Unwanted 08

988 28 1
                                    

Isang buwan na rin simula ng pumasok ako dito sa Western Academy. Kung dati ay sila Jett, Gerald, Quenzo at Richard ang nakakasama koㅡngayon halos lahat ng mga kaklase namin ka-close ko na.

Para kaming magkakapatid kung magturingan. Nalaman ko din na pinaka-solid daw pala talaga ang section namin. Walang iwanan kahit anong mangyari, at mas nakikita ko 'yon sa mga nagdaang araw.

"Ang galing mo na!" masayang sabi ni Dane kasama si Chiara habang pinapalakpakan ako.

Sa PE class namin, kaya pala kami pinapatakbo ay para masanay ang katawan namin. Martial arts ang tinuturo sa PE, tinuturuan kami kung paano maipagtatanggol ang sarili namin lalo pa at galing kami sa mayayamang pamilya.

Ang alam ko sa magsunod na dalawang quarter ng school year ay puro Martial Arts ang aatupagin. At ang dalawang quarter na matitira naman ay para sa talent.

Nandito ako ngayon sa training room. Kung dati halos sumakit pa ang buong katawan ko at hindi manlang makaganti ng tira sa kalaban ko, ngayon kayang-kaya ko na.

"Ang galing mo na, Divi!" masayang sabi ni Chiara at inabot sa akin ang tumbler ko.

Nakangiti ko naman na inabot 'yon. "Salamat sainyo!" masayang sabi ko.

Sila kasi ang nagturo sa akin. Kailangan daw kasi talaga 'yon. Wala daw nakaka-graduate dito sa Academy na hindi natututo ng martial arts.

Nawala na din yung doubt ko sa sinabi ni Dane. Pinagsawalang bahala ko nalang din, baka trip niya lang talagang sabihin yun no'ng araw na 'yon.

"Tara sa Caf, libre ko." sabi ko sakanila.

Magkakasabay kaming naglalakad papuntang Cafeteria.

Kung sila Richard ang hinahanap niyo? Nasa kabilang training room. Magkakahiwalay ang lalaki at babae, sa assessment pa pwedeng maglaban ang babae at lalaki.

Magkaiba kasi ang tutor sa amin. At hindi kakasya kung sa iisang training room lang kaya pinaghiwalay nalang.

"Himala hindi mo kasama sila Quenzo." sabi ni Chiara.

Natawa naman ako dahil doon, madalas nga na kasama ko ang mga 'yon.

"Hindi pa ata sila tapos eh."

"Ay! So kapag wala sila, sa amin ka sasama gano'n?" nakataas kilay na sabi niya. "User ka ha!" nakasimangot na sabi niya.

Agad namang tinampal ni Dane ang nakangusong labi ni Chiara. "Napaka-madrama mo talaga."

"Joke lang naman!" sabi ni Chiara at tumawa na parang baliw.

Natawa nalang din ako sakaniya. Si Chiara, parang girl version lang siya ni Jett. Si Dane naman parang si Richard, napaka-tahimik niya. Madalas nakatingin lang sa paligid. Mas gusto niyang nakikinig kaysa nakikisali sa usapan.

Tinanong ko nga siya kung gusto niya si Richard dahil para siyang nawawala sa sarili kapag nandiyan si Richard. Pero ang sabi niya lang ay hindi daw.

Hindi nalang din ako kumibo doon dahil hindi ko naman ugaling makialam. Basta kung kakailanganin niya ako, nandito lang naman ako.

Habang naglalakad kami papunta sa counter para umorder, bigla nalang may bumangga sa akin kaya halos matumba na ako kung hindi lang ako hinawakan ni Chiara.

"Ano bang problema mo, Nicky?!" pikon na sigaw ni Chiara.

Si Nicky taga class-B siya. Hindi ko alam kung anong problema ng section niya sa section namin. Basta ang alam ko, hindi magkasundo ang dalawang section.

"Kayo ang problema ko." malditang sabi niya bago tumingin sa akin at ngumisi. "Oh, nandito pala ang uto-utong si Divina."

"Ayoko ng gulo Nicky." mahinahon na sabi ko.

Hindi ko alam kung anong problema niya sa akin. Hindi ko naman siya kilala. Isang beses lang kaming nagkasalubong no'n, noong nabangga niya ako at natapon ang pineapple juice ko. Pagkatapos no'n, palagi na niya akong binabangga o kaya tinutulak.

"Ang tanga-tanga mo, Divina." seryosong sabi niya na parang may alam na hindi ko alam.

"Tumigil ka nga, Nicky! Tigilan mo si Divi!" malakas na sigaw ni Chiara.

Marami na ang napapatingin sa nangyayari dahil sa malakas na sigaw ni Chiara.

"Why Chiara? Are you scared?" mapakla pang tumawa si Nicky. "Takot kayo 'di ba? Kaya umiiwas kayo kasi natatakot kayo!"

"Tama na, Nicky. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag si Richard na ang lumapit sayo." mahinahong sabi ni Dane.

"Bakit, Dane? Bakit sumasama ka pa kay Divi kahit na gusto mo si Richard at nasasaktan kalang?" nakangising sabi ni Nicky. "Ahhh, kasi may kasunduan kayo hindi ba?"

Naguguluhang napatingin lang ako sakanila. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang pinag-uusapan nila.

"Manahimik ka, Nicky! Wala kang alam!" galit na sigaw ni Dane.

Napatingin sa akin si Nicky. "Isa kang malaking tanga."

'Yon lang ang sinabi niya bago tumalikod at maglakad palayo na parang walang nangyari.

Hinawakan ako sa braso ni Chiara at seryosong nagsalita. "Don't mind her. She talk nonsense."

Parang ibang Chiara ang nakikita ko ngayon. Wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila pero alam kong may epekto lahat ng sinabi ni Nicky sakanila.

"Divi!" napatingin ako sa pintuan ng Cafeteria at nakita si Jett na kumakaway.

Agad akong ngumiti at kumaway din sakanila.

Magkakasama nanaman silang apat. Mabilis lang silang nakalapit sa pwesto namin. Nagtatakang napatingin sa dalawang kasama ko.

"Anong nangyari?" seryosong tanong ni Quenzo.

"Si Nicky." seryosong sabi ni Dane bago tumingin kay Richard.

Para ulit silang nagkakaintindihan habang nagtititigan.

"Ayos ka lang ba, Divi?" tanong ni Gerald.

Tumango lang ako at ngumiti sakanila.

Inakay nila akong dalawa ni Jett at naiwanan sila Chiara at Dane kasama sila Quenzo at Richard.

Tinignan ko pa sila at nakita na nakatingin silang lahat sa akin na parang hinihintay akong makalayo.

"Anong meron, Jett?" nagtatakang tanong ko.

"H-ha? Wala ah! May pag-uusapan lang sila. Alam mo naman part ng council sila Richard 'di ba?" sabi niya.

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa ulit.

Hanggang sa matapos kaming kumain nila Jett at Gerald ay hindi na nakasabay pa sa amin ang apat.

Patuloy pa din sila sa pagbabangayan pero hindi ko maiwasang magtaka. Ano ba talagang meron?

Hindi ko nalang pinagtuonan ng pansin at nagsimula ng kumain.

"Divi.." napatingin ako kay Gerald, seryoso ang mukha niya. Walang halong ngiti kagaya ng nakasanayan ko.

"Ano 'yon?" nakangiting tanong ko.

Napabuntong hininga siya at tumingin kay Jett na seryoso na din habang nakatingin sa akin.

"Importante ka sa amin, Divi." nakangiting sabi ni Gerald. "Sobra.."

Lalong lumawak ang ngiti ko sakanila. "Kayo din! Importante kayo sa akin. Sobra."

Nginitian nila akong dalawa. Ngiting may tinatagong lungkot.

"Hayaan mo nalang si Nicky ha? 'Wag kang makikinig sa kung ano man ang sasabihin niya sayo." sabi ni Jett.

Ngumiti lang ako at tumango.

Parang walang nangyari dahil nagbangayan nalang ulit sila ni Gerald. Natatawa ako sa ingay nila.

Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan sila ng litrato.

Balang-araw, lahat ng litrato na meron ako sakanila ay ibibigay ko sakanila. Para kapag nakikita nila ang mga litrato na 'yon, maaalala nila ako.

Sana maalala nila ang samahan namin sa pamamagitan non.

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now