Unwanted 13

843 22 1
                                    

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa mga kaklase ko. Lahat sila kumakanta at nakatingin sa akin, mga nakangiti.

Lahat ng mga kaklase ko na parang hangin ang turing sa akin buong araw...kumakanta ngayon sa harapan ko.

Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko makita si Dane, nakita ko lang si Chiara na kumakanta habang kasama sila Quin at Zane.

"HAPPY BIRTHDAY, DIVI!" sabay-sabay na sigaw nila matapos kumanta.

Lalo akong naiyak dahil doon.

Sa unang pagkakataon, may mga taong sinorpresa ako. May mga taong nakaalala ng birthday ko kahit na ako mismo nakalimutan ko. May mga taong handang samahan ako na ipagdiwang ang kaarawan ko.

Hindi man kasing garbo ang mga handa kagaya ng nasa bahay kapag sumasapit ang kaarawan ko.

Masasabi ko naman na masaya ako.

Kasi kahit na ganito lang, ramdam ko na pinaghirapan nila.

Happy Birthday, Divi..
Happy Birthday, Divi..

Happy Birthday~
Happy Birthday~
Happy Birthday to you~

Habang kumakanta sila ay lumalapit naman sa akin sila Richard, may dala silang cake. Silang apat.

Lalo akong napaiyak. Hindi dahil sa lungkot gaya ng nararamdaman ko kanina. Umiiyak ako kasi sobrang saya ko! Sa sobrang saya ko hindi ko alam kung paano ko pa ipapakita.

"Make a wish, Rain." nakangiting sabi sa akin ni Richard.

Nasa tabi niya na sila Gerald, Jett at Quenzo na may dala-dala ding cake.

"Happy Birthday, Divi.." sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

Lalo akong napaiyak sakanila. "Nakakainis kayo!" umiiyak na sabi ko.

"Hala!" nagpapanic na sabi ni Jett. "Hoy, John! Hawakan mo 'tong cake!"

At 'yon nga ang ginawa nila. Pinahawak nila sa mga kaklase namin ang cake bago sila lumapit ulit sa akin.

"May problema ba, Divi?" nag-aalalang tanong ni Gerald.

"Divi, anong nangyari?" sabi ni Jett na hindi mapakali.

Umiiyak na tinignan ko sila. "Kaya ba hindi niyo ako pinapansin? Buong araw..buong araw wala akong kausap." parang batang sabi ko sakanila. Nagsusumbong. "W-walang kumakausap sa akin." sabi ko at umiyak nanaman.

Tumawa naman ng malakas si Jett. "May surprise kami sayo, hindi pwedeng masira 'to. 'Di ba?" tanong niya sa tatlo na tumango lang.

"Tama na sa kakaiyak, Divi. Ayaw mo ba? First time kumanta ni Richard." nakangising sabi ni Quenzo at kumindat nanaman sa akin.

Natawa naman ako dahil do'n. Agad akong yumakap sakanilang apat.

"S-salamat ha?" bulong ko habang nakayakap sakanila. "Salamat kasi..naiiyak ako!" umiiyak na sabi ko. "Salamat kasi nandiyan kayo. Hindi ko alam..hindi ko alam yung gagawin ko kung wala kayo."

Lalong humigpit ang yakap ko sakanila habang patuloy pa din sa pag-iyak. Akala ko may nagawa akong masama. Akala ko hindi na nila ako papansinin.

"Lahat gagawin namin para sayo, Divi." sabi ni Jett. "Lahat." sabi niya pa bago ko maramdaman ang paghigpit ng yakap niya.

"Ikaw ang prinsesa namin, Divi." sabi naman ni Quenzo.

Napaiyak ako sa mga sinasabi nila. Ano bang nagawa kong mabuti noon para ibigay sila sa akin ngayon? Malas ako! Malas ako pero ang swerte ko sakanila.

"Dahil sayo naging masaya kami. Binigyan mo kami ng buhay, Divi." sabi ni Gerald.

"Importante ka sa amin, Rain. Sobra." mahinang sabi ni Richard at naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.

"Voltes V walang iwanan!" malakas na sigaw ni Gerald.

