Unwanted 22

912 21 3
                                    

Natapos naman namin ang pag-aayos kahapon para sa magiging booth namin. Sa totoo lang, excited na excited ako ngayong araw. Ngayon na kasi ang foundation week.

"Tara na. Ang bagal niyo naman, eh."

"Divi, ang aga naman natin." natatawang sabi ni Quenzo na sumisipsip sa straw ng.juice.

Lalong lumaki ang ngiti ko. "Para nga tayo ang mauna!" pagrarason ko sakanila.

8am palang pero ready na kaming puntahan ang mga booths. Sabi nila 8am daw magbubukas hanggang gabi na 'yon. Sabi nga nila Jett na 3pm nalang daw kami pumunta, which is hindi ko sinang-ayunan.

First time ko kaya! Dapat mapuntahan ko ang lahat. Open ang Academy sa lahat, madaming pupunta galing sa ibang Academy. O dika ay mga family ng mga esyudyante.

"Pupunta daw ba si Tita Elly, Jett?" tanong ni Gerald kay Jett na may kinakaing cookies.

Lumunok muna ito bago sumagot. "Ah, si Mommy ba? Hindi ko sure. Tumawag siya kanina, hindi ko lang alam kung matutuloy ba yung pagpunta niya."

"Sana matuloy!"

"Gusto mo lang yung pagkain na dala ni Mommy, eh!"

"Ano naman ngayon?"

At ayon, gaya ng normal na pangyayari sa araw-araw tuwing magkasama kaming lima. Sila Jett at Gerald nanaman ang nagbabangayan.

"Oh," sabi ni Richard bago iabot sa akin ang hot chocolate. "Ubisin mo ah." sabi niya. Siya pa ang naglagay ng straw sa hot chocolate ko.

"Salamat." nakangiting sabi ko.

Hindi na masyadong mainit kaya nainom ko nadin naman agad.

Nang makalabas kami sa Royal Building ay parang nagningning ang mga mata ko. Parang fiesta!

"Wow!" manghang sabi ko habang nililibot ang tingin sa paligid.

"Ang ganda 'no?" sabi ni Richard na nasa tabi ko.

"Oo," mangha padin na sabi ko habang nililibot ang tingin sa paligid.

Ang ganda ng pagkakaayos, parang fiesta talaga! Nakakakita lang ako ng ganito noon kapag sinasama ako ni Kuya sa mga Fiestang Bayan.

Napapikit ako habang dinadama ang hangin na nagmumula sa kapaligiran. Ibang-iba ang aura ng buong Academy. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang mga ala-ala ng nakaraan.

Excited akong bumaba, naka-bihis na ako at naka-contact lense nadin. Ngayong araw ay pupunta kami sa bayan ng Feliz. Fiesta sa bayan na 'yon, may kaibigan doon si Kuya David.

"Goodmorning, Love." napangiti ako at agad siyang niyakap.

"Aalis na tayo?"

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Excited kana?" nakangiting tumango ako sakaniya.

Hindi ko alam kung paano napapayag ni Kuya si Mommy sa pagpunta namin sa bayan ng Feliz ngayong araw. Madalas strict si Mommy sa akin, hindi niya ako pinapalabas o ipinapakilala man lang. Noong una hindi ko pa maintindihan, pero kalaunanㅡhabang nagkaka-edad mas naiintindihan ko ang lahat. Nalaman ko kung gaano ako naiiba sa lahat.

"Kumain ka muna ng breakfast." sabi ni Kuya at hinila ako papuntang dining table.

Nakayuko ang mga maids namin habang papunta kami doon. Nakahanda na ang mga pagkain, habang ang mga maids naman ay nakamasid lang habang nakayuko.

Pinanghila ako ng upuan ni Kuya bago siya naupo sa tabi ko. Nginitian niya ako.

"Kuya," tawag ko sakaniya habang kumakain ng pancakes. "Mababait ba ang mga tao doon?"

The Unwanted ChildWhere stories live. Discover now