Unwanted 17

825 21 3
                                    

"Richard.."

Nawala ang atensyon ko kay Richard at napunta kay Dane na ngayon ay nakatayo na pala sa gilid namin. Hindi ko alam kung kanina paba siya nandyan pero ngayon ko lang siya napansin.

"Dane.." parang gulat pa na sabi ni Richard. "A-anong ginagawa mo dito?"

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Nakatingin lang ako sakanila. Parang bumalik na din ang utak ko na tinangay ata kanina dahil sa mga sinabi ni Richard.

Tumingin sa akin si Richard, parang nagpapaalam. Tinaasan ko siya ng kilay.

'Ano?' nagtatakang tanong ko sakaniya ng walang boses.

Napakamot siya sa batok niya at tumingin ulit kay Dane na nakatingin na samin ngayon.

"Kung hindi naman ok kay Divi, ayos lang."

"Ah, hindi naman sa gano'n. Sige, maiwan ko muna kayo." sabi ko sakanila. Aalis na sana ako ng hawakan ni Richard ang kamay ko.

"Babalik ako sayo mamaya, mag-uusap pa tayo." sabi niya bago lumapit sa akin.

"A-anong gagawin mo?"

Lalo akong kinabahan ng mas lumapit siya sa akin at yumuko. Akala ko kung anong gagawin niya pero napapikit nalang ako ng tumama ang labi niya sa noo ko.

"Go na. Puntahan kita mamaya, sandali lang 'to." nakangiting sabi niya.

Parang tanga na tumango-tango nalang ako sakaniya bago maglakad patalikod. Nang makalayo ako ay napahawak ako sa noo ko kung saan niya ako hinalikan.

A-ano 'yon?

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko ng maalala ulit ang ngiti niya pagkatapos niya akong halikan sa noo. Sa harap pa ni Dane!

Parang tangang nakagat ko ang ibabang labi ko at umiiling-iling habang nakangiti. Walanghiya 'yon, kakaamin lang tapos nanghalik na agad.

Pinukpok ko ang noo ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Noo palang ang hinalikan niya pero para na akong tanga na nakangiti, paano pa kapag...

"Ahh! Ano ba 'tong iniisip ko." umiiling na sabi ko sa sarili ko. "Bawal ang marupok, Rain." pagpapaalala ko sa sarili ko.

"Pero...si Richard na 'yon, eh." umiling ako ulit.

Para akong baliw na nakikipagtalo sa sarili ko. Napapangiti ako pero agad ko ding pinupukpok ang ulo ko dahil puro mukha na ni Richard ang nakikita ko kahit na hindi naman ako nakapikit.

Tae, halik lang sa noo 'yon at ngiti pero nababaliw ako ng ganito.

Natatawa ako habang inaalala kung paano siya mamula kanina habang umaamin siya. Gusto niya daw ako. Inlove daw sa akin si Richard.

"BULAGAAA!"

"Ay!"

Sinamaan ko ng tingin silang tatlo na tumatawa dahil nagtagumpay sila sa panggugulat sakin.

"Nakakatawa 'yon? Nakakatawa ha?"

Tumigil naman sila sa pagtawa. Pero kahit anong inis ko sa ginawa nila, para parin akong tanga na napapangiti nalang ulit.

"Aba! Ngumingiti na mag-isa." sabi ni Gerald habang nakangising nakatingin sakin.

"Ay, iba na 'yan ha. Hindi ko na maabot." sabi naman ni Jett na tumataas-baba ang kilay na nakatingin sa akin.

"Iniwanan lang natin biglang lumawak ang ngiti." sabi ni Quenzo bago kumindat sa akin.

Natawa naman ako dahil sakanila. O siguro dahil masaya naman talaga ako at sa sa sobrang saya ko hindi ko na alam kung paano ko pa ba maipapakita.

The Unwanted ChildOn viuen les histories. Descobreix ara