Unwanted 19

825 17 1
                                    

"Ang ganda mo."

Nakasimangot lang siya habang nakatingin sa akin ng lumabas ako galing sa kwarto ko.

"Umay!" nakangising sabi ni Gerald.

"Ang corny talaga!" sabi naman ni Jett.

"Ang--"

"Subukan mong ituloy Quenzo, ilalaglag kita sa crush mo."

Naitaas ni Quenzo ang dalawang kamay niya ng wala sa oras dahil sa banta ni Richard. Tinikom din niya ang bibig niya at painosenteng ngumiti sa akin.

Natawa nalang ako habang umiiling-iling sakanila.

"Ay, ang hina naman." sabi ni Jett kay Quenzo.

"Atleast hindi bansot."

Nanlaki ang mga mata ni Jett at dinuro si Gerald. "Traydor!"

"Tama na nga." natatawang sabi ko sakanila. "Anong ginagawa niyo dito?"

"Ouch, ah!" sabi ni Jett at madrama pang humawak sa dibdib niya. "Si Richard lang ba ang pwede dito?" sabi niya.

"Tara na mga bro, wala may favoritism na dito." sabi naman ni Gerald na kunwari nagpupunas ng luha.

"Quenzo tara, 'wag kang kumampi sa traydor." sabi ni Jett at hinila si Quenzo palayo kay Richard.

Natawa nalang ako ng malakas sa kalokohan nila. "Osige, ingat kayo!" sabi ko sakanila.

Parang napako naman sila sa paglalakad at hindi makapaniwalang napatingin sa akin. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghalakhak.

"H-hindi mo kami pipigilan?" sabi ni Jett habang nakabukas ang labi.

"H-hindi mo na kami mahal?" madramang sabi ni Gerald.

Si Quenzo naman ay cool na cool lang na nakatayo sa gilid nila at nandidiring nakatingin sa dalawa.

Nang hindi ako sumagot ay mas lalong namutla ang mukha nilang dalawa.

"Divi, b-bakit?" parang natataeng sabi ni Jett.

Natawa na talaga ako dahil sa kalokohan nila. Kalalakeng tao daig pa ang babae kung magdrama, napaka-galing na actor talaga!

"Kadiri kayo!" nakangiwing sabi ni Quenzo habang nakatingin sa dalawa. "Bakla ba kayo?"

"Sinong bakla ha? Ikaw ba Gerald?"

"Tado!" sigaw ni Gerald kay Jett.

Napatigil lang ako sa pagtawa ng may umakbay sa akin. At sino pa nga ba? Edi si Richard.

"Psst.." bulong niya sa akin.

"Ano nanaman?" mahinang tanong ko sakaniya.

Sumimangot siya. "'Wag ka naman masyadong tumawa." sabi niya. "Nagseselos ako." bulong nanaman niya sa tenga ko.

Gulat na nakatingin ako sakaniya. Ano nanamang pakulo 'to?

"Ako lang baby mo, 'wag ka masyadong tumawa sa iba." sabi niya at kumindat pa. "Sakin kalang dapat masaya." sabi niya at ngumisi bago maglakad paalis.

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa likuran niya. A-ano daw?

"Tara na baby!" nagising ako sa pagkakatulala dahil sakaniya. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin, parang natutuwa sa reaksyon ko.

"Hindi mo ako baby!" sigaw ko sakaniya.

"Aray, kawawa naman." sabi ni Jett.

"Aww, basted." nakangiwing sabi ni Quenzo.

"Condolence, bro." sabi naman ni Gerald.

Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala silang nakatingin sa amin. Mga chismoso talaga.

Naglakad siya palapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Tara na, baby." sabi niya na parang hindi manlang narinig ang reklamo ko.

"'Yon, oh!" hiyaw ng tatlong itlog sa likod.

Parang tanga na tinitignan ko ang magkahawak na kamay namin.

Normal paba 'to? Yung para akong magkakasakit kapag...ganito siya kalapit? Yung parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng pagkabog.

Normal paba 'to? Kasi pakiramdam ko..hindi na..

"Baby, sa daan ang tingin." biglang sabi niya sa tabi ko. "Baka madapa ka. Kuhanan mo nalang ng picture yung kamay natin."

Agad ko siyang pinalo sa braso, walanghiya 'to! "Ang pangit mo!"

Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Gulat na nakatingin siya sa akin, parang hindi makapaniwala.

"A-ano?" gulat na tanong niya. "P-pangit ako?" sabi niya at tinuro pa ang mukha niya gamit ang isa niyang kamay.

"Oo!" pang-aasar ko sakaniya.

"Hindi kaya!"

"Sinisigawan mo ako?"

"H-hindi ah," nakasimangot na sabi niya. "Pero baby, hindi ako panget 'di ba? Bawiin mo." nagpapaawang sabi niya sa akin.

Kahit gaano kapa ka-cute ngayon Richard, hindi ko padin babawiin ang sinabi ko.

Napansin niya atang wala akong balak bawiin ang sinabi ko kaya lalo siyang nangulit.

"Baby..."

Hindi ko siya pinansin at naglakad nalang. Nauuna akong maglakad sakaniya at nakasunod lang siya sa likod ko kaya napangisi ako. Hindi niya naman nakikita ang reaksyon ko.

It's payback time, baby.

"Baby..." sabi niya ulit. "Ang gwapo ko 'di ba? Kaya bagay tayo." sabi niya na parang hindi mapakali.

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sakaniya.

"Richard tama na nga! Maawa kayo sa single, jusko!" sigaw ni Jett mula sa likuran.

"Baby.." parang walang naririnig na sabi ni Richard.

"Umay talaga!" sabi naman ngayon ni Gerald.

"Isa pang reklamo, hindi ko kayo isasama!" banta sakanila ni Richard kaya natahimik sila.

Minsan napapaisip ako kung anong meron kay Richard at napapasunod niya ang lahat. Isang salita niya lang, sumusunod na sila.

"Baby naman!" reklamo niya sa likuran ko.

Binilisan niya din ang lakad at nakisabay na sakin. "Baby.." sabi niya at sinusundot ang pisngi ko.

Hindi na ata siya nakatiis at hinarangan niya na ako sa paglalakad. Nakangisi siya sa akin habang nakaharang sa harapan ko. Gulat na gulat ako sa biglaang pagharang niya.

"Baby.." nakangusong sabi niya. "Gwapo ako 'di ba? Tignan mo, oh." sabi niya at nilapit pa ang mukha niya sa akin.

Halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko nadin ang hininga niya dahil sa sobrang lapit.

Sa sobrang lapit niya mas nakita ko ang buong mukha niya. Para akong tinatakasan ng lakas habang nakatingin sa mukha niya na sobrang lapit na sa mukha ko.

Oo, hindi ka nga pangit. Dahil ang gwapo mo, sobrang gwapo mo.

Pero syempre hindi ko sasabihin 'yon. Aasarin niya ako kapag nalaman niya na gano'n kagwapo ang tingin ko sakaniya kahit na totoo naman. Kahit na totoo namang gwapong-gwapo ako sakaniya.

Nakatitig lang ako sakaniya at hindi na pinansin pa ang meron sa paligid naming dalawa. Gano'n din siya sa akin na parang minimemorize ang buong mukha ko.

"Ang pangit mo." sabi ko sakaniya at lumayo na sakaniya bago lumakad paalis.

Nang lingunin ko siya ay nandon padin siya sa lugar niya at parang napako sa kinatatayuan niya.

Natawa ako ng mahina dahil hindi talaga siya gumagalaw, parang gulat na gulat pa.

Richard. Richard. Richard. Ang cute mo, sa sobrang cute mo gusto na kitang iuwi.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now