"Walang susuko!" sigaw naman ni Quenzo bago tumawa.

"Solid pa sa bato!" tumatawang sigaw ni Jett na binatukan nila Gerald at Quenzo.

"Hindi masisira!" sigaw din ni Richard.

"At hindi matitibag!" sigaw ko din at nakisabay sa tawa nila.

"Voltes V lang malakas!" sabay-sabay na sigaw namin bago sabay-sabay na tumawa.

Masaya naming pinagdiwang ang birthday ko. Puro tawanan at laro ang ginawa namin. Lahat ng mga kaklase ko may palarong hinanda para daw hindi boring ang birthday ko.

Hindi lang 'yon, lahat sila merong regalo. Sa dami nila hindi ko alam kung paano ko iuuwi ang mga 'yon sa dorm ko pero masaya ako. Bagong memory nanaman ang naganap, memory na alam kong ngingitian ko sa tuwing maaalala ko.

Napuno ng tawanan ang araw na 'to. Mas lalo akong natawa ng masali si Jett at Gerald sa eat the apple na game.

Ang sabi kasi ni Chiara ay dapat mga lalaki lang daw ang maglaro nito para mas masaya. Kaya ang ending sila Jett at Gerald ang magkapartner.

"Walang halikang magaganap ah! Itatakwil kita!" sabi ni Gerald habang nakaturo kay Jett.

Nandidiring tinampal naman ni Jett ang daliri ni Gerald. "Sabi ko naman sayo eh, hindi kita type!"

Tawa kami ng tawa habang nakatingin sakanila. Pati si Chiara na host ng laro ay tawa din ng tawa. Ang saya-sayang tignan ng lahat dahil lahat sila nag-eenjoy.

"Let's start! Eat the Apple....go!" malakas na sigaw ni Chiara.

Paunahang maka-ubos ng apple. Nakatali ang mga kamay nila at magkaharap ang magkapartner. Bawal nilang hawakan ang apple, dapat mukha at bibig lang ang gamitin para maubos ang apple.

"Nakakahiya ka Gerald!" malakas na sigaw ni Quenzo ng mahalikan ni Gerald ang pisngi ni Jett.

Ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa habang nakatingin sakanila. Nakakatawa ang emosyon ni Jett, para siyang matatae na ewan.

"Oh, Jett huminga ka!" sigaw naman ni Zane.

Si Zane yung kasama ni Chiara kanina. Kaklase din namin siya nila Jett, ang kaso lang madalas kasing absent si Zane.

Tawa kami ng tawa dahil sakanila.

"Ampotangina!" malakas na sigaw ni Jett ng mahalikan niya si Gerald. Hindi lang basta sa pisngi. Sa labi! Sa labi niya nahalikan si Gerald.

Napuno ng tawanan ang buong gymnasium dahil sakanilang dalawa.

"Ayoko na! Peste!" sigaw ni Jett bago umalis doon.

Tawa ng tawa si Quenzo habang may hawak-hawak na cellphone. Mukhang vinideohan sila.

"Burahin mo 'yan!" pikon na sabi ni Jett.

Si Gerald naman ay mangiyak-ngiyak habang pabalik sa amin.

"First kiss ko." tulalang sabi niya.

Lalong tumawa si Quenzo habang nakatingin kay Gerald. Napangiti ako habang nakatingin sakanila.

Kinuha ko ang cellphone ko hindi para asarin sila.

Kinuha ko para kuhanan ang lahat ng litrato.

Ngayong araw, sobrang saya ko.

Dahil ngayong araw, mas lalo kong napatunayan na hindi pala lahat ng tao mapagpanggap. Ang mga maids namin sa bahay, kahit hindi nila sabihin alam kong takot sila sa akin.

Takot sila dahil ang malas na mga mata ay napunta sa akin.

I have the curse eyes. Pero hindi ko naramdamang iba ako sa mga kaklase ko.

Ngayon, mas napatunayan ko na tama ang naging desisyon ko. Sa unang pagkakataon, gumawa ako ng desisyon na hindi ko pinagsisihan.

The Unwanted ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon