Unwanted 29

1.5K 30 1
                                    

3 years later...

Pauwi na ako ngayon sa bahay namin galing sa meeting. Sa loob ng tatlong taon, masasabi ko na marami na nga talaga ang nagbago.

I've made my name known in the world of business. Madami na din ang nakakakilala sa akin dahil ako na ang nagmamanage ng mga businessess namin. Aaminin ko na hindi naman talaga naging madali, walang tagumpay na mararating ang gumagamit ng maayos na hagdan. Lahat ng nagtatagumpay dumadaan sa delikadong daan. Dahil walang shortcut ang tagumpay.

I must say that the decision I've made 3 years ago were right. Dahil sa nakikita ko ngayon, wala akong dapat na pagsisihan sa mga naging desisyon ko.

Yung tungkol sa kanilang apat? Hindi ko pa sila nakikita hanggang ngayon. Huli naming pagkikita ay noong umalis ako sa Academy.

Nakikibalita padin naman ako tungkol sakanila. Lalo na sakaniya. Nalaman ko na sila nadin ang naghahandle ng mga kumpanya ng pamilya nila, kagaya ko.

Ginawa ko yung best ko para patunayan na walang masama sa pagiging kakaiba. Una kong pinatunayan ang mga 'to sa mga magulang ko hanggang sa bumukas ang mga mata nila at makita na kaya ko. Na hindi hadlang ang mga mata ko at ang mga paniniwala ng ibang tao para hindi ako magtagumpay.

And now, I could proudly say that I'm one of the respected person in our country. Ako din ang president ng Women Empowerment Association o mas kilala bilang WEA.

We are the voice of women, pinaglalaban ang mga karapatan namin bilang isang babae. We encouraged those woman like us to speak for theirselves. Last year lang ako naging President at talaga namang hanggang ngayon ay hindi ko pinagsisisihan ang pagtanggap dito.

Sa WEA talaga ako nagsimula, humanap ako ng mga babaeng kagaya ko. Kakaiba sa paningin ng ibang tao, naghanap ako ng mga magiging ka-grupo na kagaya ko ay hindi mahanap ang sarili nila. Na kagaya ko naliligaw pa. And together, we made this association. Para ipaalam sa mga kababaihan na walang masama sa pagiging kakaiba. Na merong asosasyon na kagaya ng WEA na handa silang tanggapin. That's our goal. At hanggang ngayon, ginagawa namin 'yan. Kilala na ang WEA sa loob at labas ng bansang Jermain, and I'm a proud woman.

Kasi sino paba ang magtutulungan? Ang mag-aabot ng kamay sa mga kapwa babae? Hindi ba dapat na tayo din? We must encourage our co-women to speak for theirselves. Dapat tayo din bilang babae ang tumulong sakanila. Dahil tayo, sa dami ng tao ang dapat na nakakaintindi sakanil. Dahil babae din tayo.

Bukod pa doon, madami nadin kaming natulungan. Mga babaeng nakaranas ng abuso sa ibang tao. Mga babaeng sinasaktan ng pisikal. Mga babaeng nawawalan ng pag-asa at gusto nalang mamatay. We the WEA members gave them a second chance to live, we gave them a helping hands to lift them up. We gave them the chance they deserved. The life worth living for. A reason to live and to be happy.

Dahil naniniwala ako na hindi naman nila gustong mamatay, gusto lang nilang wakasan ang sakit. Dahil sa totoo lang? Walang taong gustong mamatay, death is our No. 1 fear as a human.

Nang makarating sa bahay ay agad kong nakita si Mommy.

"Hi, Mom!" bati ko sakaniya.

"Ngayon kalang?" tanong niya sa akin. "Magbihis kana may darating tayong mga bisita! Ohmyghad, Divina. Bakit kasi late ka?" nagpapanic na sabi ni Mommy na tinawanan ko nalang.

As usual, my Mom never changed. Suportado niya na ako, oo. Pero gano'n padin siya, everything is under her control. Even my Daddy. Perfectionist padin ang Mommy ko pero hindi na ako nagrereklamo pa do'n, it's part of her nature. Naiintindihan ko.

Agad akong nagbihis ng isang magarang damit na binigay sa akin ni Mommy kahapon. May inaasahang bisita si Mommy ngayon, regalo niya daw sa akin.

Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwala na ok na kami ni Mommy. Na ang mga pangarap na sinasabi ko lang noon sa Kuya ko ay nangyayari na ngayon.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now