Unwanted 07

1K 32 2
                                    

Pangalawang araw palang ng pasukan pero absent na ako.

Nakakaloka ang mga pangyayari kahapon sa PE class, kung hindi lang ata ako inalalayan ni Richard ay hindi na ako nakauwi dito sa dorm.

Nakakahiya pa dahil may ibang class na nakatingin sa amin habang tumatakbo sa oval at kumakanta ng ABCD. Bawal pa namang hinaan ang pagkanta kaya rinig na rinig.

May ibang tumatawa habang nakatingin sa amin kahapon. Pero ang mas masaklap pa doon, kailangan naming tumakbo hanggang sa matapos ang klase. Way daw 'yon para malaman ng teacher namin na si Mr. Velasquez kung hanggang saan ba ang kakayanin ng katawan namin.

Nakakahiya dahil parang ako lang ang pagod na pagod kahapon. Mukhang mga sanay na ang mga kaklase ko, mas naintindihan ko tuloy kung bakit todo reklamo ang iba kong mga kaklase.

At eto ang napapala ko kakatakbo..

Nagrereklamo ang katawan ko, hindi ako makatayo dahil konting galaw sumasakit ang buong katawan ko.

Pero hindi naman na kasing sakit ng kahapon ang nararamdaman ko. Kaya naman na, ayaw lang talaga akong papasukin ni Richard dahil maiintindihan naman daw yun ni Mr. Velasquez. Madalas daw kasi pagkatapos kaming pagurin sa PE ay expected na ang mga estudyanteng hindi makakapasok the next day.

Ang weird lang talaga dahil first day na first day yun ang nangyari. Warm welcome daw sabi ni Jett.

"Divi, tara movie marathon naman tayo!" pangungulit sa akin ni Jett.

Nandito silang apat ngayon sa dorm ko. Basta nagising nalang ako at nandito na silang apat, nangangalkal ng kusina at mga gamit sa sala.

Akala ko nga ay ako lang ang aabsent, pero sabi nila wala daw iwanan kaya aabsent na din daw sila. If I know tinatamad lang sila.

"Wala akong mga movies dito eh." sabi ko bago tumayo mula sa pagkakahiga at pumunta sakanila.

"Meron ako! Ako nalang!" nakangising sabi ni Jett.

Papayag na sana ako ng bigla nalang may lumipad na unan sa kung saan at tumama sa ulo ni Jett. Hindi ko mapigilang mapahalakhak dahil sa reaksiyon niya.

"Aray ah! Sino 'yon ha?"

"Ako pipili ng movie!" sabi ni Gerald habang hawak-hawak ang remote ng tv.

"Ako kaya!" ayaw patalo na sabi ni Jett.

"Ako nga!"

"Sabi ni Divi, ako daw!"

"Mas matanda ako sayo, Jett."

"Ako ang bata kaya dapat ako masusunod!" at bigla nalang niyang kinuha ang remote kay Gerald.

At dahil ayaw magpatalo ng kahit na sino man sakanilaㅡang ending nag-wrestling sila sa lapag.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko para pigilan sila. Bukod sa mas matangkad sila sa akin, parang kawawa ako kapag ako ang nadaganan nila.

Napangiwi nalang ako. Naiimagine ko palang na madadaganan nila ako parang nararamdaman ko na kung gaano kasakit.

"Tama na nga!" parang Kuya na saway sakanila ni Quenzo at hinablot ang remote. "si Divi ang mamimili!" sabi nito bago kumindat sa akin.

Napasimangot naman na tumayo ang dalawa at nagsamaan ng tingin.

Parang mga bata talaga 'to.

Napailing nalang ako umupo sa tabi ni Richard at nakikuha sa kinakain niyang fries. Nang makita niya na kukuha pa ako ulit ay nilayo niya ang lalagyan.

"Ang damot mo!"

"Magluto ka ng sayo." nakangising sabi niya at nilalayo sa akin ang lalagyan ng fries.

The Unwanted ChildΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα