Unwanted 09

943 25 2
                                    

Simula ng mangyari ang nangyari sa Cafeteria, hindi ko na masyadong nakikita si Nicky. Hindi ko alam kung anong nangyari pero kapag nagkakatinginan kami ay kusa siyang umiiwas ng tingin.

Si Jett lang ang kasama ko ngayon. Wala si Gerald dahil kasama siya nila Richard at Quenzo. Sila Dane at Chiara naman ay busy sa council.

Hindi ko alam kung anong ginagawa nila Richard, basta ang sabi nila si Jett muna daw ang makakasama ko.

"Ano kaya ang ginagawa nila 'no?" tanong ko kay Jett habang nandito kami sa garden.

"Hindi ko alam eh." nakangiting sabi niya. "Pero sigurado ako na matutuwa ka."

Tinitigan ko si Jett ng mabuti. "May alam ka 'no?" nakasimangot na sabi ko.

Tumawa lang siya at umiling.

"We? Ano ba kasi 'yon?" pangungulit ko sakaniya.

Kanina ko pa nararamdaman na may alam talaga 'tong si Jett eh. Hindi lang talaga niya sinasabi pero feeling ko talaga may alam siya.

Kahit iisa lang kami ng building nila Quenzo, Jett at Gerald ay hindi ko pa din alam ang mga pinaggagawa nila. Nalaman ko nga sakanila na dapat si Richard ay nasa building din namin ang dorm, ang kaso daw mas pinili nitong sa Third Building nalang tumira.

"Naiihi ako, Divi." sabi ni Jett.

"We? Ayaw mo lang sabihin yung secret niyo nila Richard eh."

Tumawa naman siya. "Usapang lalaki 'yon, Divi."

"Edi lalaki na ako!" sabi ko na ikinatawa niya lalo. "Lalaki na ako, bro!" sabi ko at natawa na din.

"Wait lang, naiihi na ako. Diyan ka lang!" sabi niya bago tumakbo paalis.

Nakatingin lang ako sakaniya at natatawa. Kahit kailan talaga si Jett puno ng kalokohan. Ang sabi ni Quenzo kaya daw maraming nagkakagusto kay Jett dahil sa ugali niya, isama pa na gwapo siya.

Kasi kung ako ang tatanungin, masayang kasama si Jett. Si Jett kasi magaan kausap, hindi ka maiilang. Kahit ata kakakilala mo palang sakaniya, hindi kana maiilang kasi magaling siyang gumawa ng pag-uusapan.

Lahat naman sila gano'n. Siguro kaya din sila sikat sa mga estudyante dito.

Habang nakatingin sa dinaanan ni Jett ay may bola na gumulong sa paanan ko. Agad ko 'yong pinulot at nakita si Nicky kasama ang mga Class-B na naglalaro.

Agad kong inabot sakaniya ang bola pero agad niya lang ding hinablot, muntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa lakas ng pagkakahablot niya.

Mabuti nalang may humawak sa siko ko.

"Ayos ka lang?" tanong ni Richard.

Nagulat ako ng makita ko siya. "A-akala ko ba?"

"Next time, matuto kayong magpasalamat. Inaabot niya lang naman yung bola sainyo." masama ang tingin niya sa Class-B bago ako hinila papunta sa bench na inuupuan namin ni Jett kanina.

"Nasaktan ka ba?"

Umiling ako at ngumiti. "Hindi naman."

Nilibot niya ang tingin sa paligid na parang may hinahanap.

"May hinahanap ka ba?" nagtatakang tanong ko.

"Si Jett? 'Di ba dapat kasama mo siya?"

"Ahh, umihi kasi siya eh," nakangiti pa ding sabi ko. "Doon siya dumaan oh." sabi ko at tinuro ang dinaanan ni Jett

Napatingin ako kay Richard na nakatingin na ngayon sa akin.

"Namiss kita," nakangiting sabi ko sakaniya.

Parang nagulat siya sa sinabi ko.

"Hindi ko na kasi kayo masyadong nakakasama. Madalas kasi kayong busy eh." malungkot na sabi ko.

Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti sa akin.

"Namiss din kita, Rain." nakangiting sabi niya. "Walang siopao do'n."

Agad kong pinalo ang braso niya at natawa.

"Namiss ko kayo pero naiintindihan ko. Kahit hindi niyo sabihin, iintindihin ko."

Napatingin siya sa akin, seryoso ang mukha.

"May inaasikaso lang."

"Ayos lang. Basta kapag tapos na, bawi kayo sa akin ha?" nakangiting sabi ko.

Agad naman siyang tumango sa akin.

Tahimik lang kami habang nakatingin sa mga estudyanteng naglalakad. Isa sa mga peaceful na lugar sa Academy ang Field.

Mahangin dito at magaan sa pakiramdam ang paligid.

Napatingin ako kay Richard. Hinahangin ang buhok niya, mula dito sa gilid kitang-kita ko ang tangos ng ilong niya, ang panga niya, ang makapal niyang kilay at magandang mga mata.

Hinawakan ko ang buhok niya at inayos. Ang lambot, parang hindi lalaki dahil ang lambot ng buhok.

Napatingin siya sa akin at hinayaan akong ayusin ang buhok niya. Hindi siya nagsasalita at hinahayaan lang ako sa ginagawa ko.

"Ang lambot ng buhok mo." nakangiting sabi ko.

Hindi pa din siya nagsasalita at nakatingin lang sa akin.

Habang nakatingin sakaniya pakiramdam ko tumigil ang oras. Parang tumigil ang kaninang maingay na paligid at napalitan ng katahimikan. Ang mga taong naglalakad ay parang bumagal kasabay ng mabagal na paggalaw ng buhok niya.

Ngayon ko lang natitigan ng ganito kalapit si Richard. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang din hinayaang may makalapit sa akin ng ganito kalapit.

Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Pinapakiramdaman ang paligid.

Pero parang hindi paligid ang pinapakiramdaman koㅡkung hindi ang maingay na pagtibok ng puso ko.

Sa unang pagkakataon parang nag-iba ang tingin ko kay Richard. Parang hindi na siya basta butler sa paningin ko. Parang kasabay ng pagtigil at pagbagal ng oras ay ang pag-iiba din ng pagtingin ko sakaniya.

Anong nangyayari sa akin?

"Ang ganda ng mga mata mo.." nagulat ako ng magsalita siya.

Parang naging musika sa pandinig ko ang boses niya. Hindi ko maintindihan pero nalulunod ako habang nakatingin sa mga mata niya.

Sinong mag-aakala hindi lang pala tubig ang pwedeng maging dahilan ng pagkalunod mo?

Sinong mag-aakala na pwede kang malunod sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata ng taong kaharap mo..

Sinong mag-aakala na may mala-dagat na malalim na mga mata si Richard. Na kapag tinignan mo parang dinadala ka sa ibang mundo. Isang mundo na hindi mo na gugustuhing layasan. Mundo kung saan mas gugustuhin mo nalang manatili at 'wag ng bumalik sa realidad.

By looking at his eyes, I'm at peace. Those mesmerizing eyes of him is like a door to a new world.

I'm stuck.. not in reality but with fantasy. Fantasy brought by his eyes.

"Ang ganda mo..." mahinang sabi niya na nakatingin din sa akin.

Kung kanina ay malakas na ang pagkabog ng puso ko. Parang...

Parang magkakasakit ako. Ang bilis ng pagtibok, tatlong salita lang pero nagwawala ang kaloob-looban ko.

Anong nangyayari?

The Unwanted ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon