Wanted 30

2.3K 40 5
                                    

Nakangiti ako habang tinitignan siyang natutulog padin habang nakayakap sa akin, unan-unan ang kanang braso ko.

Sinusuklay-suklay ko ang buhok niya habang mahimbing padin ang tulog niya. Parang dati lang, kinuhanan ko pa siya ng litrato noong natutulog siyaㅡngayon, pwede ko na siyang titigan kahit gaano katagal.

Hinalikan ko siya sa noo. Unti-unting dumilat ang mga mata niya at napangiti ng makita ako na nakatitig sakaniya.

Is it really posible to fall over and over again?

"Good Morning, baby!" nakangiting bati ko sakaniya.

Lalong lumawak ang ngiti niya. "Good Morning!" parang inaantok na sabi niya pa.

Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya, tinignan niya ako at ngumuso lang ako at umiling kaya natawa siya.

"Pa-cute." natatawang sabi niya.

"Effective?" tumango siya kaya matawa nadin ako.

Noong una, wala talaga sa plano ko ang mahulog sakaniya. Naging butler niya lang ako dahil bored ako, dahil gusto din nila Jett. Akala ko ito na yung challenge na hinihintay ko, libangan lang. Kasi Mommy niya naman nagsabi na iwanan din naman siya pagkatapos, eh.

But maybe there was no perfect plan at all. Walang perpektong plano dahil hindi naman lahat ng pinlano mo totoong magagawa mo. When fate meddled with that plan of yours, say goodbye and say hello to heartbreak. Gano'n siguro talaga.

When I first met her, I thought her eyes are just fake. Na baka may motibo ang Mommy niya kaya sa dami ng tao, sa akin pinagkatiwala ang anak nila. Noong una, puro tanong ang nasa utak ko na hindi mabigyan-bigyan ng kasagutan noon. Na ngayon? Alam ko na ang mga sagot.

Bata palang ako alam ko na ang tungkol sa ibig-sabihin ng lilang mga mata. Kamalasan at kaguluhan. 'Yon ang paniniwala nila.

Pero lahat ng paniniwala na 'yon, naglaho na parang bula. Dahil kung malas siya, bakit sakaniya ako masaya?

Akala ko noon kaguluhan talaga ang dala niya. Kasi ang gulo na din ng nararamdaman ko sakaniya. Sa sobrang gulo nagulat nalang ako ng makita ko ang sarili ko na nakikipag-sagutan sakaniya dahil kay Zane.

"Nasa'n si Zane?" tanong ni Rain kaya napatingin ako sakaniya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo hinahanap?"

Nagkibit balikat siya. "Siya lang kasi ang absent ngayong araw."

"Madalas siyang wala pero ngayon mo lang siya hinanap." naiinis na sabi ko.

Hindi ko alam kung anong meron pero naiinis ako. Nandito ako, pero bakit si Zane ang hinahanap? Ako ang butler hindi naman siya. Tss.

"Bakit ka nagagalit?" kunot-noong tanong niya.

Hindi ko nalang siya pinansin. Hanggang sa mauwi kami sa away na naging dahilan para maghinala sila Jett sa nararamdaman ko. Lalo na si Enzo.

"You like her." sabi niya at naupo sa tabi ko.

Nandito ako ngayon sa dorm. Iniiwasan ko si Divi dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Paano ko sasabihin sakaniya na nainis lang ako bigla? Ano 'yon? Ang weird ko naman ata kapag gano'n.

"Sino?" patay malisyang tanong ko.

"Si Di-"

"Hindi!" putol ko sa sasabihin ni Enzo. Lalong lumawak ang ngisi niya sa akin.

Nag-iwas nalang ako ng tingin. Hindi pa ata ako handang aminin sa sarili ko ang nararamdaman ko.

Umiling ako sakaniya. "Hindi nga." sabi ko, pinipilit siya maniwala. Kahit na ang dating ay parang pinapaniwala ko lang ang sarili ko.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now