Unwanted 10

1K 28 3
                                    

"Divi!"

Parang gusto kong magpasalamat at ibigay bilang regalo ang private island namin sa Palawan sa kung sino man ang tumawag sa pangalan ko.

"Oh, Richard...nandito kana pala?" parang naguguluhang sabi ni Jett.

"Ah, ano. Ahm tinulungan niya lang ako." nauutal na sabi ko.

Ngumiti pa ako kay Richard. Trying to remove the awkward silence between us.

Sa loob ng ilang araw at linggo na magkasama kami, hindi pa kami nagkakaroon ng awkward silence not until now.

"Ah, oo. Mauna na pala ako sainyo, Jett ikaw muna bahala kay Rain." sabi niya ng tumingin siya kay Jett. "Rain.." napatingin ako sakaniya. "Mauuna na ako." nakangiting sabi niya bago tumalikod at naglakad paalis.

Isang ngiti lang 'yon..pero pakiramdam ko parang naulit yung kanina. Parang tumigil ulit yung oras.

Ang kaibahan lang, hindi oras ng mundo ang tumigil. Kung hindi yung akin lang. Isang ngiti lang, napapatigil na ako.

Ano bang nangyayari sa akin?

Napahawak ako sa puso ko, ang lakas-lakas ng tibok. Normal pa ba 'tong heartbeat ko?

"Ayos kalang?" tanong ni Jett bago maupo sa tabi ko. "Parang natulala ka."

"Jett.."

"Hmm?"

"May nagustuhan kana ba?" napatingin siya sa akin dahil sa tanong ko.

Nakita ko kung paanong mapatigil si Jett. Nakita ko kung paanong parang sa sandaling minuto tumigil siya sa paggalaw at paghinga.

Ngumiti siya. Malungkot na ngiti na hindi ko maintindihan kung saan nanggaling. Puno ng lungkot ang mga mata ni Jett, ibang-iba sa malokong Jett na kilala ko.

"Meron." sagot niya pagkatapos ng matagal na katahimikan. "Normal naman magkagusto."

Hinayaan ko lang siyang magsalita. Nakatingin lang ako sakaniya. Hinahayaan siyang sabihin ang gusto niyang sabihin.

"Alam mo kung anong hindi normal?" lalong lumungkot ang mga mata niya. "Yun yung nasaktan kana pero hindi ka padin nadadala..sinaktan kana pero mahal mo pa din."

Sinundan ko ang tingin niya...nakita kong nakatingin siya sa pwesto ng Class-B. Hindi ko alam kung sinong tinitignan niya, hindi ko alam kung namalikmata lang ako o totoong may nakita akong luha na tumulo sa kaliwang mata niya.

"Anong pakiramdam ng may nagugustuhan?" tanong ko habang nakatingin sa malayo.

"Masaya ba? Gaya ng napapanood ko? O masakit gaya ng nababasa ko sa mga libro."

"Nakakatawa ka." sabi ni Jett at narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Wala ka pang nagugustuhan?" nagtatakang tanong niya.

Umiling ako sakaniya at ngumiti. Totoo naman, wala pa naman talaga.

"Masaya sa una. Kasi makita mo lang yung taong gusto mo, buo na araw mo. Sobrang saya, parang lumilipad ka sa langit. Ang sarap sa pakiramdam."

Tahimik lang ako. Nakikinig. Pakiramdam ko may mas malalim pa siyang nararamdaman, hindi niya lang sinasabi.

"Pero Divi...kung pwede lang, ilalayo kita sa gano'ng pakiramdam. Isang buwan palang pero mahalaga kana samin, ayokong maranasan mo yung sakit."

Napatingin ako kay Jett. Wala na yung Jett na maloko, yung Jett na puro tawa at puro biro. Sa isang iglap, nakita ko yung Jett na nasasaktan. Yung Jett na hindi nagpapanggap.

Mas masakit pala, kapag yung taong palaging nakangiti, palabiro at masayaㅡbiglang nasaktan sa harap mo. Ang bigat sa pakiramdam. Ang lungkot kapag yung taong nagpapasaya sayo, naging malungkot sa unang pagkakataon sa harapan mo.

"Jett.." napatingin siya sa akin. Ngumiti siya pero alam kong peke. Alam ko kasi malungkot siya.

Nginitian ko siya. "Kung nasasaktan kana, kung hindi mo na kaya, kung feeling mo sasabog kana..nandito lang ako." huminga ako ng malalim. "Naranasan ko na 'yan, siguro hindi pa ako nagkakagusto. Hindi ko pa nararamdaman 'yan. Pero alam ko yung pakiramdam ng masaktan ng patago, yung umiyak ng mag-isa kapag tulog na ang lahat."

Unti-unting pumapatak ang mga luha ni Jett habang nakatingin sa akin, napayuko siya. Hinayaan ko siyang umiyak. Hinayaan ko siya pero hindi ko siya iniwan.

Sa unang pagkakataon, nakita kong umiyak si Jettㅡumiyak siya hindi dahil sa nanonood kami ng malungkot na palabas. Umiiyak siya kasi nasasaktan siya.

"Jett, hindi mo kailangang magpanggap sa akin. Gaya ng hindi ko pagpapanggap kapag kasama ko kayo."

"Five minutes, Divi. Give me five minutes."

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at itago ang mukha niya sa balikat ko. Habang para siyang bata na umiiyak sa mga braso ko. Habang iniiyak niya lahat ng sakit. Habang inaalis niya yung maskarang palagi niyang dala.

Wala ng mas sasakit pa na makita ang kaibigan mong umiiyak at wala kang magawa.

"Sorry, Jett.." paghingi ko ng patawad sakaniya habang niyayakap siya. "Sorry kung walang magawa si Divi. Umiyak kalang, hindi kita iiwan." mahinang sabi ko at tinapik ng mahina ang likod niya.

"Masakit, Divi." mahinang sabi niya. Namamaos dahil sa pag-iyak. "Masakit kasi mahal ko pa. Masakit kasi ang tagal na pero tanga pa din ako."

"Shhh."

Para siyang bata na nagsusumbong sa magulang niya. Para siyang bata na umiiyak sa Nanay niya. Parang bata na naliligaw.

"Divi...mahal ko talaga." umiiyak na sabi niya. Hindi ko mapigilang maawa, ang swerte ng babaeng 'yon.

Sa loob ng ilang araw at linggo na magkasama kami ni Jett, nakita ko kung gaano siya kabuting tao. Silang magkakaibigan. Magaan siyang kasama. Papasayahin ka niya kapag malungkot ka.

May mga tao pala talaga na hindi makakita ng halaga ng ginto 'no? Yung alam ng lahat kung gaano kahalaga 'yon pero may ibang tao na binabalewala lang.

Kasi sa sitwasyon na 'to si Jett ang ginto, napakahalaga niya pero binabalewala.

Hindi ko alam ang buong kwento pero sa nakikita ko...alam kong totoo ang nararamdaman ni Jett. Alam kong totoong mahal niya yung babaeng 'yon.

Sa araw na 'to, may narealize ako.

Kahit pala ang pinakamasayahing taong kilala mo, umiiyak din. Kahit pala yung taong hindi mo nakikitang malungkot, nasasaktan din. Na hindi porket masaya siya tuwing nakikita mo siya, gano'n na din kapag mag-isa nalang siya.

Hinahaplos ko ang buhok ni Jett habang umiiyak siya sa mga balikat ko.

If love is too painful..then why can't they just stop loving that person?

Ganoon ba talaga?

Kapag mahal nila, kahit gaano pa kasakit. Kahit gaano pa kakumplikado, mahal pa din nila.

Kasi 'yon ang nakikita ko kay Jett. Nasasaktan na siya ng sobra pero mahal pa din niya.

Nakakatanga pala kapag nagmamahal.

Seeing Jett helplessly crying like there's no tomorrow, hurts me..a lot.

To see the person who always jokes around and laugh most of the times cry is different kind of pain.

Seeing your friend crying while there you are watching him and can't do anything...is different kind of pain.

Ngayon ko napatunayan na hindi lang talaga babae ang nasasaktan sa relasyon. Hindi porket hindi sila umiiyak, hindi na nasasaktan. Maybe they're just too good at pretending. But that doesn't mean that they can't feel the pain. They are still human.

Sana..

Sana kung magmamahal ako, hindi ganito kasakit..

Dahil parang hindi ko kayang makita ang sarili kong masaktan ng ganito..

Ang limang minutong yakap dapat ni Jett ay umabot ng ilang oras. Pero hindi ako nagreklamo, hindi ako kumibo. Hinayaan ko kasi alam ko yung pakiramdam.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now