Unwanted 18

843 24 1
                                    

Wala kaming klase ngayon kaya nandito padin ako at nakahilata sa kama ko. Habang nakatingin sa kisame, hindi ko maiwasang alalahanin ang mga pangyayari kahapon.

Napangiti ako habang inaalala kung paanong nagtapos ang araw namin kahapon. Nag-picnic kaming lima, wala manlang ako nai-ambag dahil planado na pala nila lahat.

"Ang daya! Hindi ako prepared." nakasimangot na sabi ko habang tinitignan sila na nag-aayos ng mga pagkain.

Napatingin ako ng may umakbay sakin. "Plan B namin 'to." nakangiting sabi niya.

"Plan B? Para saan?"

"Para kung hindi mo ako patawarin, may next plan kami. Kung hindi kita madadaan sa usap, dadaanin ko sa kilig." sabi niya at kinindatan ako.

Natulala ako habang nakatingin sakaniya na nakangiti habang nakatingin sa akin.

Nakakainis! Kahit anong gawin niya gwapo padin siyang tignan. Wala atang kapintasan ang taong 'to!

"Oh, wala pa akong ginagawa kinikilig kana."

Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nang makita niya ang reaksiyon ko ay tumawa siya ng malakas.

"Ang cute mo." nakasimangot na sabi niya. Nagpapa-cute. "Iuwi na kaya kita? Para akin ka 24/7." sabi niya na parang kausap ang sarili at nagpaplano. "Ah, oo! Ang galing kong umisip ng plano. Akin ka nalang?" tumatango-tango pa na sabi niya.

Natatawang kinurot ko siya. Hindi manlang siya nasaktan, walang pagbabago sa reaksyon niya at nakangiti lang habang nakatingin sa akin.

"Pa-cute!"

"Effective ba?" sabi niya bago ngumisi.

Natawa nalang ako sa pinaggagawa niya. Para siyang bata.

"Tama na nga!" natatawang sabi ko sakaniya.

Natigil ako sa pagtawa ng makita ko siyang nakatingin sa akin, seryoso siyang nakatingin sa akin habang nakangiti.

"Ang ganda.." sabi niya habang hindi pa din inaalis ang mga mata sa akin. "Ah! Nakakainis ka."

"A-aray!" sabi ko ng kurutin niya ang mga pisngi ko.

"Ang ganda mo padin." sabi niya. "Gustong-gusto talaga kita, Rain." seryosong sabi niya.

Napailing ako habang inaalala ang mga pinagsasabi ni Richard habang magkasama kami kahapon. Nakakatawa na nakakakilig!

Jusko! Ang rupok-rupok ko, kainis!

Sobrang saya kahapon kasi nakita ko nanaman yung side ni Richard na hindi ko nakikitang pinapakita niya sa iba. Unti-unti pakiramdam ko, mas nakikilala ko sila.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinindot ang gallery. Pinindot ko ang isang album na may pangalang 'V5'

Nakangiti ako habang tinitignan ang mga larawan. Ang dami na naming picture na magkakasama. At habang tinitignan ko 'yon isa-isa, hindi ko maipaliwanag ang saya. Bawat litrato may kaakibat na ala-ala, ala-ala na kasama ko sila. Mga ala-ala na kapag naaalala ko, nagbibigay ngiti sa labi ko.

Amazing how a single photo can bring back a thousand of memories. Amazing how a single photo can make me smile while looking at it. And amazing how we kept a memories by a photo.

Agad kong kinuha ang laptop ko. Balak ko sanang gumawa ng album kung saan nando'n ang mga litrato naming lima, ireregalo ko sana sakanila. Para kung dumating man yung araw na kailangan na naming harapin yung mas malaking mundo sa labas, maaalala nila ako.

***

Nagising ako ng pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Richard na nakangiti habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa Cellphone niya.

Napatayo ako ng makumpirma na nandito nga si Richard sa kwarto ko. "A-anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko sakaniya.

"Ang tagal mong gumising." nakangiting sabi niya na parang hindi narinig ang tanong ko. "Pero hindi ako na-bored kasi ang ganda mo kahit tulog."

"Bolero!" pairap na sabi ko at napangiti din naman.

Yumuko ako at nagkunwaring may hinahanap para hindi niya mapansin ang ngiti sa labi ko. Langya naman! Kakagising ko lang pero eto nanaman, yung puso ko parang inaatake nanaman sa sobrang bilis ng tibok.

Jusko! Dahan-dahan sa pagtibok, 'wag marupok ha.

"Anong hinahanap mo?" tanong niya sa akin.

"Hinahanap ko yung gandang sinasabi mo." sabi ko nalang.

Narinig ko naman ang halakhak niya. "Silly." umiiling na sabi niya habang nakangiting napatingin sa akin.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napakagat ako sa ibabang labi habang nagpipigil ng ngiti.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya ng maikalma ko na ang puso ko.

"Tinititigan ang mundo ko." seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Kainis!" sabi ko at binato sakaniya ang unan ko. "Lumayas ka nga dito!"

Tumatawa lang siya habang sinasalo ang mga unan na binabato ko sakaniya.

"Bakit ka galit?" natatawang tanong niya.

"Bakit ka pa-cute?"

"Inborn na 'to. Bakit? Effective cuteness ko sayo?"

Lalo akong nainis sakaniya kaya sinamaan ko siya ng tingin, agad naman niyang tinaas ang dalawang kamay niya. Ang kaliwang kamay niya ay hawak-hawak pa ang unan na binato ko.

"Chill, eto na. Lalabas na po, baby. Hehe." sabi niya at humakbang palapit sakin.

"B-bakit ka lumalapit?" nanlalaking mga mata na sabi ko.

"Ibabalik ko lang." sabi niya at binalik ang unan na binato ko sakaniya. Akala ko aalis na siya pero..

"Richard!" tili ko habang tumatawang tumakbo siya palabas. "Walanghiya ka!"

Para akong tanga na napangiti nalang dahil sakaniya. Sinong mag-aakala na napaka-sweet ng taong 'yon? Parang bata pa.

Pinipigilan kong maging marupok pero kung ganito siya palagi parang kahit anong oras bibigay na ako. Jusko!

Parang tanga na napahawak ako sa kaliwang pisngi ko na hinalikan niya. Kainis! Nanlambot ako do'n. Paano pa kung sa labi na 'di ba? Edi hulog na?

Nakakainis! Nakakainis kapag gano'n siya, masyadong nagpapakilig. Kahapon lang umamin pero kung humarot wagas. Napaka-harot.

"Baby, 'wag kanang masyadong kiligin! Labas kana!"

"Bwiset!" sigaw ko sakaniya.

Narinig ko nanaman ang nakakainis na tawa niya. Nakakainis kasi pinagtatawanan niya ako pero ang sarap sa tenga kasi alam kong masaya siya habang kasama ako.

"I love you too, baby!" sabi niya at sumilip pa sa pintuan.

Bago pa man tumama sakaniya ang unan na binato ko ay mabilis na niyang naisarado ang pinto. Walanghiya 'yon, napaka-galing magpakilig.

Parang napatigil din ako sa paggalaw ng mag-register sa utak ko ang sinabi niya.

I love you daw, Divina! Jusko. Buti nalang agad siyang umalis. Baka sa sobrang kilig mapa-sigaw ako ng 'I love you too.'

The Unwanted ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon