Unwanted 01

2.9K 53 2
                                    

Napatayo ako sa gulat ng marinig ko na tumunog ang bell ng dorm ko, which means na may tao sa labas.

Napatingin din ako sa orasan at nakitang 6:00 pm na pala. Masyado akong natulala kakaisip sa bagong lugar na kinaroroonan ko.

Maybe because I'm scared at the same time nervous. Nakakatakot dahil hindi ko alam kung anong klaseng lugar ba 'tong pinasukan ko. Well, maybe this Academy is for me pero nandoon pa din yung thought na 'paano kung hindi nila ako magustuhan?' Kahit ano naman kasing gawin natin, kahit gaano kaganda yung lugar at kahit gaano kayaman ang mga taong makakasalamuha moㅡugali pa din ang mahalaga.

I'm nervouse because I don't know if I will fit. Siguro binigyan ako ng pagkakataon na makapag-aral at lumayo sa mga magulang ko, pero enough na ba? Parang ganoon lang din dahil sa Academy naman ako nakakulong ngayon.

Nang mabuksan ko ang pinto ay tumambad sa akin si Richard na may dala-dalang pagkain.

"It's time for dinner, Lady Rain."

"Come in, Richard."

Pinapasok ko siya sa loob ng dorm ko at.hinayaan siyang ayusin ang pagkain ko.

"Richard.." nag-aalangang tawag ko sakaniya. "Can I ask you about something?"

"Sure, Lady Rain."

Umupo ito sa harapan ko at nakatingin sa akin. Nag-aabang kung anong itatanong ko sakaniya.

"Dito sa Academy, kilala ba nila ako?" medyo nag-aalangang tanong ko. "For sure the Dean already inform you about me, right? Pero alam ba ng ibang mga estudyante ang tungkol sa akin?"

That thought really scared the hell out of me.

"Ang mga butler at Dean lang ang nakakaalam ng tungkol diyan, Lady Rain. Privacy kasi ng bawat eatudyante dito anf tungkol diyan. Pero depende din, meron kasing iba dito na bago pa man makatapak sa Academy ay kilala na talaga. Hindi naman ganoon kalawak ang mundo ng business, yung iba dito nagkikita-kita sa mga gatherings o kaya nakikita nila ang iba sa balita bilang anak ng isa sa pinakamayamang angkan."

"So... walang nakakakilala sa akin, tama?"

Umiling siya sa akin na naging dahilan para makahinga ako ng maluwag.

"Hindi ka naman kasi pinapakita sa tv ng mga magulang mo, hindi ko din alam kung pumupunta ka ba sa mga business gatherings o pinakilala ka na ba in public. Dahil kung hindi naman, siguradong walang nakakaalam ng tungkol sayo."

"Ok lang naman siguro kung pipiliin ko na walang makakilala sa akin tama? Hindi ko ibabahin ang last name ko, pero wala naman sigurong mag-aakala kung anong kinalaman ko sa pamilya ko dahil hindi naman ako kilala 'di ba?"

Napatingin siya sa akin ng matagal, parang tinatantiya kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko. Naguguluhan pero piniling pigilan nalang ang pagtatanong.

"Basta hindi ka gagawa ng mga dahilan para maging curious sila at alamin kung saang pamilya ka ba talaga galingㅡsigurado naman na maitatago mo ang sikreto mo. Pero asahan mo na hindi naman maglalabas ang Academy ng informations tungkol sayo."

Mas lalo akong napanatag. Atleast I can be normal in this Academy.

"Pinapayagan ba yung mga students dito na mag-contact lense?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sakin na para bang hindi maintindihan kung bakit 'yon ang naisipan kong itanong.

"Naka-contact lense ka ba?" tanong niya, nagtataka.

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa mukha niya. I know that trusting someone you barely know is not a good move, hindi mo alam kung totoo ba ang intentions ng tao dahil hindi mo pa naman masyadong kilala. Pero...

Who wouldn't trust Richard?

"Hindi." natatawang sabi ko.

Nakita ko na nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa mga mata ko, nilapit niya pa ang mukha niya para mas matignan ang mata ko na tinawanan ko lang.

"P-pero..."

"Weird ba?" natatawang tanong ko habang nakangiti.

For the first time after that tragedy, I can see myself smiling and laughing with someone I barely know. And it feels good. Damn good.

"Kaya ka tinitignan ng mga students kanina!" parang ngayon niya naintindihan ang lahat. "Violet ang mga mata mo!" sabi niya na parang manghang-mangha.

And for the second time...I've met someone who was amazed by the fact that I have this kind of eyes.

"Ang weird 'no?" nakangiting tanong ko sakaniya.

Agad siyang umiling sa akin na parang bata. "Your eyes makes you unique, Lady Rain." seryosong sabi niya. Walang halong biro at kitang-kita ang sensiridad sa mga mata. "Kaya siguro pinagtitinginan ka kanina. I mean, nakatingin na sila sayo pero mas dumami ang nakatingin noong inalis mo ang shades mo."

"Bawal ba ang contact lense dito?" nagtatakang tanong ko.

Kasi kung pwede naman ang contact lense dito sa Academy, for sure hindi sila magtataka sa kulay ng mga mata ko. Kasi natural naman 'to eh.

"It's more like 'hindi uso'." natatawang sabi niya. "Walang may malabong mata dito sa Academy. Kung meron man, nagpa-laser na ang mga 'yon."

Napatango-tango ako sa sinabi niya.

"Will they find me weird because of my eyes?"

"Don't mind them, that's your signature look. The kind of look that no one in this Academy could steal."

And again, I found myself smiling because of him. Because of someone I just met few hours ago.

"Richard..." tumingin siya sa akin, nag-aabang ng sasabihin ko. "Thank you." seryosong sabi ko.

Parang hindi niya pa maintindihan ang dahilan kung bakit nagpapasalamat ako kaya napangiti ako. Nakakatawa ang mga reaksiyon na meron siya.

I don't know why I suddenly feel the urge to laugh again. Maybe because just by thinking of having a new friend inside this Academy excites me. A part of me also knew that I'm already at peace. I already have my freedom. I just need to work hard.

"Thank you...kasi hindi ako weird sa paningin mo." nakangiting sabi ko habang nakatingin lang siya sa akinㅡnatulala.

"Thank you because you're the second person who never judged me. Kasi pangalawa ka sa taong tinanggap ako kahit na kakaiba ang kulay ng mga mata ko. Kahit na kamalasan ang ibig sabihin nito."

Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti. Hinahayaan akong sabihin ang mga bagay na ngayon ko lang sinabi sa taong kakakilala ko palang.

And for the first time.. I never regret the descisions of my parents. I never regret accepting their offer.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now