Unwanted 12

847 23 2
                                    

Nagmamadali akong tumayo paalis sa kama ko, 8am ang oras ng klase ko pero 10am na at kakagising ko palang.

Halos takbuhin ko na ang papunta sa banyo, hindi magkaugaga kung anong unang gagawin. Hindi pa naman ako sanay na nagmamadali. Ang natural na 30 minutes kong pagligo ay naging 10 minutes nalang.

Mabilisan lang din ang pag-aayos ko, hinablot ko na agad ang bag at cellphone ko. Habang naglalakad papunta sa klase ko ay chineck ko muna kung meron man lang ba sa mga kaibigan ko ang naisipan akong i-text.

Pero nadismaya ako ng makitang wala. Kahit goodmorning, wala din. Masyado ba silang busy ngayon? Hindi manlang nila napansin na wala ako?

Malungkot ako habang naglalakad papunta sa classroom, malayo palang ako rinig ko na ang ingay at tawanan sa loob ng classroom. Nag-iinit ang mga mata ko, ang drama pero masakit. Kasi feeling ko nakalimutan nila ako.

Oo nga naman. Hindi naman kasi ako dito nag-aral noon, hindi kagaya nila. Magkakasama na sila simula palang. Extra lang ako.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita sila Richard na palabas ng room. Nanlaki din ang mga mata nila ng makita ako. Kakaway pa sana ako sakanila kaso sabay-sabay silang tumalikod at dumaan sa kabilang daan, hindi sa daan kung nasaan ako.

"Richard!" tawag ko sakaniya. Pero kagaya ng kanina, hindi niya ako pinansin.

Gano'n din sila Gerald at Quenzo. Pero ang mas masaklap, pati si Jett hindi din ako pinansin.

Malungkot akong nakatingin sakanila habang palayo sila ng palayo sa paningin ko.

May kasalanan ba ako? Masaya pa kami kahapon sa cafeteria ah? Ang sabi din ni Richard tapos na daw sila sa ginagawa nila. Kaya bakit? Bakit hindi nila ako pinapansin?

Huminga nalang ako ng malalim at pilit na pinapangiti ang sarili ko at pumasok sa loob ng classroom.

"Goodmorning!" bati ko sakanila.

Pero hindi nila ako pinansin. Kagaya nila Gerald, tinignan lang nila ako at nagpatuloy na ulit sa mga ginagawa nila.

Hindi kagaya dati. Dati bago pa man ako makabati, bago pa man ako makapasok sa loob ng room naminㅡnasa labas na sila. Hinihintay ako para lang batiin ng magandang umaga.

May nangyari ba na hindi ko alam?

"Dane! Chiara!" tawag ko sakanila.

Lalapit na sana ako sa pwesto nila pero tumayo si Chiara. "Tara na, Dane. Nagutom ako bigla eh." sabi niya at hinila na si Dane palayo.

Para akong tanga na nakatingin lang sakanila na umaalis...ulit. Kagaya nila Richard hindi manlang nila ako nilingon ulit. Naglakad lang sila palayo na parang hindi manlang ako nakikita.

Napatingin ako sa mga kaklase ko, wala sakanila ang nakatingin sa akin. Diretso lang sila sa mga ginagawa nila, parang hindi ako nakikita.

Malungkot akong umupo sa upuan ko.

Napatingin ako sa paligid, nagdadaldalan at nagkekwentuhan ang ilan sakanila. Mga tumatawa at masaya. Ang iba naman nagbabasa ng libro. Ang iba natutulog. Normal lang ang mga ginagawa nila. Normal lahat bukod sa pag-iwas nila, bukod sa hindi nila pagpansin sa akin.

Gusto kong magtanong, pero paano? Anong itatanong ko? Kung may problema ba? Paano kung wala naman pala? Paano kung ako lang nag-iisip ng gano'n? Paano kung nasanay na ako masyado sakanila kaya ganito ako...hindi mapakali dahil lang sa silent treatment nila.

Nasanay ako na kahit wala sila Richard may kausap ako. May kadaldalan at katawanan. Kasi lahat sila kasundo ko. Lahat sila kaibigan ko.

Yumuko nalang ako at matamlay na natulog sa desk ko.

The Unwanted ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon