Unwanted 11

934 24 2
                                    

Nakatingin lang ako kay Jett habang magkakasama kami nila Richard ngayon sa cafeteria. Gusto kong makita kung maayos naba talaga siya.

"Akin 'tong ice tea!" sigaw ni Gerald habang nakikipag-agawan ng Ice tea kay Jett.

"Ang kapal, ako bumili tapos biglang sayo?" sabi ni Jett at pilit na kinukuha ang ice tea.

"Libre mo 'to!"

"At hindi ko sinabi na kasali ka sa ililibre ko!" nagsamaan sila ng tingin.

Sa huli ay si Quenzo ang kumuha ng Ice tea at ininom. "Ang sarap pala nito." parang wala lang na sabi niya matapos ubusin ang ice tea. "Oh, gusto niyo?" nakangising sabi niya st inabot sakanila ang lalagyan ng Ice tea na yelo nalang ang laman.

Natawa ako dahil sa ginawa niya. Nang makita ni Quenzo na natawa ako ay kinindatan niya ako.

"Akin 'yan Enzo eh!" parang iiyak na sabi ni Jett.

"Akin dapat 'yon eh!" sabi naman ni Gerald.

Napanatag ang loob ko dahil sa biruan nila. Kahit papaano ay nawala ang pag-aalala ko kay Jett. Nakikita ko kasi na bumabalik na siya sa dati.

Dalawang araw mula ng mangyari ang pag-iyak niya sa akin sa field, isang buong araw siyang hindi lumalabas sa loob ng dorm niya no'n. Ang sabi niya may lagnat daw siya, isang dahilan na hindi ko pinaniwalaan pero hindi na ako nagsalita.

Hindi ko alam kung napansin ba nila Gerald ang problema ni Jett dahil busy din sila noong araw na 'yon.

"Say 'ahh'." napatingin ako kay Richard ng bigla nalang niyang itapat sa bibig ko ang tinidor na merong cake.

Tinaasan ko siya ng kilay pero tinaasan niya lang din ako ng kilay at nginuso ang cake kaya sinubo ko nalang.

"Good, siopao." sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya.

Kahapon lang ulit kami nakumpletong lima. Ilang araw ding busy sila Richard tungkol sa ginagawa nila. Kaya naman ng makabalik sila ay ang saya-saya na ulit.

Nawala na din ang awkward silence sa pagitan namin ni Richard.

Masaya ko silang tinitignan lahat. Nakumpleto nanaman kami, ang saya!

"Hello mga ka-V5." sabi ni Gerald habang hawak ang cellphone niya.

Ito ang kinahihiligang gawin ngayon ni Gerald, dito lang ata sila nagkakasundo ni Jett na katabi niya na ngayon at kumakaway-kaway sa camera ng phone ni Gerald.

"Hello! Ako si Jett, ang pinaka-gwapo." nakangising sabi nito. Bago pa makapag-reklamo si Gerald ay inagaw na ni Jett ang cellphone at tinapat sa amin nila Richard at Quenzo. "As you can see mga ka-V5, kumpleto nanaman kaming Voltes V." sabi nito at nilapit sa amin ang cellphone.

Natatawang kumaway ako sa camera. "Hello! Ako lang po 'to, ang pinaka-cute sa grupo!" intro ko habang tumatawa.

"Yown! Ang lakas naman ni Divi." supportive na sabi ni Jett.

"Akin na nga 'yan!" nakasimangot na sabi ni Gerald. "Ako magpopost niyan sa youtube channel ko kaya akin na!"

"Eto na! Eto na!" sabi ni Jett. Pero bago pa man makuha ni Gerald ay tumakbo na ito paalis.

"Langya, akin na 'yan!"

At naghabulan nanaman sila sa loob ng cafeteria. Nakangiti lang ako habang nakatingin sakanila.

Sa bawat araw na magkakasama kami, lahat ng moments namin together for keeps talaga. Madalas kahit boring na, magkakasama pa din kami.

"Bakit nga ba natin kinaibigan sila Jett?" tanong ni Quenzo habang nakatingin kay Gerald at Jett na naghahabulan.

"Oo nga, wrong move 'no?" pagsakay naman ni Richard sa sinabi ni Quenzo.

Mas lalo akong natawa. Ito kasi yung side na hindi makikita ng iba, ito yung side na hinayaan nilang makita ko. Oo nasa cafeteria kami, pero ganito lang kami kakulit kapag kami ang magkakasama.

"Feel na feel ang pag-ngiti ah." sabi ni Richard at tumingin sa akin.

"Nakakaganda kasi 'yon." nakangising sabi ko.

Natawa naman si Quenzo dahil sa sinabi ko. "Kakasama mo kay Jett 'yan nangyayari sayo."

Ngumisi lang ako sakanilang dalawa at tinaas baba ang kilay ko.

Sa huli sabay-sabay kaming tumawang tatlo.

"Ay nagsosolo!" sigaw ni Jett at agad na naupo sa upuan niya. "Nagtatampo na ako." kunwaring nakasimangot na sabi niya.

Ang gaga lang.

"Kinakalimutan na nila tayo." kunwaring umiiyak na sabi ni Gerald bago umupo sa tabi ni Jett. "I feel so alone."

"Tayo nalang Gerald." sabi ni Jett at aktong yayakap kay Gerald kaso agad siyang binatukan. "Masakit ah!"

"Paanong sakit ba?" at 'yon, naghabulan nanaman sila habang nakatingin lang kaming tatlo sakanila.

Hindi magiging masaya yung samahan naming lima kung wala sila. Hindi na ata mabubuo ang araw namin ng walang harutan at habulan na nangyayari sa dalawang 'yan. Kahit naman kasi ganiyan sila, alam ko sa sarili ko na mahal nila ang isa't-isa. Hindi nga ata matatawag na pagkakaibigan ang isang samahan kung walang asaran na magaganap.

Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa youtube app. Agad kong sinearch ang Voltes V, 'yon kasi ang name ng youtube channel ni Gerald. At kaming lima ang makikita do'n.

Tuwing pumupunta ako sa channel na 'to, hindi ko mapigilang mapangiti. Isa 'to sa katibayan na parte ako ng pagkakaibigan na meron sila. Dahil isa ako sa V5, ako ang pang-limang miyembro.

Naramdaman kong inakbayan ako ni Richard. "Saya mo ah." nakangiting sabi niya.

Sumandal ako sa balikat niya at pinakita sakaniya ang phone ko.

"Belong ako sainyo." nakangiting sabi ko. "Isa ako sa V5."

"Happy ka?" tanong niya.

"Oo, thank you!" sabi ko at niyakap siya.

Sobrang close namin ni Richard kaya hindi ko na din inisip yung kakaibang nangyari sa akin no'ng nakaraan.

Mabilis pa din ang pagtibok ng puso ko kapag nandiyan siya pero hindi ko nalang pinapansin.

Ang mahalaga ay masaya ako ngayon. Wala muna akong pakialam sa kung anong nararamdaman ko.

Ang mahalaga kaibigan ko sila.

Sinong mag-aakala na magkakaroon ako ng mga kaibigan dito? Akala ko ang pagpasok sa Western Academy ay isang bagay na pagsisisihan ko. Pero sinong mag-aakala na sasaya ako dito? Sa lugar na minsan kong tinawag na kulungan.

Minsan talaga magugulat ka nalang sa takbo ng mga pangyayari. Magugulat ka nalang dahil ang inaakala mong pangit na desisyon ay tama pala.

Ganoon naman talaga 'di ba? Hindi natin gusto kaya akala natin hindi na tayo sasaya sa desisyon na 'yon. Pero sino ba ang nakakaalam sa mga pwedeng mangyari 'di ba?

But there's one thing for sure. In a bad journey, you will always find an unexpected persons who will accompany youㅡ'til you realized that the journey is no longer bad because of them.

Because when you're with the right persons...everything will feels so right.

So right that you'll forget how bad you think the situation is.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now