Unwanted 03

1.5K 41 1
                                    

Can't help but to feel excited! Nauna pa akong magising kaysa sa alarm clock ko kahit na napuyat naman ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa school.

Too days have been passed, and today?! Today is the first day of school!

Tinanong ko nga si Richard kung sabay din ba kami pagpunta sa room namin dahil hindi ko naman ata siya kaklase. Pero isang ngiti lang ang binigay niya sa akin.

Masaya akong bumangon sa kama ko at naligo.

Habang nasa banyo hindi ko mapigilang mapangiti, ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita ako? Magiging masaya ba sila dahil may bago silang kaklase?

For the past 7 days, nakikita ko ang unti-unti kong pagbabago. No'ng bagong dating kasi ako dito noon, wala ako halos pansinin sa mga taong nakikita ko. Hindi kagaya ngayon, hindi ko na sila iniiwasan.

Siguro dahil na rin kay Richard, hindi palakibo si Richard, hindi rin naman siya friendly sa mga nakikita naming mga students kagaya namin. But with him, I can finally let myself be closed to others. Atleast I'm doing my very best. Ilang beses din akong nag-practice kung paano ngumiti sa salamin para naman makita ko kung mukha na ba akong friendly. Nag-isip din ako ng pwedeng sabihin sakanila kapag kinausap nila ako.

Richard is really a great help! Nabawasan ang kaba at takot ko dahil alam ko na kung sakali man (hindi ako negative hehe.) na hindi nila ako magustuhan, alam ko na nandyan si Richardㅡkaibigan ko pa din siya.

"Let it go~ Let it go~ Can't hold it back anymore~"

"Let it go~ Let it go~ turn away and slam the door~"

Good mood ako habang kumakanta-kanta dito sa banyo. Nakangiti ako habang nagsasabon, nagshashampoo at nagcoconditioner.

Hindi mawala ang ngiti ko kahit na tapos na akong maligo.

Nang makapasok sa dressing room ng dorm ay nakangiti pa din ako habang sinusuot ang uniform ko.

Sa totoo lang maganda ang uniform ng Western Academy. Well, what can you expect from a well-known Academy.

Paniguradong kahit tela ng uniform na 'to ay ginto-ginto ang presyo.

Natigil lang ako sa pagtingin sa salamin ng biglang mag ring ang bell ng dorm ko. Which means...may tao!

Dali-dali kong kinuha ang bag ko at tinignan pa ng isang beses ang itsura ko bago buksan ang pinto.

And there I saw my handsome butler..

"Goodmorning, Rain!" nakangiting sabi niya.

May improvement din naman si Richard, hindi lang ako. Marunong na siyang ngumiti at magsalita. Nagsasalita at ngumingiti naman siya dati, pero mas napapadalas ngayon.

"Goodmorning, Richard!" ngiting-ngiti na sabi ko.

"Bakit naka-contact lense ka?" nakakunot noo na tanong niya.

Nawala ang ngiti ko dahil doon. Oo, naglagay ako ng contact lense. Baka kasi hindi nila ako magustuhan kapag nakita nila ang kulay ng mga mata ko.

My eyes are like a curse.

Walang masama para sa iba pero hindi naman lahat ng tao ganoon mag-isip gaya nila. Sa pamilya at lugar na kinabibilangan ko, kamalasan ang ibig-sabihin ng mga mata ko. Kayanga walang contact lense na kulay violet dito sa bansa namin, malas ang ibig sabihin noon dito.

Napaangat ako ng tingin ng hawakan ni Richard ang baba ko at iangat ang tingin ko sakaniya.

"Don't ever low down your head infront of anyone." seryosong sabi ni Richard. "If you really want to hide your eyes, then go. Pero walang mali sayo kaya 'wag mong iyuyuko ang ulo mo. Lalo na sa akin, butler mo ako 'di ba?" natatawang sabi niya.

Hindi ko na din mapigilang ngumiti at tumango sakaniya.

Magaan kasama si Richard, bukod sa pinapalakas niya ang confidence ko. Paulit-ulit niya din pinapaalala na maganda ang mga mata ko. At kahit gaano man 'yon kamalas sa paningin ng iba, hindi daw maitatanggi na maganda 'yon.

It really feels good to have someone who will always remind you that you are normal and you're not different from others.

Magkasabay kaming naglalakad ni Richard. Seryoso lang ang mukha niya at walang reaksiyon, sanay naman na ako sa ganiyang reaksiyon niya pero hindi ko lang maintindihan kung bakit biglang naging ganoon ulit.

Kinalabit ko siya. "Ok kalang ba?"

"Oo naman, bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Wala kang reaksiyon."

Nakita kong napangiti siya. "Dahil nandito ako sa labas at sa harap ng ibang estudyante." mahinang bulong niya sa akin bago bumalik sa dating reaksiyon kanina.

Napailing nalang ako sakaniya. Minsan talaga ang hirap basahin ng lalaking 'to.

Panay din ang tingin sa amin ng mga taong nadadaanan namin, lalo na sa akin. Hindi ko naman masyadong pinagtuunan pa ng pansin dahil alam ko naman na kaya ganiyan sila makatingin ay dahil bago lang ako sakanila.

"Dito na yung classroom ko." sabi ko kay Richard ng huminto kami sa harap ng classroom ko.

"Alam ko."

"Bakit nandito ka pa?" kunot noong tanong ko.

"Dito din ang classroom ko." nakangising sabi niya bago tumalikod at maunang pumasok sa loob.

Napanganga ako dahil doon. Kaya ba nginitian niya lang ako ng magtanong ako sakaniya kung hanggang classroom ba ay ihahatid niya ako kahapon?

Nang makabawi ay agad akong tumakbo papunta sakaniya at naupo sa tabi niya. Pinalo ko siya at sinamaan ng tingin.

"Bestfriend tayo 'di ba?"

"Oo naman." natatawang sabi niya.

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Hindi mo naman tinanong kung magkaklase tayo."

Hinampas ko ulit siya. "Napaka mo!"

Tumawa lang siya ng mahina at hindi na nagsalita.

Magsasalita pa sana ako kaso natigilan ako ng mapansin ko ang masamang tingin ng ibang estudyante doon.

Napatahimik ako dahil sa talim ng mga tingin nila na para bang may nagawa akong masama kahit ma wala naman. Hindi ko naman sila inaano, wala din akong maalala na natapakan ko sila o nabangga man lang.

Agad kong kinalabit ang katabi ko.

"Bakit parang...galit sila sa akin?"

Nakita ko na kumunot ang noo niya bago tignan ang mga babaeng nakatingin sa akin. Isang tingin lang niya ay nagsi-iwasan na ang lahat.

"Hindi naman. Baka akala mo lang." parang wala lang na sabi niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Wala lang daw pero isang tingin niya lang nagsi-iwasan sila ng tingin?

Lakas ah! Lakas na parang strong Lol.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now