base sa tingin na ginawa niya kanina na nakapag-paiwas sa tingin ng ilan, feeling ko nirerespeto talaga siya ditoㅡhindi lang siya kung hindi silang apat.

"Nagandahan sayo, Divi." nakangising sabi ni Jett. "Aray ah!" agad na reklamo niya ng batukan siya ni Quenzo.

"Hayaan mo 'yang si Jett. Maraming babae 'yan, binabalaan kita."

"Ang sakit mo magsalita, Quenzo!" naka-pout na sabi ni Jett habang nakahawak sa dibdib na parang nasaktan.

Hindi ko mapigilang matawa dahil sakanila. Ang gaan-gaan nilang kasama! Kahit ngayon ko lang sila nakasama, pakiramdam ko matagal na kaming magkakaibigan. Wala akong nararamdamang pagkailang sakanila.

Hanggang sa makaupo kami ay maingay sila. Hindi ko mapigilang mapatingin sakanilang apat.

Before, I always dream on having a circle of friends. The more the happier. Yung mapapatingin nalang ang lahat dahil sa ingay na meron ang mesa niyong magkakaibigan. The kind of friendship where you can feel the warmth of a family. Yung hindi lang basta samahan, meron ding pagmamahalan. Hindi yung nag-stay kasi napipilitan. Yung friendship na nags-stay ang bawat miyembro dahil masaya sila. Dahil iisa silang lahat.

Ang by looking at them. I can't help myself but to smile. Maybe I'm not really part of their circle, but they never let me feel that way. They all treat me as if they already know me since thenㅡkahit na ang totoo kanina lang talaga nila ako nakilala.

Nagulat ako ng may tinidor na tumapat sa bibig ko.

"Eat." nagtatakang napatingin ako kay Richard.

"H-ha?"

"Say 'ahh'." at dahil uto-uto ako, ngumanga nga ako.

Natulala nalang ako ng bigla niyang isubo sa akin ang tinidor na merong carbonara. Pagkatapos no'n ay kumain na ulit siya na parang walang nangyari.

W-what was that?

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now